NATAWA si Railey ng bahagya. "My apologies. Wala kasi akong gamit na pambabae dito. Sorry about that. Maybe next time, I'll remind myself to buy women's necessities especially toiletries." Pinanlakihan niya ito ng mata. "Bakit mo naman gagawin iyon? May balak kang mag-uwi ng babae dito sa condo mo?" Ugh! Bakit ba parang kinurot ang puso niya sa naisip na iyon? Parang gusto niyang magalit sa kaisipang may dadalhin na ibang babae si Railey sa condo nito. Pinisil nito ang magkabilang pisngi niya. "Hey, don't worry! Wala pang babaeng nakarating dito sa condo maliban sa iyo at sa Mama ko. Kaya wala kang dapat na ipagselos dahil hindi naman ako nagdadala ng ibang babae dito. Kung bibili man ako ng gamit pambabae ay siguradong ikaw ang gagamit ng mga iyon," paliwanag nito bago siya tinaliku

