LUKE'S POV
I am still in shock...grabe talagang babeng ito napaka burara sa sarili!
Bakit di niya ba naisip na unit ko ito at wala siya sa sariling niyang kwarto?! napabuntunghininga ako nang malalim.
I am trying my best not to notice again that Lei Anne is just wearing my shirt alone baka matukso pa ako...
Tao lang naman ako at hindi ako bato!
Kaya lang hindi ko type sa ugali ba naman...pero napaisip din ako may nadiskubre akong qualities niya ngayon na di ko inasahan pero baka ngayon lang to..kasi wala siyang choice but in fairness sa kanya she did a good job..
Malinis ang buong unit ko...
Organize ang lahat at nakapagluto pa siya....
Mukha siyang pagod...parang may part na nakokonsensya tuloy ako...pero dapat lang yung ginawa ko...
I just teach her a lesson...kaya patas lang kami sa ngayon...
I tried to carry her para makatulog siya nang maayos....
Naku parang de ja vu lang, here I am again carrying her...
Why I'm always doing this?...
Nakakatawa noong una I did carry her into my room dahil sa lasing siya...ngayon naman ginagawa ko ulit dahil sa pagod siya sa pinagawa ko...ni hindi niya nga napansin na binubuhat ko na siya hanggang sa makarating kami sa kwarto ko and for the second time sa labas na naman ako matutulog...nanaman....tsk...!
I didn't bother to wake her up...talagang pagod eh...so obvious...
Lasing man o Hindi tulog mantika talaga itong babaeng toh...
I laid her down into my bed at kinumutan...she sleeps so peacefully kaya lang ang lakas kung makahilik....after that ay sinara ko ang pinto at dumiritso sa kusina...umupo ako at binuksan yung niluto niya.
Wow!....parang nagutom ako bigla....
Kasi yung niluto niya is my favorite...
ADOBO as in....!parang nagaganyak akong kumain kaya kumain ako at nang tikman ko...
Hmmmmm......talagang kailan ko nang marealize na....
This woman...oh di na siya stupid ha... is full of surprises...masarap kasi ang luto niya...
Ang dami kung nakain...weakness ko talaga to. I always asked mom when I go home sa bahay niya na ipagluto ako nito kasi nasasarapan talaga ako kahit mapa chiken man o pork.
I really love it...
Now I was damn ashamed of myself kasi na misjudge ko ba siya?... I mean si Lei Anne. Grabe nagulat niya talaga ako.
She has the quality of a wife material?....pero kung ganito eh bakit lassenggera sya?
Naku confused na ako sa real character nang babaeng ito...
Kaya napapaisip ako nang malalim...what's behind the reasons bakit siya naglalasing.
Well siguro part din yun nang personality niya at kung makadamit pag wala ang Lola niya grabe super revealing naman kulang nalang lumuwa yung dibdib niya... napabuntunghininga ako habang naalala yun...
Hay naku sumasakit ulo ko sa kaiisip...
Why should I waste my time appreciating and thinking of this woman eh...wala nga akong paki sa kanya diba?
Hindi ko siya type kaya tapos...
Niligpit ko ang pinagkainan ko... marunong din naman akong maghugas nang pinggan kaya lang ang paglilinis nang bahay at pag gro-grocery eh wala na akong time kasi busy ako palagi. After I finished sa kusina ay dumiritso ako sa washroom. I tiptoe para di ko madistorbo ang babaeng nakikitulog sa kama ko. I change my clothes at dumiritso na sa sofa. I was so tired ang daming nangyari sa araw na ito at kailangan ko nang magpahinga. Nagawa ko nalang mag call kanina sa Lola niya na hindi siya makakauwi at yung matanda grabe sobrang saya baka anung iniisip...
_______________________________________________________________________
LEI ANNE'S POV
Boghss!
"Aray!" sigaw ko, kung di pa ako nahulog di pa ako nagising!
Grabe ang likot ko talagang matulog...
Sandali, nakatulog ako!
I looked around me...nasa kwarto ako nang Mr. Sungit!...at umaga na!
Naku patay anu kaya ang iniisip nang Lola ngayon...hay naku may pagka dirty minded pa naman yun...
Eh bakit ba naman kasi saan pumunta yung Mr. Sungit na iyon ang tagal kung umuwi yun tuloy dito ako nakatulog muli at nadatnan niya akong ganito ang suot ko...
Tsk....so nakakahiya naman at paano ako nakapunta rito?....
Noooo way, did he?...Halos hinihiling ko na sa mga panahong ito na sana mabiyak na lang ang lupa at kainin ako hindi nga maglaho nalang ako na parang bula.
Oh no... he's the one who carries me sa kwarto niya?!
As in?... pero meron pa bang iba?
