“SIYA po si Vivienne, ang nobya ko. Nagtataka lang ako kung bakit magkamukha sila ni Katheryn. Wala namang kakamba si Vivienne. Wala rin siyang kamag-anak sa lugar na ito. Taga-Nueva Ecija kasi siya,” paliwanag ni Railey sa matandang titig na titig sa ibinigay niyang letrato ni Vivienne. “Bakit po? Anong problema?” Hindi niya maiwasang itanong sa nakitang reaksyon ng matanda. “N-nasaan na po ang….n-nobya ninyo?” ani ng matanda nang mapatingin ito kay Railey. Bumigat ang dibdib ni Railey. May kung anong bagay ang dumagan sa dibdib niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Ang mga sulok ng kanyang mga mata ay biglang uminit. “Hindi na namin siya nahanap mula ng mawala siya sa araw m

