Chapter 7 - Unexpected Meeting

1475 Words

 KUMATOK si Vivienne sa pintuang itinuro ng babae. "Come in." Narinig niyang sabi ng tao sa loob. Pinihit niya ang seradura saka pumasok sa loob, Naabutan niya ang isang lalaking nakaupo sa swivel chair. Nakayuko ito at may kung anong tinitingnan sa mesa nito. "Good morning, Sir!" bati niya nang malapitan ito. Nag-angat ng tingin ang lalaki. Titig na titig ito sa kanya. Halatang nagulat nang makita siya. Oh, my goodness! Ito na yata ang pinakaguwapong lalaki na nakilala niya sa buong dalawampu't limang taon niya sa mundo. He looks like a model for a men's clothing line. Kulay asul ang bilugan nitong mga mata. Makapal ang mga kilay nito. Napakatangos ng ilong at namumula ang labi. Mayroon itong prominenteng panga. Ang linis ng mukha nito. Halatang bagong ahit. "So we've meet again.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD