“WHY ARE you still here? Didn’t I tell you to go home?” Napitlag si Katheryn nang marinig ang boses na iyon. Bigla niyang nabitiwan ang walis na hawak. Dahan-dahan siyang humarap sa may-ari ng boses. Hindi maipinta ng kahit sinong magaling na pintor ang pagmumukha ni Sir Railey. Umaga pa lang pero sing-dilim na ng dapit hapon ang mukha nito. Pero kahit masama ang awra nito ay hindi nababawasan ang pagiging magandang lalaki ng amo ng kapatid niya. Mas guwapo pa sana ito kung marunong lang ngumiti. Nakita naman niya kahapon na magiliw itong makitungo sa mga kasamahan ni Keira. Nakangiti ito at maayos ang disposisyon nang dumating sa mansiyon. Pero nang mapagtuunan siya nito ng

