♛❤ Thirty-Two❤♛ Mira: “You go explore the Café. May tatawagan lang ako.” Sabi sa’kin ni Yden ngayon. Kumuha ako ng pictures sa lugar. Nag-ikot-ikot ako sa loob. “Maam, may adventure po tayo sa rooftop ng café. Baka gusto niyo pong e-try..” Ang sabi ng isang staff sa’kin. Kaagad kong tinungo ang hagdan paakyat sa roof top at magpapaalam sana ako kay Yden kaso may kausap na ‘ata ito sa phone. Sino na naman kaya? Tss.. Nang nasa rooftop na nga ako ay hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Wow! Para kang nasa langit! Mainit sa labas pero dahil nga sa malamig na temperature dito sa Baguio ay sobrang nanunuot sa balat ang ginaw—mabuti nalang suot ko ngayon ang jacket ni Yden. Naka-sweatshirt rin naman siya kaya siguro ipinahiram niya sa’kin ang jacket niya. “Magandang araw po

