UMAGA pa lang ay abala na ang lahat sa mansion. Kahapon lang ay nilinis ng mga kasambahay ang buong mansion pati na ang bakuran saka nilagyan ng mga dekorasyon. Ngayong umaga ay nagsi-set up na ng mga mesa at upuan ang catering. Gayunpaman, naroon pa rin ang mga ilang kasambahay para umaalalay, kasama na si Katheryn. “Ang bongga ng birthday party, ano? Siguro ang daming bisita,” masayang sabi ni Keira. “Anong sabi ni Manang Elsie? Marami raw bang darating na bisita?” tanong naman ni Katheryn. Ang alam niya ay nasa General Community Quarantine ang buong Manila kaya dini-discourage ang mga pagtitipon na may maraming tao. “Wala naman siyang nabanggit, ate. Pero tingnan mo, ang dami ng me

