Whispering Destiny
Kabanata 4 | Gravellea Institute of Arcane
_____________________________________
Banayad na binagtas namin ang daan papunta sa harap ng napakataas na gintong gusali.
Matapos naming makarating kanina sa estasyon ng tren ay kaagad kaming napunta sa lugar na ito. Ni hindi ko nagawang makapagtanong pa dahil sa bilis ng mga pangyayari. Nakita ko na lamang ang pag-abo ng mga mata ni Misty kasabay ng aming pagkapunta sa harapan ng ginintuang gusali.
Bagamat pinakita na nila sa akin ang kani-kanilang mga mystic ay hindi ko pa ring naiiwasang hindi mamangha at magulat sa tuwing ito'y nangyayari.
Hindi ko alam kung papaanong nalaman nilang apat ang patungkol sa aking mga nakita at nalaman gayong sa pagkakatanda ko ay kapwa sila natutulog nang sabihin nila Misty ito sa akin. Paghinuha ko'y ginamitan nila ito ng kakaibang mystic na kanilang tinutukoy.
Wala ni isa sa aming lima ang gustong magsalita. Pare-parehas kaming tulala at hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. In just a night, our life turn upside down.
"I know you guys are still in shock and still processing, but let us help you. Only us can help you and I think you know that by now," ani Fin bago niya itinapat ang kanyang kamay sa harapan ng napakataas na pinto at bigla na lamang nawala.
Nagpapikit-pikit pa ako baka na mamaliktmata lang ako pero hindi ko na muling nakita pa si Fin. Saan siya napunta?
"Asan na siya?" tanong ni Eren.
"He teleported," sagot ni Misty.
"Teleport?" sabay-sabay na tanong namin. Isa ba ito sa gawa ng kakayahan ni Misty?
"Yes, ladies. This is the only way to go inside. Good luck," sabi pa ni Misty bago bigla rin nawala pagkatapat niya ng kamay rito.
Good luck?
Hindi ko na nagawa pang makapagtanong nang biglang mawala si Misty sa aming paningin. Naiwan ako kasama ang apat kong mga kaibigan.
"Eren ikaw na mauna pumasok," pagbabasag ni Ari sa katahimikan bago pinagtutulak pa si Eren papasok.
"Ayoko nga. Ikaw na Si," pasa ni Eren kay Sirene.
"Ayaw. Si Fira na lang," pasa rin ni Sirene kay Fira.
"Vera go," pasa naman sa akin ni Fira.
Alam na alam ko na kung saan ito papunta.
"Oo nga Vera ikaw na lang!" dagdag pa ni Ari.
"Gora Vera!" sabi pa ni Eren.
"Kaya mo 'yan," dagdag pa nitong si Si na nakataas pa 'yong nakakuyom niyang kamay.
Napaikot na lang ako ng mata bago nagtaas ng kamay bilang pagsuko.
"Oo na! Oo na!" pagsuko ko bago nagsimulang maglakad papunta sa gitna.
Pagka-apak na pagka-apak ko pa lamang sa gitna ay nakaramdaman ako ng kakaibang pwersa na parang humahatak sa akin papasok, pero gayon pa man ay hindi naging dahilan 'yon para hindi ko na maituloy ang paghawak sa pinto. Mariing napapikit ako dahil sa biglang pagsakop sa akin ng liwanag. Ilang segundo rin ang aking tinagal bago tuluyang na imulat ang mata. Sa aking pagmulat ay tumambad sa akin ang nagtataasang mga puno. Nasa isa akong kagubatan.
Anong ginagawa ko rito? Asan sina Misty? Bakit ako napunta sa gitna ng kagubutan? May daraanan pa ba bukod sa paghawak doon? Ang sabi nila ito lamang ang natatanging daan papasok. Hindi kaya't pakana lamang nila ang lahat para kami'y tuluyan ng tapusin?
Nakaramdaman ako nang paggalaw sa mga puno kaya agad akong na alerto at pinaningkit ang mata para makita ang pinanggagalingan nito.
Napatalon ako sa gulat nang makita ko ang isang malaking ahas na papalapit sa direksyon ko. Anong klaseng nilalang ang bagay na ito?!
Joder! Niloko nila kami! Hindi ko na dapat pang pinagkatiwalaan ang mga katulad nilang mahaharlika. Wala silang ibang madudulot na maganda sa aming mahihirap kung hindi ang paglalaro at p**********p pa lalo sa amin.
