"SO WHERE are you staying?" tanong ni Railey nang makalayo sila sa Bachelor's Place.
Hindi sumagot ang kausap niya. Inulit niya ang tanong ngunit wala pa rin siyang nakuhang sagot. Kunot-noong napatingin siya sa katabi. Nakapikit ang babae at mukhang tulog na base sa mahihinang hilik nito.
Shit! Anong gagawin niya ngayon? Paano niya ito maihahatid kung hindi niya alam ang address nito? Nagdadalawang isip siya kung gigisingin ba niya ito o hahayaan na lang itong matulog. Ilang beses siyang bumuga ng hangin.
Muli siyang napatingin sa natutulog na babae. Itinabi niya sa daan ang kotse. Pagkatapos alisin ang seatbelt ay hinarap niya ang babae. Dahan-dahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok nitong tumakip sa mukha nito. Ngayon ay napagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. She looks like an angel who came down to earth. Napakaamo ng mukha nito. Makapal ang naka-arko nitong kilay. Maliit ang matangos nitong ilong. Namumula ang makipot nitong labi na para bang kaysarap halikan. Bumaba ang tingin niya sa mga dibdib nito may katamtamang laki. He could feel his manhood getting harder. s**t!
Nang mapadako ang tingin niya sa mga hita nitong nakalitaw dahil tumaas ang laylayan ng suot nitong damit ay hindi niya mapigilang mapalunok. She had a flawless skin. May maninipis pang tubo ng buhok sa mga hita nito at maging sa mga braso nito. Damn it! Naninikip na ang pantalon niya. f**k! f**k him! Napapikit siya ng mariin. Pilit na kinakalma ang sarili. Pagkaraan ng ilang saglit ay nagmulat siya ng mata.
What to do now?
Ilang sandaling nakatitig lang siya sa maamong mukha ng babae. Mula sa kung saan ay biglang may pumasok na ideya sa isip niya. Isinuot niya ang seatbelt saka pinaharurot ang sasakyan na para bang hinahabol siya ng multo. Pagdating niya sa kanyang condo ay dahan-dahan niyang binuhat ang babae at saka maingat na idineposito sa kanyang kama. Pagkatapos ay inalis ang suot nitong high heel na sapatos.
She looks disturbed even in her sleep. Parang ang bigat ng problema nito na kahit sa pagtulog ay dala-dala nito. Something stirred within him. Napapikit siya ng ilang segundo. Pagmulat niya ng mata ay napagtuunan niya ng pansin ang mukha nito. Namamaga na ang bahagi ng mukha nitong sinampal ng lalaking kasama nito kanina. f**k that bastard! Gusto niyang sisihin ang sarili niya. Dapat nilapitan na niya ang babae nang makita niya itong mag-isang umiinom sa bar. Dapat hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Hindi sana nakalapit ang lalaking iyon. At hindi sana nito nasaktan ang babae. Damn him! He had to do something about her face.
Lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng ice cubes at inilapag ito sa lababo. Pagkatapos ay pumasok sa banyo at kinuha ang cold compress bag sa medicine cabinet. Pagkalagay niya ng ice cubes sa cold compress ay bumalik siya agad ng kuwarto. Umupo siya sa tabi ng babae at maingat na idinampi ang cold compress sa mukha nito. The woman stirred. Pero hindi naman ito nagising. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa.
NAGISING si Vivienne nang maramdaman ang malamig na bagay na dumadampi sa mukha niya. Nang magmulat siya ng mata ay hindi niya maaninag kung sino ang nasa harapan niya.
"Sino ka? Anong ginagawa mo sa akin?" paangil niyang tanong. Abot-abot ang kaba sa dibdib niya.
"I'm..." Hindi na naituloy ng estranghero ang sasabihin dahil bigla na lang siyang bumangon. Pinigilan siya nito ngunit itinulak lang niya ang estranghero. Bumaba siya ng kama. Ngunit hindi siya nakalayo dahil natumba siya agad pagbaba pa lang niya ng kama. Dinaluhan siya ng estranghero at pilit na itinatayo.
"Bitiwan mo nga ako," asik niya rito. Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ng estranghero sa mga braso niya.
"Be still," sabi nito sa iritadong tinig. "Kung hindi ay hahalikan na kita."
Hindi siya natinag sa sinabi nito. Lalo lamang siyang nagpupumiglas. Binitiwan siya ng lalaki. Hinawakan nito ang mukha at walang sabi-sabing hinalikan siya. Ginamit niya ang dalawang kamay upang itulak ito ngunit para lamang siyang bumabangga sa matigas na pader. Sintigas ng adobe ang dibdib ng estranghero. Naramdaman niyang diinan pa nito lalo ang ginagawang paghalik sa kanya. Nalalasahan niya ang alak sa bibig. But, oh boy! He was a good kisser. Pakiramdam niya ay nanlalambot na ang mga tuhod niya.
"Open your mouth," he whispered and gently bit her lower lip.
Napasinghap siya na naging dahilan para umawang ang bibig niya. Sinamantala ng estranghero ang pagkakataon. He delved his tongue inside her mouth and coax her to respond. After a few teasing, their tongues were already in synchronize movement. Nagsisimula na siyang makaramdam ng init na para bang lalagnatin siya. The feeling of euphoria overwhelmed her. Napakapit siya sa balikat ng estranghero. Just when she thought they would go on kissing forever, but then he suddenly stopped and released her.
Hinihingal silang pareho matapos ang halikan.
"Do you want me to continue?" he asked her while cupping her face.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito. Part of her brain was telling her to say no. Pero iba ang isinisigaw ng buong katawan niya. Hinalikan pa lang siya ng estranghero sa bibig ay natutuliro na ang katawan niya. Paano pa kaya kung buong katawan niya ang halikan nito? Ano kaya ang pakiramdam kapag ginawa iyon ng estranghero sa kanya? Gusto niyang malaman. Gusto niyang maramdaman iyon.
"Yes," pabulong niyang sagot. Nababaliw na yata siya. Nawala na siya sa tamang huwisyo. Kasabay ng pag-angkin ng estranghero sa kanyang mga labi ay ang paglipad din ng matitinong kaisipan niya.
He was kissing her senselessly. He was kissing her as if there is no tomorrow. And when his tongue sought entrance to her mouth, she gave in easily. He played with her tongue. She tried to respond by imitating what he was doing to her. Soon she was enjoying the earth-shattering kiss.
Nang magsawa ang estranghero sa paghalik sa bibig niya ay isinunod naman nitong hinalikan ang tungki ng kanyang ilong, ang kanyang noo hanggang sa makarating sa kanyang tainga.
"I want you so much, right now, right here," he said in a husky voice while gently biting her earlobe. "I'm giving you a chance to say no, if you don't want me to continue." He was now kissing her neck and giving her gentle bites, sending her in a delirious state.
Paano pa kaya siya tatanggi kung nalulunod na siya sa matinding sensasyon? Ayaw na niyang umahon pa. Hahayaan na niya ang sariling malunod sa kahibangan. Kahit ngayon lang ay gusto niyang isipin na hindi totoo ang sumpa ng kinagisnang ama. Gusto niyang maramdaman ang kaligayahan sa piling ng estranghero kahit ngayong gabi lang.