NANG pumasok sina Vivienne at Railey sa loob ng bahay ay nadatnan nila sina Mrs. Antigua at ang Nanay niya na masayang nag-uusap. “Sa wakas natupad din ang pangarap ko. Ang buong akala ko’y hindi na ako magkakaroon ng apo. Mabuti na lang at nagbago ang isip mo, iho. Umuwi ka rin ng Pilipinas.” Ang masayang sabi ni Mrs. Antigua nang ibalita nila ni Railey na magpapakasal na sila. “Ah, pangarap mo rin palang magkaroon ng apo, ha?” nakangiting pahayag naman ng Nanay ni Vivienne. “Siyempre, naman. Lahat ng ina ay nangangarap na magkaroon ng apo. Sayang naman ang lahi ng pamilya namin kung hindi ito mapaparami.” Sukat sa narinig ay biglang naubo si Railey na nasa tabi lang ni Vivi

