“WHAT HAVE you found out?” tanong ni Railey sa detective na kinuha niya upang mag-imbestiga kay Katheryn. Hindi niya agad binuksan ang folder na inabot nito. Gusto niyang marinig sa mismong bibig ng detective kung ano ang nakalap nitong impormasyon. “Sir, nawawala po ang pamilya ni Miss Katheryn. Umalis daw po sila at walang nakakaalam kung saan sila nagpunta. Si Miss Katheryn naman po ay bumalik po dito sa Manila,” imporma ng detective. “Anong sinabi mo? Kailan pa nangyari iyan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Railey. “Sir dalawang araw mula ng bumalik si Miss Katheryn sa Puerto Princesa, bumiyahe siya ulit pabalik ng Manila. Sa araw din na iyon, umalis ang mga magulang niya

