NAGISING si Railey nang maramdaman ang marahang yugyog sa kanyang balikat. Pagmulat niya ng kanyang mata, si Manang Elsie ang una niyang nakita. “Hay, salamat naman at nagising ka na,” nag-aalalang sabi nito. “Anong oras na po ba?” tanong niya habang kinusot ang kanyang mata. “Alas-otso na,” sagot nito bago hinawi ang kurtina sa tabi ng higaan niya. Biglang bumangon si Railey at bumaba ng kama. “Bakit hindi ninyo ako ginising ng maaga? Late na ako.” Nagmamadaling tinungo niya ang banyo. “Bakit may pasok ka ba? Sabado ngayon, ah,” tugon ni Manang Elsie nang sundan siya nito. Huminto siyang bigla sa paglalagay ng toothpaste sa kanyang toothbrush. “Sabado nga ba ngayon?” Shit! Ganoon

