NANG magmulat ng kanyang mata si Vivienne ay ang puting kisame ang agad niyang nabungaran. Nang igala niya ang paningin ay napagtanto niyang wala siyang sa sariling silid. Kinabahan siyang bigla. Lalo na nang mapansin na wala siya ni isang saplot sa katawan. At nang subukan niyang igalaw ang mga paa ay napangiwi siya sa sakit na naramdaman sa may bandang gitna ng hita niya. Saka pa lang bumalik ang alaala niya sa nangyari nang nagdaang gabi.
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang maisip ang nangyari sa kanila ng estrangherong lalaki. Ano bang nangyari sa kanya at ibinigay niya ang iniingatang virginity sa isang lalaki na ni pangalan nito ay hindi niya alam? s**t! Blame it to the alcohol! First time niyang uminom ng alak at ganito pa ang nangyari sa kanya. Isinusumpa niya ang alak. Hinding-hindi na siya titikim nito.
Muli niyang nilinga ang buong kuwarto. Kumpleto sa amenities mula sa aircon, TV, desktop computer, malalaking speaker, mini-ref at leather sofa. Nasa hotel room ba siya? At nasaan ang lalaking kasama niya kagabi? Nahagip ng kanyang mata ang damit niyang nakapatong sa sandalan ng single sofa. Inalis niya ang comforter na tanging tumatakip sa kahubdan niya saka maingat na bumaba ng kama.
Pagtapak pa lang ng mga paa niya sa sahig ay natumba na siya. Damn! Ang hapdi ng p********e niya. Pinilit niyang tumayo at dahan-dahang naglakad patungo sa sofa. Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito. Baka nauna ng umalis ang estrangherong lalaki at basta na lang siya iniwan. O kung hindi naman ay umalis lang ito at may balak pang bumalik.
Ngunit hindi na niya gustong magkita pa sila ng lalaking iyon. Kaya aalis na siya bago pa ito bumalik. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng lalaki sa nangyari sa kanila at kahit siya rin ay nalilito sa sariling damdamin.
Dahan-dahan ang ginawa niyang paghakbang. Halos gumapang na siya makarating lang sa kinalalagyan ng damit niya. At nang makuha niya ang damit ay nagmamadaling nagbihis siya. Nang kapain niya ang blazer ay nawawala na ang cellphone niya. Napatingin siya sa pinanggalingang kama. Nasa side table pala ang cellphone niya. Naiinis man ay napilitan siyang lumakad pabalik.
Nahahapong napaupo siya sa kama. Napakunot ang noo niya nang mapansin ang panlalaking wristwatch na nasa tabi ng CP niya. Dinampot niya ito at masusing pinagmasdan. Patek Philippe. Iyon ang tatak ng relo. Whew! Mapera pala ang lalaki. Pero hindi siya interesado dito. Malay niya kung matanda na ito. O kaya naman ay hindi kanais-nais ang mukha. O masama ang ugali. Nananakit ng babae tulad ng nakagisnan niyang ama. Pero bakit pa niya iisipin iyon? Hindi na naman sila magkikita pa.
Ibinaba niya ang relo at kinuha ang CP saka ito ibinulsa. Pagtayo niya ay may nasagi ang paa niya sa ilalim ng side table. Yumuko siya at sinilip ito. Sapatos pala niya ang naroon. Dinampot niya ito saka lumabas na ng kuwarto.
Paglabas niya ay may narinig siyang tinig ng nag-uusap. Sinundan niya ito at nakita niyang nakatayo pala ang mga ito sa harap ng nakasarang elevator. Isinuot muna niya ang sapatos bago lumapit sa mga ito. Pagdating niya sa reception area ay nilapitan niya ang security guard at nang sabihin niyang aalis na siya ay tumawag ito ng taxi.
Inabutan niya sina Khrysstyna at Kaye na nakatambay sa labas ng gate ng apartment niya.
"Hoy, babae! Saan ka nanggaling?" Ang bungad ni Khrysstyna nang bumaba siya ng taxi.
"Mamaya na tayo mag-usap. Bigyan n'yo muna ako ng three hundred. Wala akong pamasahe," seryosong sabi niya.
Nakataas ang kilay ni Kaye nang mag-abot ito ng pera sa kanya. Pagkabigay niya ng pamasahe ay nauna na siyang pumasok sa gate. Kinuha niya ang susi sa ilalim ng paso at binuksan ang kanyang apartment.
"Saan ka ba talaga nanggaling? Pinag-alala mo kami. Hinanap ka namin sa buong premises ng club pero wala ka," litanya ni Khrysstyna nang makaupo sila sa sala.
"Kung kani-kanino pa kami nagtanong. Pero walang nakakaalam kung nasaan ka. Akala namin ay may kumidnap sa iyo. Mabuti na lang at nandito ka na," dugtong naman ni Kaye.
Napangiti siya ng mapait. "Nakitulog ako sa isang bahay."
"Kanino? Kilala ba namin siya?" nagtatakang tanong ni Khrysstyna.
Napailing siya ng marahan. "Hindi ko rin siya kilala, eh."
"Ano?" magkasabay pang sabi ng dalawang kaibigan niya. Nagkatinginan ang mga ito. Bago muling bumalik ang titig sa kanya.
"Eh, sino siya? Nakilala mo sa club?" pinandilatan siya ni Kaye.
Huminga siya ng malalim. Pinag-iisipan niya kung sasabihin sa mga kaibigan ang totoong nangyari o ililihim na lang niya ang naganap sa pagitan nila ng estrangherong lalaki.
"O, bakit hindi ka makasagot diyan?" Matiim siyang tinitigan ni Khrysstyna. "Ano iyang nandiyan sa leeg mo?" Hinawi nito ang buhok niyang nakatabing sa kanyang leeg. "Oh my gosh!" Natutop nitong bigla ang sariling bibig.
"O, bakit ano ba iyan?" Napatingin din si Kaye sa leeg niya at hinawakan pa nito ang balat niya saka ito napailing. "Bes, may kissmark ka," hindi makapaniwalang sabi nito.
Shit! May dapat pa ba siyang ilihim? Ilang beses siyang nagbuga ng hangin bago sinimulang ikuwento ang totoong nangyari.
"Anong nararamdaman mo ngayon? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Kaye pagkatapos niyang magkuwento.
Itinuro niya ang pagitan ng kanyang mga hita.
Parehong napailing ang mga kaibigan niya.
"Baka naman kaya masakit ay dahil virgin ka nang makuha ka niya? Gaano ba kalaki ang alaga niya? Hotdog, saging o talong?"
Napakagat-labi siya sa tanong ni Khrysstyna.
"Ano ba, Khryss? Ang laswa naman ng tanong mo!" naiiling na sabi ni Kaye.
"Anong malaswa? Nagpapakatotoo lang naman ako, eh." Bumaling ito sa kanya. "Bakit hindi ka naman makasagot diyan?" untag nito sa kanya.
Sandali siyang nag-isip. "Malamang.....over-size na talong iyon," nahihiya niyang sabi.
"Oh!" Halos pandilatan siya ni Khryss. "That means...nasarapan ka ng husto. Kasi sabi nila kapag mas malaki, mas masarap daw."
Muntik na siyang masamid sa sinabi ni Khrysstyna. Si Kaye ay natigalgal.
"Khryss kung...kung...makapagsalita ka ay parang ang daming mo ng alam. Bakit may karanasan ka na ba?" Si Kaye ang unang nakabawi sa pagkakagulat.
Ang lakas ng iling ni Khrysstyna. "Virgin pa po ako, ano? Madami lang talaga akong nabasa na tungkol sa s*x. Pero sa experience ay zero pa."
Napabuntung-hininga si Kaye. "So anong plano mo ngayon? Maghahabol ka pa ba doon sa lalaki? Bakit naman kasi kahit pangalan ay nakalimutan mong itanong?"
"Hindi na ako interesadong malaman pa kung sino siya. Baka pagtawanan lang ako no'n kapag naghabol pa ako. Mukhang mayaman siya, eh."
"Paano kung mabuntis ka? Sabi mo kanina hindi ka sure kung gumamit siya ng protection," malungkot na tanong ni Khrysstyna.
"Sana naman ay hindi mangyari iyon. Pero kung anuman ang magiging kahihinatnan nito ay kailangan kong tanggapin ang consequence. Kasalanan ko rin naman, eh. Pumayag akong may mangyari sa amin. Hindi ako tumanggi noong pinamimili niya ako kung itutuloy ba niya iyong ginagawa niya o hihinto siya."
Hinawakan ni Kaye ang kamay niya. "Hindi bale, bes. Nandito lang kami kung kailangan mo ang tulong namin."
"Yeah, susuportahan ka namin sa lahat ng desisyon mo," segunda ni Khrysstyna.
Napangiti siya. Mapalad siya at nagkaroon siya ng mga kaibigan na maasahan niya sa lahat ng oras.