“NAGKAKAMALAY na siya. Tatawagin ko ang doktor.” Nagmamadaling lumabas ng kuwarto si Roger. Naiwang nakatitig si Helen sa babaeng nakapikit ngunit pabiling-biling ng ulo. Nag-aalalang hinaplos ni Helen ang buhok at ulo ng babae. Maya-maya ay tumigil na rin ang paggalaw ng ulo nito. Ilang sandali pa ay unti-unti na itong nagmulat. Nang tuluyang bumukas ang mga mata nito ay napako ang titig nito sa kanya. “Sino po kayo?” anito habang titig na titig sa kanya. “Nasaan po ako?” Nagpaling-linga ito sa paligid. “Nandito ka sa ospital. Ginagamot ka dahil sa dami ng sugat sa iyong katawan,” paliwanag ni Helen. Eksakto namang pumasok ang doktor sa kuwarto. Tumabi muna si Helen upang ma

