KAPAPASOK lang ni Railey sa kuwarto niya nang marinig niyang bumukas ang pinto. Mula roon ay pumasok si Manang Elsie. “Gusto kitang makausap,” seryosong sabi nito pagkatapos isara ang pinto. Kahit inaasahan na niyang mangyayari ito ay nagulat pa rin siya sa reaksyon ng matanda. “Tungkol po saan ang pag-uusapan natin?” Malapit ang loob niya rito kahit bihira silang makapag-usap. Kapatid kasi nito ang dating Yaya Elisa niya na namatay noong mga panahong nagti-training siya sa SEAL. Marahil ay may sama ng loob si Manang Elsie sa kanya dahil hindi siya nakauwi noong namatay ang Yaya niya. Gustuhin man niyang umuwi noon ay hindi naman pwede. Kung pinilit kasi niyang umuwi noon ay hin

