ILANG araw ng pilit iniiwasan ni Vivienne si Railey. Hindi talaga siya makapaniwala sa pinaggagawa nito noong isang araw. Desperado na ba itong mapalapit sa kanya, kaya inaakit siya nito? Wala naman sanang masama ang intensiyon nito. Kaya lang hindi siya makapaniwala sa pamamaraang ginawa. Akalain mong nakahubad ang pang-itaas na humarap sa kanya. Susme! Ano naman ang akala nito sa kanya? Teenager lang na maaakit sa mga muscles at abs? O babaeng s*x lang ang habol sa lalaki? Peste! Gusto niyang magwala. Ang baba naman ng tingin nito sa kanya! Kung totoong boyfriend niya ito, dapat kabisado na sana nito kung ano ang ayaw at gusto niya. Pero mukhang hindi siya gaanong kilala ni Ra

