Chapter 1- Drinking Spree

395 Words
Twelve years later "UUWI na ako," sabi ni Vivienne pagkalabas nila ng opisina matapos ang kanilang Christmas party. "Naku, huwag muna. Maaga pa. Sumama ka na lang muna sa pupuntahan namin," sagot naman ni Kaye, isa sa mga officemate niya't kaibigan. Umiling siya. "Next time na lang. Medyo nahihilo na ako, eh." "Ano? Dalawang beer in can lang naman ang nainom mo. Nahilo ka na sa lagay na iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Khrysstyna. "Ako nga tatlo iyong nainom ko pero mukha ko lang ang uminit," natatawang dugtong pa nito. "Khryss, hindi kasi sanay uminom si Vivienne kaya madaling tinamaan," depensa naman ni Kaye. "Actually, first time kong uminom," medyo nahihiyang amin ni Vivienne. "Buti nga at hindi ako sumuka." "Gano'n ba?" Napa-tsk si Khrysstyna. "Kaya lang kung magmumukmok ka lang naman sa apartment ninyo, mas mabuti pang sumama ka na sa amin, para sumaya ka naman. At para makalimutan mo kahit sandali ang panloloko ng buwisit mong ex." "Tama si Khryss, Vivienne," sang-ayon ni Kaye. "Saka malay mo, may makilala tayong guwapo doon. Makakahanap ka na ng ipapalit mo kay Pierre." Naisuklay ni Vivienne ang dalawang kamay sa buhok niya. "Sa ngayon ay wala muna sa isip ko ang makipag-relasyon. Galit ako kay Pierre at sa lahat ng kalahi niya. Pare-pareho silang manloloko. Kapag hindi nakuha ang gusto sa iyo, basta ka na lang iiwan at maghahanap ng iba. Anong klaseng mga lalaki iyan?" Naka-tatlong boyfriend na siya at pare-pareho ang mga dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang mga ito sa kanya. Hindi kasi niya isinuko ang Bataan na iniingat-ingatan niya. Ngayon lang niya napag-isip-isip na katawan lang pala niya ang habol ng mga lalaki sa kanya. Ang saklap naman ng kapalaran niya. "Tumpak. Bulls-eye ka diyan, bes. Walang matinong lalaki. Kaya magpakasaya na lang tayo at kalimutan ang mga walang kuwentang kalahi ni Adan. Girl power pa more!" Itinaas pa ni Khrysstyna ang nakakuyom na palad. Hindi na siya nagtaka sa inasal ng kaibigan. Kilala kasi ito sa pagiging manhater. "Sinabi mo, eh. Kaya tara na para makarami tayo," natatawang sabi ni Kaye at nagmamadaling tinungo nito ang parking lot kung saan naroon ang kotse ni Khrysstyna. Nag-aalangan man ay napilitan na rin siyang sumunod sa mga kaibigan. PAUWI na si Railey nang biglang tumunog ang cellphone niyang nasa dashboard ng minamaneho niyang kotse. Patamad na dinampot niya ang earpiece at sinagot ang tawag. "Hello! I'm driving. Speak up quickly," walang kagatol-gatol niyang sabi. "Railey, bro! Inuman tayo. Libre ko. Hintayin ka na lang namin sa Bachelor's Place." "Sino 'to?" Hindi niya makilala ang boses ng tumatawag. Humalakhak ang nasa kabilang linya. "Aha! Hindi ka pa rin nagbabago, bro. Sumasagot ka pa rin ng phone mo ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. It's Archie. Kararating ko lang kahapon kaya maglilibre ako. Just don't bring your girlfriend. For the boys lang ito, bro." He smiled. "Copy that. Magbibihis lang ako and I'll be on my way." "Okay. See yah!" Nang mawala ang kausap niya sa kabilang linya ay muli niyang ibinalik ang earpiece sa dashboard. Sinulyapan niya ang suot na