KASALUKUYANG nag-i-impake ng kanilang gamit si Katheryn nang may kumatok sa pinto. Pansamantala niyang itinigil ang ginagawa at binuksan ito. Bumungad sa kanya si Manang Elsie. “Magandang umaga po. May kailangan po kayo?” bati niya sa matanda. “May ginagawa ka ba, iha?” Sumilip pa ang matanda sa loob ng kuwarto. Nilingon ni Katheryn ang higaan nila ni Keira kung saan nakakalat ang kanilang mga damit. “Tinatapos ko lang po ang pag-aayos ng mga gamit namin,” sagot niya nang muling tumingin kay Manang Elsie. Biglang lumungkot ang mukha ng matanda. “Kailan ba ang alis ninyo?” “Bukas na po ng umaga ang flight namin ng kapatid ko,” paliwanag niya. “Kung gano’n, lumabas ka muna. May bisita

