Chapter 2 - The Man at the Bar

1778 Words
"HELLO, Miss Beautiful! Are you alone? Do you want a company?" Ibinaba ni Vivienne ang hawak na baso bago nilingon ang nagsalita. Nakatayo sa tabi niya ang isang lalaki na mukhang galing sa opisina. Nakasuot ito ng long sleeve at slacks. "Thanks. But I prefer to be alone," balewalang sabi niya. Guwapo naman ito pero hindi siya interesado. Muli niyang tinungga ang iniinom. "Why not? Hindi bagay sa katulad mong maganda ang mag-isa. Let me keep you company." Umupo ito sa tabi niya. Inirapan lang niya ito. Saka inubos ang natitirang laman ng baso niya. "Let me order you a drink. " Binalingan nito ang bartender. "One glass of piña colada for the lady and a glass of gin and tonic for me." Hinarap siya nito. "I'm Louvie and you are..." Inilahad nito ang kamay sa kanya. Sinimangutan niya ito. "Hindi ka rin makulit, ano? Sabi ng ayokong may kasama. Bakit ba ang kulit mo?" Bumaba siya ng stool. Akmang tatalikuran niya ito nang bigla siya makaramdam ng pagkahilo. Umiikot pati paningin niya. Napapikit siya ng wala sa oras. "Are you okay?" Hinawakan siya ng lalaki sa beywang at inalalayan siyang makabalik sa upuan niya. Hindi na siya tumutol pa dahil nahihilo na talaga siya. "Here's your drink." May inilapag ito sa harapan. "Ano 'to?" kunot-noong tanong niya. Mukhang fruit juice ang nasa harapan niya. "Piña colada. Sip it slowly," sagot nito. Tinikman niya ang inumin. "Masarap, ah. " Napangiti ang lalaki. "Bibili uli ako kapag naubos mo iyan." Pagkatapos nga niyang maubos ang inumin ay um-order uli si Louvie ng piña colada. "So what's your name?" muling tanong ni Louvie nang ibaba niya ang wala ng lamang baso. Tiningnan niya ang lalaki. Anong nangyari at biglang lumabo ang paningin niya? Lasing na ba siya? Hindi na niya maaninag ang mukha ng kausap niya. "Kapag ba sinabi ko kung anong pangalan ko, ibibili mo pa ako ng inumin?" Hell! She wanted to drink more. Masarap sa panlasa niya ang iniinom na cocktail. Sasamantalahin na niya ang pagkakataon dahil may naglilibre sa kanya. "Gusto mo pa? Lasing ka na yata." "No. Kaya ko pa. Hindi ba gusto mong malaman ang pangalan ko?" Hindi sumagot ang kausap niya. Sa halip ay nilapitan nito ang bartender. Pagbalik ni Louvie ay inilapag nito sa  tabi  niya  ang kanyang inumin. "Thanks. I'm Vivienne," nakangiting sabi niya bago nilagok ang laman ng baso. Nang ibaba niya ang baso ay kalahati na lang ang natira dito. "Ubusin mo na iyang inumin mo at sumayaw naman tayo," malambing na sabi ni Louvie. Napangiti siya ng mapakla. "Sorry to disappoint you pero dito lang ako. Hindi ako puwedeng umalis. Hihintayin ko pa ang mga kaibigan ko dito." "What? Akala ko ba ay okay na tayo. Inilibre na nga kita ng inumin tapos tinatanggihan mo pa rin ako." Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Mainit na nga ang pakiramdam niya ay pinapainit pa ng lalaking ito ang ulo niya. "Ibig mong sabihin may ulterior motive ka sa paglibre mo ng inumin ko?" "Hey, masama ba naman ang makipagsayaw sa babaeng kasingganda mo? I'm attracted to you, if you haven't notice." Nahilot niya ang sentidong nagsisimula ng kumirot. "I'm sorry. Pero baka hindi ako mahanap ng mga kaibigan ko kapag umalis ako dito." Lasing na siya kaya hindi na niya kakayaning umuwing mag-isa. "Don't worry. I'll take care of you." Bumaba ito ng stool at inakbayan siya. "Bitiwan mo nga ako," naiinis niyang sabi. Pilit niyang inaalis ang kamay nito sa balikat niya. "Hey, huwag ka nang magpakipot." Inilapit nito ang mukha sa kanya saka bumulong sa tenga niya. "I promise to make you happy tonight. I will give you the greatest pleasure that you can never imagine." Oh, no! Kinabahan siyang bigla sa sinabi nito. Naramdaman niyang bumaba ang mga kamay nito sa