Nanindig ang aking balahibo nang dahan-dahang lumalapit papunta sa aking direksyon ang higanteng ahas. Ni hindi ko man lang magawang magsalita o gumalaw dahil sa takot na baka kainin ako nito ng buhay.
Sa lahat ng hayop sa kagubatan ay bakit ang ahas pa ang aking nakasalamuha.
Napapikit na lang ako at mahinang napadasal nang makitang unti-unti ako nitong palibutan.
Tangina.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Fira
Nagtaka kami dahil imbis na kulay puti ang magliwanag nang hinawakan ni Vera ang pinto ay naging kulay itim ito.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Alam ko na magtuturuan na naman kami kaya't nagpresinta na ako at walang sabi-sabing nilapat 'yong kamay sa gitna ng pintuan.
Pagkamulat na pagkamulat ko ng aking mata ay nakita ko ang isang kwartong punong puno ng salamin. Nilibot ko ang aking mga mata para hanapin si Vera pero hindi ko siya makita. Tanging ang sarili ko lamang ang aking nakikita galing sa repleksyon ng mga salamin.
Asan na ba si Vera? Huwag mong sabihing iniwan na niya kami? At anong klaseng daanan ba ito? Isa na naman ba ito sa kakaibang mahika na kanilang taglay? Kung oo ay ibang klase pala talaga ang meron sila.
Tanda ko pa kung paano nila ipakita ang kakaibang mahikang taglay nila sa pamamagitan ng pagpasok sa aking isipan. Hindi ko alam kung paanong naging posible ang pagpasok sa utak at hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako.
Sinubukan kong maglakad at ilibot ang tingin sa loob ngunit na dismaya lamang ako nang makitang walang pinto kahit saan at tanging ang hindi mabilang na salamin lamang na ipinapakita ang repleksyon ko ang aking nakikita. Hindi ba ako mawalan ng hangin dito? Ano bang pakana 'to? Pangit naman ng trip nila.
Asan na ba talaga ako?
Nagsisimula na akong mawalan ng pasensya nang may marinig akong hindi pamilyar na boses sa paligid.
"You were left alone again, didn't you?"
"Sino ka?" kunot noong tanong ko na umalingawngaw sa buong kuwarto.
"How does it feel to be alone? To be left again by someone you love?"
"Anong ibig mong iparating? Magpakita ka sa akin." Masugid kong inilibot ang aking tingin sa loob sa pagnanais na mahanap ang pinanggagalingan ng boses na iyon ngunit bigo ako.
Ilang minuto ang lumipas na wala akong narinig pang muli sa hindi pamilyar na boses na iyon kaya't nagkibit-balikat na lamang ako sa isipang guni guni lamang ito.
Pinili ko na lamang libangin ang aking sarili sa paghihintay sa kanila sa pagtapik ng aking mga paa sa sahig at paglalaro ng aking buhok.
Bakit ba ang tagal nila? Halos magsasampong minuto na ako naghihintay rito oh.
"They left you Fira. You can't deny it any longer."
"Puwede bang manahimik ka na lang?"
Napupuno na ako sa kung sinong babae ito eh. Anong karapatan niyang sabihin ang bagay na iyan patungkol sa aking mga kaibigan? Hinding hindi nila magagawa sa akin 'yon. Pinagkakatiwalaan ko sila. Alam kong hindi nila ako magagawang iwan lalo pa at nasa kakaibang lugar kami.
Natagalan lang sila. Oo 'yon lang 'yon. Baka nagturuan na naman sila kung sino mauuna.
"Remember when your father left you with your abusive mother?"
Natigilan ako sa aking ginagawa sa kanyang binitawang mga salita. Papaano? Paano niya nalaman ang patungkol sa bagay na iyan?
Akmang magsasalita na ako nang matigilan ako sa aking mga nakikita. Isa-isang lumalabas sa hindi mabilang na salamin sa loob ang aking mga alaalang pilit kong binabaon sa limot.
Anong nangyayari?
Bakit sa lahat ng pagkakataon ay ngayon pa? Matagal ko nang binaon ang mga alaala ng nakaraan. I already outrun and buried everything from my horrifying past. But why is this happening to me now? Why am I seeing things again?
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Eren
Bakit itim na naman ang lumabas na liwanag nang pumasok si Fira?
"Uy! Eren ikaw na sumunod doon," pagtutulak sa akin ni Ari.
"Ayoko ikaw na lang," sabi ko habang pinipilit lumayo sa may tarangkahan.
