Whispering Destiny
Kabanata 3 | Leojara
_____________________________________
Naalipungatan ako sa tunog ng pagkiskis ng asero. Sinubukan kong idilat ang aking mga mata ngunit agad din akong napapikit dahil sa pagkasilaw. Nang masanay ang aking mata sa ilaw ay agad akong umupo mula sa pagkakahiga. Napakagaan ng aking katawan at sa hindi ko mawaring kadahilan ay pakiramdam ko ay bigla na lamang tumalas ang aking pandama, pantingin at pandinig.
Nangunot ang aking noo nang makita ko si Sirene na mahimbing na natutulog sa kaharap kong kama suot-suot ang kanyang pulang bestida. Mabilis na inilibot ko ang aking tingin sa hindi pamilyar na lugar.
Ramdam ko ang paggalaw ng aming kinaroroonan at ang patuloy na pagtunog ng asero.
Nasaan kami? Bakit kami napadpad sa isang hindi pamilyar na lugar?
Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang maalala ko ang nangyari bago pa man kami napunta sa lugar na ito. Ang aming pagtatapos. Mga lalaking may itim na tela na sinubukan kaming patayin at ang aming pagkakalunod.
Agad akong nahintakutan at mabilis na tinungo ang kamang kinahihigaan ni Sirene. Sinubukan ko siyang gisingin ngunit ni hindi man lang siya gumagalaw sa pagkakahiga. Nilapit ko ang aking tainga sa kanyang ilong para masiguradong humihinga pa siya at 'di naman ako nabigo nang maramdaman ko ang banayad na paghinga niya. Pero halos mapamura ako nang maalala ko sina Fira, Ari at Eren na kapwa kasama naming nahulog sa bangin.
Sa sobrang pag-aalala ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na binagtas ang daan papalabas ng silid. Bumungad sa aking paglabas ang dalawang hindi pamilyar na babae at lalaki na kasalukuyang kumakain sa mistulang komedor. Hindi rin nakalagpas sa aking tingin ang kakaibang kasuotan ng dalawa.
"Oh, you're awake na. Have a sit," kaswal na pag-aya sa akin ng babaeng nakaputi na hindi man lang pinansin ang paraan ng aking pagkakatitig sa kanila.
"Sino kayo at saang bayan kayo nagmula? Anong ginagawa namin sa lugar na ito? Nasaan ang aking mga kaibigan?" Hindi ko na napigilan ang aking sunod-sunod na pagtatanong.
"Calm down. Maupo ka muna at sabayan kami sa pagkain. We mean no harm to you and your friends," sagot naman ng lalaking nakaitim sa akin.
Matamang sinuri ko ang dalawa. Ramdam ko ang sensiridad sa kanilang mga salita at hindi na ako umangal pa nang giniya ako ng babae papaupo.
Bago ko pa man maibuka ang aking bibig para makapagtanong ay inunahan na ako ng babae.
"I'm Misty and he's Fin. Galing kami sa imperyo ng Citadel ang sentro ng Aevetura." Agad nangunot ang aking noo sa sinabi ng estraherang babae. Sa paraan ng kanyang pananalita at panonoot ay masasabi kong galing sila sa isang maharlikang angkan.
"Imperyo? Citadel? Aevetura? Paumanhin, ngunit mukhang ang inyong tinutukoy na Imperyo ay hindi nasasakop ng lungsod Huelva," maingat na sagot ko habang matamang naka-obserba sa dalawa.
Sa loob ng aking walong taong pag-aaral, kahit kailan ay 'di nalimutan ipaalala sa amin ng aming guro ang patungkol sa Huelva at ang nasasakupan nitong mga bayan. Ni minsan ay hindi ako nakarinig ng patungkol sa Imperyo sapagkat ang Huelva ay nasa ilalim ng sistemang Republika kung saan ang taong bayan lamang ang may karapatang magluklok ng kanilang nanaising pinuno.
"Sino nagsabing galing kami sa Huelva hija? Nga pala kumusta ang iyong pakiramdam? 'Di biro ang inyong tinamong sugat. Nakita na lang namin kayo sa pangpang na walang malay," pag-iiba ng babae sa usapan.
Kung gayon ay sila ang tumulong sa amin.
"Ang mga kaibigan ko. Kumusta sila?" Puno ng antipasyong tanong ko.
"Huwag kang mag-alala. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa isa sa mga silid matapos naming gamutin ang inyong mga natamong sugat," sagot ng babae na ikinahinga ko ng maluwag.
Ngayon ko lang napansin na nasa loob kami ng isang tren. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakatapak sa ganitong klase ng lugar.
"Maraming salamat sa inyong pagtulong sa amin, ngunit batid kong masyado na kaming nakaaabala sa inyong biyahe. Maaari niyo na kaming ibaba sa pinakamalapit na baryo," ani ko.
Ayoko magkaroon ng napakalaking utang na loob sa kanilang mga maharlika. Mas tumatagal ang aming pananalagi rito ay mas lumalaki ang utang na loob namin sa kanila.
"Ikinalulungkot kong sabihin ngunit malayo na tayo sa mga bayan." Agad nangunot ang aking noo sa tinuran ng lalaking nagngangalang Fin.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.
Mas lalong nangunot ang aking noo nang abutan ako ni Misty ng isang gintong sobre. Taka man ay inabot ko pa rin ito.
Marahang sinuri ko ang sobre sa aking kamay. Napakatingkad ng kulay na ito na nagsusumigaw ng karangyaan. Kitang-kita ko sa gitna nito ang kulay itim na sera na may tatak na isang hindi pamilyar na simbolo. Isa itong orasan na may napakalaking bakunawa sa gitna na napapalibutan ng ahas at may suot-suot na korona. 'Di rin nakatakas sa aking tingin ang letrang 'G' sa gitna ng bakunawa at ang aking pangalan sa ibaba ng sobre. Hindi pa nasisira ang selyo nito, ibig sabihin ay hindi pa ito nabubuksan ng nino man.
"Para saan ang sobreng ito? Paano niyo nalaman ang aking buong pangalan?" Tanong ko matapos mapagmasdan ang karangyaan ng sobre.
"Buksan mo. Liham galing sa El Maestro," sagot ni Misty.
Nag-aalangan man ay binuksan ko pa rin ito at sinira ang sera sa pagkakaselyo. Gaya ng sabi ni Misty ay sinimulan kong basahin ang liham
Gravellea Institute of Arcane
Capitol City, Citadel
Hulyo 29, 20xx
Pagbati Binibining Alvera,
Ikinagagalak kong ipaalam sa iyo na isa ka sa mga kwalipilado na makapasok sa prestihiyosong paaralan sa sentro ng Citadel at may sigurado ng puwesto sa Gravellea Institute of Arcane. Magsisimula ang unang termino sa ika-umpisa ng Agosto. Inaasahan ko ang iyong pagdating at ng iyong mga kaibigan.
Sumasaiyo,
Amerigo Merva
Natigilan ako at hindi malaman ang sasabihin matapos kong mabasa ang liham patungkol sa imbitasyon. Alam kong mataas ang gradong nakuha ko subalit hindi ko naman inaasahan na aabot sa ganito. Napakalaking oportunidad ang kanilang ibinibigay sa akin ngunit hindi ko magawang maging kampante dahil sa kakaibang lugar na kanilang tinutukoy.
Hulyo tatlumpu't isa na ngayon kinabukasan ay kakailangan na naming magsimula kung tatanggapin ko ang alok na ito.
"Anong masasabi mo sa aming imbitasyon? Batid kong napakalaking karangalan sa inyo ang makatapak sa isang uniberasidad matapos ng pagtatapos," sabi ni Fin na pinunasan ang gilid ng kanyang labi matapos kumain.
"Kailangan ko muna hingin ang permiso ng aking ama't ina bago ako makapagdesisyon," sagot ko.
Bukod pa ro'n ay nag-aalangan ako sa eskwelahang tinutukoy rito. Liban sa lungsod ay talagang nakakapagtaka ang ngalan ng paaralan. Napakaimposibleng mayroon pang lugar liban sa Huelva na kanilang tinutukoy na Imperyo ng Citadel.
"Tungkol sa bagay na 'yan ay naipaalam na namin ito sa inyong mga magulang at binigyan na nila kami ng permiso," sagot ni Misty na nakapagpatigil sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" Seryosong tanong ko.
Imbis na sagutin ang aking naging tanong ay may inabot siya sa aking kaseta't talinig.
"Mensahe mula sa iyong Ina," sabi ni Misty.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at isinuot sa magkabila kong tainga ang talinig at pinindot ang kaseta.
"Anak Alvera, alam kong sa oras na naririnig mo ito ay kasama mo na ang susundo sa 'yo patungo sa unibersidad. Pasensya na at hindi ko na nasabi sa iyo ng personal. Alam kong matagal mo ng pangarap 'yan. Gusto kong makapagtapos ka at ng sa gayon ay matulungan mo kami ng iyong ama. Mag-iingat ka palagi. Mahal na mahal kita, Alvera. Aantayin ko ang iyong pagbabalik." Hindi makapaniwalang binitawan ko pababa ang kaseta matapos marinig ang boses ni Ina.
Hindi ko malaman ang aking sasabihin matapos ng aking mga nalaman. Hindi ako makapaniwalang nagawa ni Ina na ilihim ang patungkol sa bagay na ito. Kailan pa niya alam ang patungkol dito? Sila Fira kaya ay alam ang patungkol sa imbitasyong ito? Napakaraming tanong ang naglalaro sa aking isipan. Paano na si ina't ama? Sino ng tutulong kay Ina sa mga gawaing bahay? Pagkapumasok ka kasi sa isang unibersidad ay hinding-hindi ka makakalabas hanggang sa iyong pagtatapos.
Kaya ko ba? Kaya ko bang malayo sa aming mga magulang? At ang aking pag-aaral? San nila kukuhanin ang panggatos? Iniisip ko pa lang ang hirap na daranasin nila ama ay sumisikip na ang aking dibdib.
Mariing napapikit ako bago ko seryosong hinarap ang dalawa.
"Napakagandang oportunidad ang inyong binibigay sa akin at sa aking mga kaibigan, ngunit hindi ko matatanggap ang imbitasyon. Paumanhin," magalang na pagtanggi ko sa kanilang imbitasyon.
Napakunot noo ako nang mabining napatawa si Misty at napangiti si Fin na para bang may mali akong nasabi.
"You seem to don't understand. You can't decline the offer," iiling-iling na sabi ni Fin.
"Hindi ka man lang ba nagtataka kung gaano kabilis gumaling ang iyong mga sugat? Kung paano tumalas ang iyong limang pandama?" Dagdag ni Misty na mas lalo kong ikinataka.
"Anong ibig mong iparating?" Seryosong tanong ko sa kanila.
"Isa kayong Mago. Nagtataglay kayo ng angking mystic na natatangi lang sa mga katulad nating Mago. You've unconsciously used it an hour ago during the incident."
"Mago? Mystic? Niloloko niyo ba ako?" Natatawang tanong ko.
Anong akala nila sa akin mabilis maniwala? Sabi ko na at hindi 'to tunay. Sa isip ko'y isa silang bayarang artista na pinadala ng babaeng maharlika para tuluyan na kaming patayin.
"Mago ang tawag sa nilalang na nagtataglay ng aking mystic o mas kilala sa mundo niyo na kapangyarihan," pagpapaliwanag niya pa na mas ikinatawa ko.
Kasinungalingan. Kapangyarihan? Sa alamat lamang ito nangyayari at totoo.
"Alam kong ramdam mo ang pagbabago sa 'yo Alvera at hanggang sa mga oras na ito ay naguguluhan ka pa rin, kayo sa nangyari. That's why we're here, to help you and your friends," pagtutuloy ni Misty.
"Paano? Paano niyo kami matutulungan?" Taas kilay na tanong ko.
"Katulad niyong lima ay isa rin kaming Mago. I can make things levitate," ani Fin at halos mapaatras ako nang magsimulang mag-angatan ang mga gamit sa lamesa.
"I can teleport from one place to another," dagdag ni Misty at napasinghap na lang ako ng sa isang iglap lang ay nasa likuran ko na siya.
Kinurot ko pa ang sarili ko baka namamaliktmata lang ako o nananaginip pero kahit anong kurot ko sa sarili ko ay walang epekto. Hindi ako na nanaginip.
"Kung gayo'y anong mangyayari kapag sumama kami sa inyo?" Tanong ko kahit pa magkahalong kaba at takot na ang aking nadarama.
"You and your friends will be transferred and enrolled at the Gravellea Institute Of Arcane. Where in you will learn how to control and use your mystic," sagot ni Fin.
"Anong kapalit? Anong kailangan niyo bilang kapalit?"
"Nothing," mabilis na sagot niya pabalik.
Mabilis akong napaiwas nang hawakan ako ni Misty sa balikat dahil sa kakaibang enerhiya na aking naramdaman at maging siya ay natigil din.
Sinubukan niya akong muling hawakan at halos hindi na ako nakalayo pa nang s*******n niya akong iharap sa kanya.
Napasinghap ako nang maramdaman kong muli ang kakaibang enerhiya na dumadaloy sa mga kamay ni Misty papapunta sa aking mga balikat. Kitang-kita ko ang kulay lilang lete na banayad na dumadaloy papunta sa aking dibdib na nagpapatalas ng aking pakiramdam.
Hindi ko na alam ang nangyayari nang nanginginig na binitawan ni Misty ang aking balikat sa kanyang nag-aabong mga mata.
"Copiar.." bulalas ni Misty kasunod nang pagbagsak ng mga kagamitan pababa sa lamesa.
"You posses the Mystic Replication," dagdag pa ni Misty ikinaseryoso ng mukha niya at ni Fin.
Akmang magtatanong na ako nang maunahan ako ni Fin.
"I know you have lot of questions in mind. Save it. Magsasagot ang lahat ng iyong mga katanungan pagkarating natin sa Aevetura."
Anong nangyari? Hindi ko maintindihan ang ibig iparating ni Misty patungkol sa Mystic Replication. At ang aking mga nakita, ang paglutang ng mga kagamitan ang pagpapalit-palit ni Misty ng puwesto. Napakaraming tanong ang naglalaro sa aking isipan at tanging sila lamang ang makakasagot.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin at tanging ang tunog lang ng riles ang nangingibabaw.
Tinuon ko na lamang ang aking atensyon sa labas ng tren. Ngayon ko lamang napansin na nasa isang eklusibong tren kami dahil sa bilis ng mga pangyayari. Pinagdaan ko ang aking tingin sa walang katapusang puno sa labas.
"We're now heading to Gravellea," sabi bigla ni Misty na ikinabuga ko ng hininga.
Never before I've been so puzzled by the things I see happening in the world.
Nagkibit balikat na lang ako hanggang sa napansin ko na nagsisimulang dumilim sa labas at natatanaw ko sa hindi kalayuan ang madilim na lagusan na dadaanan namin. Sinakop kami ng kadiliman sa loob pagkapasok dito at tanging ilaw na nanggagaling sa tren ang tanging ilaw na nagsisilbing gabay para makita ko ang tinatahak namin. Minuto rin ang tinagal bago tuluyang makalabas ang sinasakyan naming tren sa lagusan.
Napapikit na lamang ako sa biglang pagpasok ng liwanag sa loob at nang masanay ang aking mata sa liwanag ay halos natigilan ako sa aking mga nakikita.
Ano ang lugar na ito?
"Ito ang Leojara ang sentro ng Aevetura," pagsagot ni Misty sa tanong sa aking isipan patungkol sa lugar na kinaroroonan namin.
Nagpatuloy ang biyahe namin at nanatili ang tingin ko sa labas. Tutok na tutok ang buo kong atensyon sa paligid habang patuloy sa pag-andar ang tren. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng aking mga mata.
Kahit saan ako tumingin ay tanging sinaunang Romano at mitolohiyang Greek ang naka-imprita sa iba't ibang estruktura ng lungsod. Napakarami ng mga tao. Ang mga nagtitinda sa lansangan, ang mga pintor, ang mga mangagawit at ang mga simpleng mamamayan na naglalakad. Ang ilan pa sa kanila ay nakasakay sa mga kabayo. Pakiramdam ko ay nasa isang sinaunang panahong lugar ako.
Sa likod ng mga gusaling ito, naagaw ng aking pansin ang isang matayog na gusaling kulay ginto. Litaw na litaw ang kulay nito lalo't nasisinagan ito ng araw. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa aking mga nakikita. Para bang panaginip lamang ang lahat.
Tahimik lamang ako nang dumaan kami sa isang arkong nagmimistulan entrada. Pagkapasok namin ay isang boses babae ang pumailanlang sa paligid.
"The train now approaching platform 01."
Nag-iba ang ihip ng hangin pagkapasok namin sa loob at nagsimulang dumilim ang paligid. Bumagal ang takbo ng tren at unti-unting huminto. Gumawa pa ito ng kakaibang ingay bago ito tuluyang nawala.
Napalingon ako sa direksyon ng pintuan nang maingay itong bumukas.
"Welcome to Leojara."
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