beywang niya at pilit siyang itinatayo. Nakaramdam siya ng kilabot. "Sabi nang bitiwan mo ako, eh!" Siniko niya ito. Pero hindi pa rin siya binitiwan ni Louvie. Dinampot niya ang ang basong may laman pa. Umikot siya paharap dito at isinaboy ang natitirang laman nito sa mukha ng lalaki. Nabitiwan siya nito saka napamura ng malutong. Itinaas nito ang kamay at sinampal siya. Sa lakas ng impact ay halos mahulog siya sa kinauupuan niya. Akmang sasampalin siya nito ulit nang biglang may pumigil sa kamay nito. "That's not the way to treat a woman," sabi ng baritonong tinig na hindi niya namalayang nakatayo na sa tabi niya. "Huwag kang makialam dito. Girlfriend ko siya kaya wala kang pakialam," ganting sagot ni Louvie. "Really? Anong klase kang boyfriend kung ganyan mo tratuhin ang girlfriend mo?" Binitiwan nito ang kamay ni Louvie saka bumaling sa kanya. "Miss totoo bang boyfriend mo siya?" Hindi siya agad nakasagot. Parang hindi nagsi-sink in ang sinabi nito sa kanya. Basta nakatitig lang siya sa mukha ng estranghero na hindi naman niya maaninag. Sinulyapan ng estranghero si Louvie. "See? Hindi siya makasagot kasi hindi naman totoo ang sinasabi mo." "Bakit ka ba nangingialam. Umalis ka na dito!" Iniumang ni Louvie ang suntok. Pero sinalag lang ito ng estranghero at parang walang anumang pinilipit nito ang daliri ni Louvie. Namilipit sa sakit si Louvie na sinamantala naman ng estranghero. Itinulak nito si Louvie na naging dahilan para bumagsak ito sa sahig. "Umalis ka na. Baka magbago ang isip ko at tutuluyan na kita," banta ng estranghero. Nagkukumahog namang umalis si Louvie. "Are you okay?" tanong ng estranghero nang humarap sa kanya. "I...I don't know." Napahawak siya sa kanyang pisngi. Lumapit sa kanya ang estranghero at hinawakan ang mukha niya. "Your face is swollen" mahinang sabi nito. Napakalapit ng mukha nito sa mukha niya. Naamoy niya ang panlalaki nitong pabango pati na ang amoy alak nitong hininga. Nakaramdam siya ng kakaibang sensayon at mumunting daloy ng kuryente na unti-unting lumukob sa buong sa katawan niya. Hindi niya mapangalanan ang ganitong pakiramdam. Strange pero ngayon lang siya nakaramdaman ng ganito at sa estrangherong lalaki pa. Napalunok siya ng wala sa oras. Binitiwan ng estranghero ang mukha niya. "We need to do something about your face." Hinawakan nito ang kamay niya at tinulungan siyang makatayo. "C'mon. Let's go," sabi nito at hinila na siya. Biglang umikot ang paningin niya. "Wait. Sandali lang." Hinila niya ang kamay mula sa estranghero. Kusa naman siyang binitiwan nito. "What's wrong?" nag-aalalang tanong nito. "Nahihilo ka ba?" Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. "Yes and..." Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang nakaramdam ng pagbaliktad ng sikmura niya. Natutop niyang bigla ang bibig. Naintindihan yata ng estranghero ang nangyayari sa kanya kaya agad siya nitong pinangko at nagmamadaling lumabas. Pagkababa nito sa kanya ay hindi na niya napigilan ang sarili. Nakayuko siyang sumuka ilang hakbang mula sa entrance. Naramdaman niyang may humahagod sa likod niya. Hindi na niya kailangang lumingon para malaman kung sino ang gumagawa no'n sa kanya. Sa paraan ng paghagod nito sa kanya ay nasisiguro niyang ang kamay ng estranghero iyon. Funny, pero hindi siya makaramdam ng takot sa estranghero. Sa halip ay kalmado at panatag ang pakiramdam niya na para bang matagal na niyang kakilala ang lalaki. "Okay ka na?" tanong nito nang humarap siya dito. "Yeah. I think so." Sinabayan niya ng pagtango. May inilabas na panyo ang estranghero at pinunasan nito ang bibig niya. Napapikit siya sa sensasyong dulot ng pagkakahagod sa bibig niya. Kanina pa niya nararamdaman ang kakaibang init sa buong katawan niya. Epekto