“WOULD it be okay if I ask you to have a DNA test?” Ilang sandaling hindi nakaimik si Katheryn. Naisip niyang baka binibiro lang siya ni Sir Railey. “Sir para saan ang DNA test?” tanong niya nang makabawi sa pagkabigla. “I just want to know who you are.” He simply said. Napayuko si Katheryn. Ilang beses siyang humugot ng hininga bago muling humarap kay Sir Railey. “Sir, sinisiguro ko sa inyo na wala akong kaugnayan sa nobya ninyo. Sigurado akong anak ako ng mga magulang ko at magkapatid kami ni Keira. Wala rin po akong kakambal. Kung…kung k-kahawig ko man ang n-nobya ninyo…baka nagkataon lang iyon.” Pagkasabi nito ay tinanguan na niya ang dating amo ng kapatid. “Paalam na p

