“SO ANONG plano mo ngayon? Hindi mo ba siya pipigilang umalis?” Hindi mapakali si Khrystynna. Panay ang lakad nito sa harapan ni Railey. “Sino ang pipigilan kung umalis?” nalilitong tanong ni Railey. Mula pa kaninang dumating si Khrysstyna ay hindi na siya nito tinigilan. Kung ano-anong tinatanong nito tungkol kay Katheryn. Halos lahat ng tanong nito ay hindi niya masagot dahil wala naman talaga siyang alam sa Katheryn na iyon. Bakit ba masyado itong interesado sa babaeng iyon? “Sino pa ba, kung hindi iyong kamukha ni Vivienne? Hindi mo ba naisip na baka siya mismo ang kaibigan ko. Baka may nangyari lang sa kanya kaya nakalimot siya.” “So iniisip mong si Vivienne at ang Katheryn

