"BAKIT ANG dami mo namang iniimpakeng damit? Ilang araw ka ba doon? Magtatagal ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Railey habang pinanonood siya nitong naglalagay ng kanyang damit sa maleta. "Mga tatlong araw ako siguro doon. Mahirap din namang mag-train ng mga taong gagawa ng ipinapagawa mong tests," paliwanag niya. "Nakakainis kasi ang Raiden na iyan. Hindi na lang nagpadala ng tao niya dito para hindi mo na kailangang pumunta pa doon," may pagka-disgustong pahayag ni Railey. "Okay lang iyon, para makarating din ako sa ibang lugar," nakangiting saad niya. Hindi lang niya masabi ng diretso dito na gusto rin niyang mamasyal. Sa tatlong araw na magkasama sila ay sa opisina at sa condo lang ni Railey sila naglalagi. Ni hindi sila kumakain sa labas. Lagi itong nagmamadali kapag umuuwi sila