"Dali na Eren. Go! Go! Go!" sabi pa nito ni Sirene kaya lalo akong napasimangot.
"Ayaw," angal ko pa at nagulat na lang ako nang bigla akong itinulak ni Ari na nagdahilan nang pagkahawak ko sa pinto.
Napapikit ako nang bigla akong sinakop ng liwanag. Napakusot pa ako nang mata dahil sa biglang pagpasok ng kakaibang liwanag. Nang tuluyan ng luminaw ang aking paningin ay agad akong nahintakutan at napayakap sa sarili. Nasa tuktok ako ng bundok kaharap ang nakakatakot na tulay na lubid.
Nanghina ang tuhod ko nang matanaw ko ang baba na maaari kong bagsakan kung sakali mang magkamali ako ng galaw. Bakit ako nandirito ba kasi? Sa lahat ba naman ng lugar na puwedeng paglagyan ng daanan bakit tulay na lubid pa sa tuktok ng bundok? Sinong matinong tao ang magtatayo ng eskwelahan sa tuktok ng bundok aber? Siyempre sila. Jusko.
Nakita ko ang kulay gintong envelope sa tabi ko kaya agad ko itong pinulot at binuksan. Pagbukas ko nito ay nakakita ako ng parang mapa at mukhang kailangan kong tawirin ang tulay na lubid na 'yan para makarating ako sa destinasyon ko. Ako papatawirin nila? Ayoko nga!
Asan na ba kasi sina Vera at Fira? Huwag mong sabihing nauna na sila at iniwan ako at bakit ang tagal-tagal naman nina Sirene at Ari makarating?
Bahala na aantayin ko na lang muna sila. Ayos lang naman siguro kahit matagalan ako saglit. Akmang uupo muna ako nang bigla na lamang liparin ang papel na hawak ko papapunta sa aking mismong mukha.
Ano ba naman 'yan hindi man lang nagbababala. Bastos naman sakto pa sa mukha. Bahagya ko pa itong inamoy. Ay iba. Grabe sa bango. Pasalamat kang papel ka mabango ka kundi nalukot na kita.
Binalik ko na ang tingin sa papel at pinagkapasadahan nang tingin ang umiilaw na parte ng sulat na mukhang aking nakaligtaan. Napanganga na lamang ako nang makita na may oras lamang ang pagtawid sa tulay na lubid.
Mula nga sa aking puwesto ay nakita ko na unti-unting nalulusaw ang tulay na lubid.
Ano nang gagawin ko? Ayaw ko tumawid. Hindi kakayanin ng puso ko.
Napalunok ako ng laway at nagpalandas ng krus.
Kaya mo 'yan Eren. Wala kang pagpipilian. Ayoko namang maiwan sa tuktok ng bundok na ito ng habang buhay ano. Marami pa akong plano sa buhay.
Sa takot ko na tuluyan nang mawala ang tulay na lubid ay hugot hininga kong itinapak ang aking paa sa lubid.
Sa nanginginig kong mga kamay at paa ay pinili kong magpatuloy sa paglalakad sa gitna.
"Wag kang titingin sa baba Eren. Tingin lang sa harap."
Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na makakayanan ko ito kahit pa sobra sa pagkabog ang aking dibdib.
Nakakalimang hakbang na ako nang maramdaman ko ang pag-uga ng tulay na ikinawalan ko ng balanse.
"Mama! Tulong! Tulungan niyo ako!"
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Sirene
"Paano ba 'yan Si tayo na lang ang natira," sabi ni Ari nang mabilis na naglaho sa paningin namin si Eren.
"Ikaw na lang mauna Ari," sabi ko sa kanya at ipinapungay pa ang aking mata.
"Sige!" mabilis na sabi niya na ikinatuwa ko.
"Sa isang kondisyon," dagdag niya na ikinawala ng ngiti sa mga labi ko.
"Ano namang kondisyon?"
"Kung sino ang matatalo sa bato-bato pik ang siyang mauunang papasok. Isang bagsakan lang ah," sabi niya na ikinasimangot ko.
Ang duga naman. Alam niyang mahina ako sa ganito eh. Hindi na lang ako nagreklamo at naghanda na makipagbato-bato pik.
"Game ah! Bato-bato pik!" sabi niya at... talo ako.
Gunting siya papel ako.
"Paano ba 'yan Sirene?" malokong sabi niya.
Napanguso na lang ako bilang pagsuko bago unti-unting nilapit 'yong kamay ko sa pinto.
Anong magagawa ko eh talo ako.
