“ANO BANG klaseng kalokohan ang pinagsasabi mo? Paano mo nasabing hindi pa siya patay? Matagal na siyang namatay. Hindi nga lang namin natagpuan ang bangkay niya.” Hindi makapaniwalang sabi ni Railey. Tinitigan siya ni Erika. “Iyon na nga ang problema dito. Pinaniwala mo ang iyong sarili na patay na siya kahit hindi mo naman nakita ang bangkay niya. Gaano ka kasigurado na patay na nga siya?” hamon nito kay Railey. Hindi kaagad nakaimik si Railey. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa tatlong bisita niya. Tahimik na umiinom ng kape ang dalawang lalaki. Pero si Erika ay hindi inaalis ang titig sa kanya. Napakamot si Railey sa kanyang batok. “Well, I admit, I am not one hundred percent

