"OKAY KA na ba?" nag-aalang tanong ni Railey. Ang kamay nito ay masuyong humahagod sa likod ni Vivienne. "P-puwede ba....sa susunod ayusin mo naman iyang mga biro mo. Hindi ka nakakatuwa, ha?" naiinis niyang sabi. Bumalik si Railey sa upuan nito. "Hindi naman kita binibiro. Seryoso ako sa sinabi ko." Pinandilatan niya ito. "Seryoso ka talaga? Paano mo naman nasabi na binubuhay ko ang dugo mo? Ano bang ginawa ko?" Naguguluhan siya sa sinabi nito. Ngumiti ito ng makahulugan. "Totoo naman na sa titig mo pa lang binubuhay mo na ang dugo ko. Idagdag mo pa ang nakakahalina mong pabango na naamoy ko sa tuwing lumalapit ako sa iyo. At kung hindi ka aware pati ang choice mo sa pananamit ay nakakatawag ng pansin tulad na lang ngayon." Bigla siyang napatingin sa kanyang suot. Hindi niya napan

