KANINA pa tumitingin si Vivienne sa mga catalogue ng wedding gown pero wala pa siyang napipiling disenyo. Tingin niya ay maganda silang lahat. Tuloy nahihirapan siyang pumili. Napasulyap siya kay Railey. Nakatayo ito malapit sa entrance ng boutique. May kausap na naman ito sa phone. Kahit magkasama sila ay abala pa rin ito sa trabaho. Wala man ito sa opisina, nakababad naman ito sa phone at kung sinu-sino ang kausap. Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat. “Pwede mo ba akong tulungan dito?” Tumaas ang isang kilay nito bago bumaba ang tingin sa hawak niyang catalogue. “Di ko alam kung ano ang pipiliin ko, eh,” nakangiting sabi niya rito. Pinatay ni Railey ang hawak na cellphone saka