Anu ka ba naman Lei Anne...yung brain cells mo hindi na ata gumagana eh... obviously eh di wala...eh unit niya to eh at siya lang naman ang nakatira dito....Nasabunutan ko yung buhok ko habang unti-unting nag si-sink in sa akin iyong sitwasyon.
I can't believe this!
OMG....why I'm always in the situation na nakakahiya at palaging ang diyan pa ang Mr. Sungit na iyon...
Naku paano ko ba siya pakikiharapan...nahihiya ako...pramis!
Huminga ako nang malalim at tumayo ako mula sa pagkakahulog ko sa sahig at dumiritso sa washroom. Kumuha ako nang towel mula sa drawer nang Mr. Sungit na nasa banyo para pantakip sa katawan ko kasi I need to go sa may laundry room to get my dress nandoon ang damit ko na nilabhan ko kagabi..nakasampay.
Lumabas ako nang pinto nang kwarto niya at hinay hinay akong lumalakad...
Siguro nasa sofa siya natutulog...
Pero nang napadaan ako...
Wala siya!?
Eh nasaan?...bahala siya sa buhay niya kung nasaan man siya ang importante maka change ako nang damit bago niya makita ulit ang ayos ko...kasi nahihiya talaga ako...
Papasok na ako nang laundry room nang biglang..."Good morning! masarap yata ang tulog mo sa tuwing dito ka natutulog ano?" may nagsabi.
Automatically na frozen ako sa kinatatayuan ko when I recognize the voice and there's no other than Mr. Sungit and he's behind me.
Naku what I'm going to do.....?!
Kaasar! Bakit pa kasi nadatnan niya pa ako na nakaganito...
Naiinis na talaga ako....why I'm always in kamalasan when Mr. Sungit is nandiyan...!
Paano pa ba ako haharap sa taong to...?!
Hiyang hiya na ako at inis na inis...nagkaka wrinkles ako pag kasama ko to...
Hay naku parang sumpa...naku wag naman sana...
Pero wah epek pa rin ang pagsusumamo dahil magiging future hubby ko pa to....
Which is, what I hated so much! Kung pwede lang sana matigil ang oras o hindi sana ay panaginip lang to....considering na isang masamang bangungot!
Awooooohhhhhhhhhh.....
Hinga nang malalim...
Inhale...
Exhale...Panay ang buntung hininga ko kasi naghuhurumentado itong kaluluwa ko sa sobrang kahihiyan nang dahil sa sitwasyon ko ngayon. Humuhugot ako nang maraming lakas nang loob at kasama nadoon ang pakapalan nang mukha para harapin ang Mr. Sungit na toh...jusko!
"Walang maganda sa morning since ikaw ang una kung nakita!..." mataray kung sagot sa kanya na hindi pa rin lumilingon sa kanya.
"Really? I don't believe in you...kasi sa nakita ko kagabi at noong isang gabi...napakahimbing nang pagkakatulog mo sa kama ko...yung sarap na sarap ka...feel at home kana nga eh.." sabi nang Mr. Sungit
"So ganun yung feeling mo?...grabe ka! naka drugs ka bah!? ang lakas nang feeling mo....parang ipo-ipo...!" I spat at him kasabay nang pagharap ko sa kanya at nakapameywang pa ako.
Sa totoo lang gusto ko nang batukan ang lalaking ito, talagang sinisira ang araw ko...
"Hay naku talagang likas na mataray ka talaga ano? bahala ka na nga...oh siya sige na ayusin mo yan ang sarili mo para maka pag breakfast na tayo at bagay sayo shirt ko ha!" he said in his teasing voice at kinindatan pa ako.
Hindi na ako nakapagpigil I looked at him yung killer look...feeling ko nakakunot yung noo ko nang sobra sobra kasi paano ba naman nang aasar eh....
"Oh parang pinapatay muna ako kung makatingin ka..grabe tagos sa puso...hahahahha..di ka ba naman mabiro..sige na magbihis kana at pwede muna ring dalhin yang shirt ko..sayo na, baka magka body odor pa ako!"
"Isa na lang at tutuluyan na kita...!" mataray kung sabi
"Hahahahaha....joke ulit...and your blushing..." pang aasar pa ulit nito at wala talaga siyang planong tumigil.
Bigla naman akong natigilan, I'm what daw?
Blushing?... me?...no way! but on the other side of my mind...parang totoo, feeling ko nga...
Tsk...kainis!..grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr...!
Sasagot pa sana ako nang bigla akong natisod nang magtangka akong kunin ang hanger na nasa harap ko para ihagis sa kanya...na out balance ako..kaya natumba ako...
I close my eyes...brace myself again for the another kahihiyan moment na naman, kasi mag la-land fall yung beautiful face ko sa sahig at sa harapan pa ni Mr. Sungit.
My ghad...anu ba toh nangyayari sa buhay ko simula nang makilala ko ang lalaking ito...
