“SHERWIN, I need your help!” sigaw ni Erika nang lumingon ito kina Railey at Sherwin. Mabilis namang kumilos si Sherwin. Pumuwesto ito sa likuran ng upuan ni Justine. Hinawakan ng dalawang kamay nito ang magkabilang balikat ni Justine at pilit itong isinandal sa upuan. Nagpupumiglas si Justine ngunit hindi ito umubra kay Sherwin. Masyadong mahigpit ang hawak ni Sherwin para makawala pa ito. Lumapit si Erika sa mismong tabi ni Justine. Ipinatong ng dalaga ang kamay nito sa ulo ni Justine at saka nito ipinikit ang mata. Mahabang sandaling walang narinig si Railey mula sa tatlong nasa interrogation table. Nakaramdam ng pag-aalala si Railey kaya lumapit siya dito. Nakapikit pa rin