relo. Seven-thirty pa lang. Maaga pa. May oras pa siyang maligo at kumain ng light dinner. Hindi niya ugaling uminom ng walang laman ang tiyan. Mas madali kasi siyang malasing kapag hindi siya kumain. Knowing Archie, ang kababata niya at bestfriend, magpapainom ito hanggang hindi sila gumagapang sa kalasingan. Masyado itong galante pagdating sa inuman. Siguradong aabutin sila ng closing time ng bar. Mabuti na lang at Biyernes ngayon kaya wala siyang pasok bukas. "HEY, ARE you done?" nagtatakang tanong ng Mama ni Railey nang tumayo na siya sa hapag-kainan. Siya ang huling dumating pero siya pa ang unang natapos kumain. "Yeah, I'm full," sagot niya bago tumalikod at dumiretso ng kuwarto niya. Nag-shower siya sandali bago nagbihis. Wala pang kalahating oras ay muli siyang bumaba. "Going somewhere?" bati ni Raizer sa kanya nang maabutan niya ito sa sala. "Lalabas muna ako. Magkikita kami ng mga kaibigan ko. Saan ang Mama?" Magpapaalam muna siya dito bago umalis. "Nasa kusina pa yata. Hindi pa siya umaakyat," sagot ng kapatid saka nito itinuon ang titig sa TV. Naglalakad na siya papunta sa kusina nang masalubong ang ina. "May date ka ba?" tanong ng Mama niya nang salubungin niya ito. "Nope." Sinabayan niya ng iling. "May usapan kami ng mga kaibigan ko na magkikita ngayon. " Napangiti ang Mama niya. "Oh! Akala ko naman. Maghahanap ka ng makaka-date mo." Bumuga siya ng hangin. Here we go again. "Sa bar ako pupunta, 'Ma. Walang matinong babae doon." Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "So makikipag-inuman ka?" Tango lang ang isinagot niya. "Okay. Pero huwag kang masyadong magpapakalasing. Magda-drive ka pa naman." "I can take care of myself, 'Ma. I have to go." Hinalikan niya ito sa pisngi. "Ingat ka." "Sure, 'Ma." Tinalikuran na niya ang ina at lumabas na ng bahay. "YOU'RE LATE, bro! Akala ko pa naman mauuna ka sa amin," Bati ni Archie nang madatnan ito ni Railey kasama ang iba pa nilang mga kaibigan sa Bachelor's Place. "Umuwi muna ako ng bahay," sagot niya nang umupo sa tabi ni Archie. Archie chuckled. "Oh, yeah. Masyado ka nga palang good boy. Nagpapaalam ka pa sa Mama mo," natatawang sabi nito bago tumawag ng waiter. Napakamot siya ng ulo. "I can't help it. She gets worried all the time." "Dapat kasi mag-asawa ka na para hindi ka na inaalala ng Mama mo," kantiyaw ni Dex. He became serious. "Look who's talking. As if naman may asawa ka na. Malala ka pa nga sa akin. Wala kang sineseryosong babae." "Nah." Umiling ito. "I'll get married if I find the right girl. Right now, hindi pa siya dumarating kaya mambababae muna ako." He chuckled. "Hey, stop that," saway ni Archie sa kanila. "Here's comes the waiter. Order your drink, Railey." Binalingan ni Railey ang waiter. "One bottle of Johnny Walker Black Label." "Right away, sir," wika ng waiter bago ito tumalikod. Habang hinihintay ang order niya ay nakikipagkuwentuhan muna siya sa mga kaibigan na bihira na niyang makasama. Pare-pareho na kasi silang busy sa kani-kanilang trabaho. "WE'RE HERE!" pasigaw na sabi ni Khrysstyna nang itigil nito ang kotse. Pagkatapos mai-park ang kotse at mapatay ang makina ay nauna na itong lumabas ng sasakyan. "Anong gagawin natin dito?" gulat na tanong ni Vivienne nang makalabas na rin siya. Hindi niya mawari kung anong klaseng lugar ang pupuntahan nila. Beerhouse? Disco? Night club? s**t! Wala siyang kaalam-alam. Hindi siya mahilig gumala at lalong wala siyang interes sa nightlife. Kaya first time lang niyang makarating sa ganitong klaseng lugar. "Ano pa? Eh, di mag-happy-happy," malapad ang ngiting sagot ni Khrysstyna. "Let's get inside ladies." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok sa loob ng establisyemento. May ipinakitang card si Khrysstyna kaya agad silang pinapasok ng security guard. Pagpasok pa lang nila sa loob ay gusto ng umatras ni Vivienne. Maraming tao sa loob. May mga nakakalat na mesa at karamihan sa mga ito ay okupado na. Sa stage ay may tumutugtog na banda. Hindi niya kabisado ang title ng kanta. Ang nasisiguro lang niya ay sensual ang dating nito base sa mga lyrics na inaawit ng vocalist. Sa bandang baba ng stage ay may mga nagsasayaw. Karamihan sa kanila ay may mga ka-partner. Samantalang ang iba ay grupo lang ng mga kababaihan. s**t! Anong lugar ba itong napuntahan nila? Ngayon lang siya nakarating sa ganitong klaseng lugar. "Wala na yatang bakanteng mesa," sabi ni Khrysstyna habang iniikot ang paningin sa buong paligid. "Eh, di doon na lang tayo umupo." May ininguso si Kaye na agad naman niyang sinundan ng tingin. Ilang hakbang mula sa kinatatayuan nila ay naroon ang bar counter. Maliban sa isang lalaki, wala ng ibang nakaupo sa mga bar stool. "Nice." Pumalakpak si Khrysstyna. "Doon tayo,” sabi nito at nauna nang naglakad. "So, anong o-order-in natin?" tanong ni Kaye nang nasa harap na sila ng counter. "Akong bahala." Kinausap ni Khrysstyna ang bartender. "One pitcher of draft beer, please." "Beer na naman! Hindi ba puwedeng cocktails na lang?" nakataas ang kilay na sabi ni Kaye. "Tama lang ang beer." Sinulyapan ni Khrysstyna si Kaye bago ito tumingin sa kanya. "Baka kasi malasing si Vivienne, problemahin pa natin." Na-guilty siya sa sinabi ng kaibigan. "Um-order lang kayo ng gusto ninyo. Huwag na ninyo akong isipin." Nakangiting tumingin sa kanya si Kaye. "Sinabi mo iyan, ha?" Hinarap nito si Khrysstyna. "Kapag naubos natin itong beer, order tayo ng sangria." Tumango lang si Khrysstyna. Nang dumating ang order nila ay tahimik silang uminom. Nasa pangalawang baso na ang dalawa niyang kaibigan nang magsalita si Kaye. "Ganda ng tugtog. Sayaw tayo." Tumayo ito at hinila siya sa kamay. Umiling siya. "Kayo na lang ni Khrysstyna. Maiwan na lang ako dito." "Sigurado ka? Okay ka lang dito?" alanganging tanong ni Khrysstyna. Nag-thumbs up siya. Pagkatapos ay nilagok ang natitirang laman ng baso niya. Isang baso pa lang ang nainom niya ngunit mukhang hindi na maganda ang pakiramdam niya. Bumaba si Khrysstyna sa stool at lumapit sa kanya. "Dito ka lang, ha? Huwag kang aalis. Babalik din kami ni Kaye." Hinawakan pa nito ang kamay niyang nakapatong sa counter bago ito sumama kay Kaye patungo sa dance floor. Nang makaalis ang mga kaibigan ay ibinalik niya ang atensiyon sa iniinom. Ibinuhos niya ang natitirang laman ng pitcher. Eksakto namang napuno ang baso niya. Dahan-dahan niyang tinungga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD