♛❤ Bonus 5 ❤♛ Mira: Tatlong araw na akong namalagi sa sariling bahay ni Yano at tuwing gabi lang kami nagkikita dahil sa busy rin ito sa sariling negosyo. Dun ko rin lang nalaman na nag-resign na siya sa kompanya ni Yden. Akala ko ay tuloyan na niyang tinanggap ang alok ng papa nito na pamahalaan ang sariling negosyo pero hindi pala—Yano kept himself busy in his self-own restaurant. Balang araw ay makakabayad rin ako sa kaniya.. May sarili pa nga akong nurse para ma-monitor ang condisyon ko araw-araw pero feeling ko okay na ako. Nilimitahan ko ang sarili ko sa paggamit ng phone—actually, simula ng umalis ako sa Pah ay pinatay ko na ang phone ko. Tatawagan ko na mamaya si ate Hira dahil alam kong sobrang nag-aalala na yun sa’kin. Tanging sulat lang ang iniwan ko sa ate ko nang

