KAPAPASOK lang nina Katheryn ng bahay nang masalubong nila si Manang Mely sa sala. “Nakabalik na pala kayo. Kumusta naman ang pamamasyal ninyo sa park?” tanong ni Manang Mely pagkakita sa kanila. “Okay naman po, Manang,” tipid niyang sagot. “O, ano naman ito?” Itinaas ni Manang Mely ang supot na ipinatong ni Katheryn sa kandungan ni Mam Precy. “Ah, iyan po ba? May nagbigay po sa akin niyan sa park kanina. Gusto po ba ninyong tikman? Di ko pa po nabubuksan iyan.” Nang makaalis si Sir Railey kanina ay sinilip lang ni Katheryn kung ano ang laman ng supot. Nagulat siya dahil isang kahon pala ng donut ang nasa loob nito. Natuwa siya dahil mahilig siyang kumain ng donut. Sa pagkakaa

