NAGKATOTOO nga ang sinabi ni Elisse tungkol sa plano ni Justine. Nagsisimula pa lang ang board meeting ay kinuha na nito ang atensyon ng mga board members at iba pang tao sa loob ng conference. Sinubukan nitong siraan si Railey sa lahat ng naroroon. Nagkunwa itong nagmamalasakit sa kompanya nang ipakita nito mula sa isang presentation kung paano nawawalan ng malaking halaga ang AN sa nakalipas na taon. Pinalabas nitong siya ang may kagagawan ng lahat ng anomalya sa kompanya. Kaya kahit labag man sa kanyang kalooban ay iniharap ni Railey si Elisse sa board meeting. Sinabi nito kung sino ang totoong maysala at umamin ito sa pakikipagsabwatan kay Justine. Nag-flare up si Justine

