“ATE VIVIENNE, saan kayo pupunta?” Biglang napahinto sa paglalakad sina Vivienne at Railey. Nagkatinginan pa silang dalawa. Napamura naman ng malutong si Railey. Nakangiting nilingon ni Vivienne ang nakababatang kapatid. “May pupuntahan lang kami ni Kuya Railey mo,” sagot niya. “Bumalik na raw po kayo sa loob sabi ni Nanay,” sabi ng kapatid niya bago sila tinalikuran nito. Napatingin si Vivienne kay Railey. Hindi na maipinta ang mukha ng binata. “Paano ba ‘yan? Balik na raw tayo.” Nang akmang tatalikod na si Vivienne ay bigla na lang siyang hinila ni Railey. Bago pa siya makapag-protesta ay bumaba na ang labi nito sa kanya. Anumang pagtutol niya ay nakulong sa lalamunan niya nang m

