MUNTIK ng matumba sa kinatatayuan niya si Railey. Mabuti na lang at nilapitan siya ni Arnilo. “Hey, take it easy, man,” anito at inalalayan siya pabalik sa loob ng bahay. Nanghihinang napaupo si Railey sa pinakamalapit na bangko. “Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mamuhi sa inyo dahil sa nangyari. Siguro nga, may dapat akong ipagpasalamat dahil sa inyo buhay si Vivienne. Pero gusto ko ring mamuhi sa inyo dahil hindi man lang ninyo naisip na may taong naghahanap at nangungulila kay Vivienne. Para na rin ninyong inilayo siya sa akin ng ilang taon,” naghihinagpis na sabi ni Railey. Hindi niya lubos maisip kung bakit nagkaganito ang buhay nila ni Vivienne. “Humihingi kam

