"GOOD MORNING, Miss Vivienne!" nakangiting bungad ni Bettina nang makita siya nitong sumungaw sa pintuan. "Good morning, too!" nakangiti ring tugon niya. "Dumating na ba si Rai-...I mean si Sir Railey?" Shit! Muntik na niyang makalimutan na nasa opisina na siya at boss nga pala niya ang hinahanap na tao. Bahagyang natawa si Bettina. "May kailangan ka ba sa kanya?" diretsong nakatingin sa kanya at halatang sinusupil ang sariling mapangiti. "Aaah...kailangan ko pa bang humingi ng appointment?" Masyadong na bang busy si Railey at pati siya kailangan pang isingit sa schedule nito. "Magbibigay lang sana ako ng update tungkol sa ipinapagawa niya sa akin." Ilang araw na niya kasi itong hindi nakikita at nagbabakasakali siya na makausap ito ngayon. Not that she missed him...but it's about h