siguro ito ng alak. At sa ginawa ng estranghero ay lalo siyang nag-iinit. Hindi rin niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Lumuhod ito sa harapan niya. Pagkatapos ay naramdaman niyang may pumapahid sa kanyang mga binti. Lalong nanghihina ang kanyang mga tuhod sa ginagawa nito. Wala sa sariling napakapit siya sa balikat ng estranghero. Dito siya kumuha ng lakas sa takot na matumba siya anumang oras. "We have to go. I'll take you home now," sabi ng estranghero nang tumayo ito. Biglang nagmulat ang mata niya sa sinabi nito. "I can't. You can't," umiiling na sabi niya. "Hahanapin ako ng mga kaibigan ko." Siguradong mag-aalala sina Kaye at Khrysstyna kapag umalis siya. "Where are they? Bakit hindi mo sila kasama?" iritadong tanong ng estranghero. "Nasa dance floor sila. Nagpaiwan lang ako sa bar counter kasi ayokong sumayaw." "Kung kanina ka pa nila iniwan dapat nakabalik na sila ngayon. Mabuti pa tawagan mo na sila." Kinapa niya ang cellphone mula sa bulsa ng blazer niya. "Here. Will you call them for me?" Iniabot niya ang CP sa estranghero. "Your phone is useless. The battery is empty," naiiling na sabi ng lalaki at ibinalik ito sa kanya. Hindi siya agad naniwala sa sinabi nito kaya pinindot niya ang power button sa CP niya. Pero ayaw nitong magbukas. Dead battery na nga ang CP niya. Naiinis na ibinalik niya sa bulsa ang phone. "You don't have a choice but to give me your address so I can take you home," malumanay na sabi nito. "Okay," malungkot niyang sagot. "Cheer up. My intentions are good. Hindi ako katulad ng kasama mong lalaki kanina." "I didn't say anything," depensa niya. He chuckled. Hinawakan siya nito sa beywang at inalalayan siya sa paglakad. Hindi man niya gustong aminin pero nagugustuhan ang damdaming lumukob sa kanya nang oras na iyon. He felt safe with his arms. Isang bagay na kailanman ay hindi niya naramdaman sa kahit na sinong lalaki, kasama na roon ang mga naging ex niya. Ang alam niya ay galit siya sa mga lalaki. Pero hindi gano'n ang nararamdaman niya sa estranghero. Hindi niya magawang mainis man lang dito. Kung tutuusin ay hindi siya dapat sumama dito dahil baka mapahamak lang siya. Pero iba ang isinisigaw ng puso at katawan niya. Gustong-gusto niya ang ang pakiramdam na nakahawak sa kanya ang estranghero. Nasisiguro niya na poprotektahan siya nito at hindi pababayaan. "Sasakyan mo ito?" tanong niya nang huminto sila sa tabi ng isang magarang sasakyan. Hindi niya malaman kung anong modelo ang kotse nito dahil nagbi-blur pa rin ang paningin niya. Ang tanging alam niya ay kulay pula ang sasakyan nito. "Yeah. It's my baby." Nakahawak pa rin ito sa beywang niya. Ang kaliwang kamay naman nito ay nakahawak sa remote control. Nakarinig siya ng pag-beep. Ibinulsa nito ang remote control saka binuksan ang pintuan ng kotse. Nang makapasok siya ay maingat nitong isinara ang pintuan. Saka ito umikot patungo sa driver's seat. Pagkaupo nito ay agad na bumaling sa kanya. "Please wear your seatbelt," sabi nito. Kinapa niya ang seatbelt. Pero mukhang ayaw makipag-cooperate ng mga daliri niya. Hindi niya kayang ikabit ang seatbelt. "Let me help you." Inagaw nito ang lock ng seatbelt na hawak niya. "There you have it." Nang mag-angat siya ng tingin ay aksidenteng nasagi ng ulo niya ang mukha nito. Mag-a-apologize sana siya ngunit napipi siya nang mapansin ang lapit na ng mukha nito sa kanya. Kung ilalapit pa nito ang mukha sa kanya ay baka mahalikan na siya nito. Kumurap siya ng ilang beses at umaasang makikita niya ng mabuti ang mukha ng estranghero. Pero blurred pa rin ang paningin niya. Hindi niya talaga makita nang maayos ang mukha nito.Nanghihinang napasandal na lang siya sa upuan at ipinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD