♛❤ Bonus 4 ❤♛ Mira: Nagising ako na sobrang bigat ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Babangon sana ako nang maagap akong inalalayan ni..Yden—Yano..? “Nagugutom ka na ba? Here, let me help you..” Nahihiya kong tiningnan si Yano—alam kong nabasa niya ang ibig kong sabihin. “Pasensya na talaga sa pag-isturbo ko sayo, Yano.. W-Wala kasi akong ibang naisip na tawagan..” I felt so weak. Paos pa rin ang boses ko. Ganun pa rin at mabigat ang ulo ko. Alam kong nasa hospital ako—dahil sa biglang pagkawala ng malay ko kanina.. “Tama lang na ako ang tinawagan mo, Mira. You’ll stay in my house after here. Sabi ng doctor mo—bumalik ang sakit mo at kailangan kang bantayan ng maigi.” G-Ganun ba? Hungkag ang nararamdaman ko ngayon.. Dahan-dahan akong tumango—at mahinang nagpas