Sandali bakit di masakit ang pagkabagsak ko....
Parang may nadaganan akong bagay na di naman matigas na di naman soft parang abs...?
yaayyyyyyyyyyyyyyyyyy....
I open up my eyes and tadahhh!.
Si Mr. Sungit nasa ilalim ko...nakadagan ako sa kanya at yung nakapa ko are his abs actually kasi naka short lang sya at naka sando...in fairness maganda naman talaga katawan niya..macho kung baga kaya lang ang lakas nang hangin sa ulo hanggang outer space na yata!
"Grabe ka ang bigat moh...di kasi nag iingat eh." sabi ni Mr. Sungit
"Kasalanan mo kasi inaasar mo ako..." taray kung sagot
"Ako pa ngayun ang may kasalanan? grabe ka bakit ba palagi akong sinisisi mo ha, eh ikaw nga diyan ang hindi nag iingat..mabuti nalang maagap akong nasalo ka kaso masyado kang mabigat kaya na out balance din ako!"
"So ganun ayaw mo talagang tumigil ha...!"kinuha ko yung hanger at hala pinaghahampas ko sa kanya...
"Oh ito para sayo..letse ka!."
"Aray ano bah, masakit na yan ha...aray anu bah..tigil na..aray!" he pleads habang umiiwas sa mga hampas ko gamit ang mga makikisig niyang mga braso.
"Akala mo titigil ako..bagay lang to sa iyo..dahil kaasar ka!"
"Hey..aray..sumusubra kana...sige ka pag di ka pa tumigil...aray." pagbabanta niya at panay din ang iwas niya sa ginagawa ko.
"Ano ha anu sasapakin mo ako?!"
"Aray sabi tigil na eh...hindi kita sasapakin...mas higit pa dun gagawin ko!"
"So you are threatening me?"
Hala panay pa rin ang hampas ko sa kanya , panay din ang iwas niya halos di ko na napansin na nakasakay na ako sa kanya kasi his almost laying down na sa sahig...hindi siya makaalis dahil nasa taas niya ako...wala akong paki basta naiinis ako sa kanya sa Mr. Sungit na ito...at nang biglang hinawakan niya dalawang kamay ko...
"Tama na sabi eh!" he said seriously at nakatingin siya sa mga mata ko...kaya napahinto ako parang nagulat din ako bigla.Napasobra ata yung panghahampas ko sa kanya nang hanger.
We looked at each other parang ilang seconds din at nang marealize kung parang lumalapit na naman ang mukha niya sa mukha ko...napakagat ako nang labi at mabilis yung bawat t***k ng puso ko.
Shit hindi ako makagalaw parang na hypnotized ako sa titig nang lalaking ito..dun ko lang napansin his handsome...at nagulat nalang ako nang...
Nangyari na ang part two...he kiss me again...
I really don't know how did it happen kasi ang bilis....we kissed torridly...I can feel his lips..and his tongue which is trying to play with my tongue..sa katunayan wala akong experience pagdating sa kiss pero ngayon bigla akong naging expert kasi I'm responding into his kiss...
Hindi ko na nga namalayan na nasa itaas ko na pala siya, we shifted places and I can feel his weight upon me, his currently above me now and we're still kissing. I let out a small quiet moan nang mag stop yung kiss namin sandali to get some air then he kiss me back again and I don't even have the power to stop him and to stop my traitor self. I did not even notice that I put my hands around his nape and pull him closer to me...much more closer.
Napatigil lang ako nang may maramdaman akong something hard between my thigh, kasi possible ko yung maramdaman kasi naman remember...I don't have anything in my body just his shirt at yung towel na ni wrap ko sa katawan ko...ay wala na pala.
Nang dahil doon, we suddenly stopped kissing, napatayo siya bigla and he helped me na makatayo din and then he just simply turn back on me and headed into the kitchen and simply say...
"I'm sorry..."..Mr. Sungit said
I'm so speechless ni hindi ko nga alam kung anu isasagot ko sa kanya kasi alam ko sa sarili ko na sa mga sandaling iyon ginusto ko ang nangyari.
Naku naman Lei Anne ayan natameme na ang mouth mo...
Nang dahil lang sa halik....grabe! At sa katunayan...honestly...
I really hate to admit pero...
Ehem....nabitin ako...jusko anu ba itong pinag-iisip ko...
I really don't know why pero yun yong naramdaman ko...when we're kissing nag e-enjoy ako...di ko ma explain ang feeling pero nae-excite ako what will happen next...I don't know how did I started to feel this towards that Mr. Sungit since hindi kami magkasundo in the first place but this time parang na divert lahat...
Naku ano ba to parang....no way....!
O to the M to the G!!! I won't admit it!
Never! HIndi talaga pwede!!!
Parang awa muna Lei Anne, Maghunus dili ka! Umayos ka!