♛❤ Thirty-Three❤♛ Mira: Maagang nagising si Yden. Mas nauna itong gumising kesa sa’kin—nagjogging daw ito sa labas. Nang magising ako ay may breakfast na at seryoso itong nakatutok sa laptop habang umiinom ng kape. Nakakaloka ‘tong set-up namin ngayon. Katatapos ko lang maligo at dito na ako sa loob ng banyo nag-bihis. Suot ko ngayon itong bili niyang turle-neck dress at mahaba rin ang sleeves. Tiningnan ko ang sarili ko salamin. Walang kulay. At kailan pa ako naging conscious!? Dios mi.. Kinuha ko ang isang pouch na bili pa rin ni Yden kahapon—ngayon ko nga lang natingnan at puro mg aka-etchosan sa mukha. E, hindi naman ako marunong gumamit ng mga ‘to. Pulbos lang siguro at tint. Okay na. Pinatuyo ko ang buhok ko saka tinali. Ang sabi niya sa’kin after breakfast

