NAGPAKILALA kay Vivienne ang guwapong lalaki na nagngangalang Railey bilang boyfriend niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Paanong nangyari iyon gayong wala naman siyang boyfriend? Kabi-break nga lang nila ni Pierre. Nakatulog lang siya ng ilang buwan, may boyfriend na siya agad? Ano iyon magic lang? O siraulo lang ang guwapong lalaki? Ang paliwanag ni Railey ay mag-boyfriend daw sila at ikakasal na dapat. Pero may nangyaring hindi maganda at nawala daw siya ng ilang taon. Nang nagkita silang muli ay hindi na nila nakilala ang isa’t isa. Tapos may nangyaring sunog sa bahay na pinagtatrabahuan niya. Nakaligtas siya pero na-comatose at ngayon ay nagising pagkalipas ng tatlong