Napatakip pa ako sa mata ko nang lamunin ako ng liwanag. Pagkamulat ko ng mata ko ay nagulat ako nang makitang nasa labas ako ng aming eskwelahan.
Anong ginagawa ko rito? Nakabalik na ba kami sa mundo namin? Nilibot ko ang mata ko para sana hanapin sila Vera nang makarinig ako ng malakas na sigaw.
"Tulong! Tulungan mo ako!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses na sinisigurado kong boses ni Eren.
Walang pagdadalawang isip, agad-agad kong sinundan iyong pinanggagalingan ng sigaw na naririnig ko at nakita ko si Eren na pinagtutulungan ng dalawang kalalakihan.
Omg, Eren!
"Tulong! Tulungan mo ako!" sigaw ni Eren habang nakatingin sa akin.
Natulos ako sa kinaroroonan ko nang bigla akong tutukan ng lalaki ng b***l nang makita niya ako.
"Huwag kang gagalaw!"
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumigil sa paglapit sa kanya dahil sa b***l na nakatutok sa akin. Gusto ko siyang tulungan gustong-gusto ko pero hindi ko magawa. Natatakot ako na kapag gumalaw ako ay papatamaan niya ako.
"Sirene! Sina Vera, Fira—" hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin nang malakas siyang sampalin ng lalaki sa kanyang harapan.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Ni hindi ko man lang magawang sumigaw at tanging ang pagluha lang ang aking nagawa habang pinanuod ko sila na saktan si Eren. Alam kong dapat sa ngayon ay gumagawa na ako ng paraan para humanap ng tulong, pero hindi ko magawa. Ni hindi ko magawang kumilos sa sobrang takot. I felt so incredibly useless in her hour of need.
Napakawalang kwenta kong kaibigan.
Lagi silang nandiyan sa akin para protektahan ako pero kahit kailan ay hindi ko iyon nagawa sa kanila. Napakawalang kwenta ko! Bakit ba hanggang pag-iyak na lamang lagi ang aking nagagawa? Bakit ba hindi ko magawang magkaroon ng lakas ng loob? Bakit ba napakahina ko? Bakit?!
Inilipat ng lalaki ang kanyang pagkakatutok ng b***l patungo sa direksyon ni Eren. Bumagsak ang luha sa pisngi ko ng marinig ko ang putok ng b***l. Napapikit ako nang mariin at inisip na isa lamang itong masamang panaginip.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Airilyn
Pagkalapat na pagkalapat ni Sirene ng kamay niya sa gitna ay binalot rin siya ng itim na usok.
Nakaramdam naman ako ng biglang paglakas ng hangin. Kaya napayakap ako sa sarili. Geez nakabestida pa rin pala ako.
"Sana pala hindi na ako nagpahuli." Mahinang bulong ko sa sarili bago unti-unting nilalapit 'yong kamay ko sa gitna.
Napapikit ako sa sobrang liwanag. Ang sakit sa mata ah. Pagkamulat na pagkamulat ko ng mata ko ay napagtanto ko kung nasaan ako.
"Arlo. Antayin mo rito si ate sa bahay ah. Huwag kang lalabas. May pupuntahan lang si ate na labada saglit!"
Nanigas naman ako nang makita ang sarili ko sa nakaraan.
"Balik ka agad ate ah!" nakangusong sabi ni Al. Unti-unting tumulo 'yong mga mata ko nang marinig ko muli ang boses niya.
"Oo naman. Babalik agad si ate ganda. Guguluhin pa kita mamaya. Mauuna na ako. Mahal ka ni ate," sabi ng dating ako bago niyakap at hinalikan sa pisngi si Al.
"Huwag! Huwag mo siyang iwanan!" sigaw ko sa dating ako at pilit na 'di pinapaalis ito.
"Hindi! Huwag kang aalis! Pakiusap!" pagmamakaawa ko pero mukhang 'di ako naririnig ng dating ako.
"Mahal din kita, Ate," sabi ni Al kasabay ng paglabas ng dating ako sa aming lumang tahanan.
"Miss na kita bunso..." naluluhang sabi ko habang sinusubukan siyang hawakan pero tumagos lang iyon na ikinahagulgul ko.
Wala akong ka ide-ideya kung bakit ako naririto at nakikita ang bahagi ng aking mga alaala mula sa isang pangyayaring hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako sa aking mga panaginip. Hindi ko mawari kung ilusyon lamang ito at ako'y na nanaginip, pero ang sakit at pagsisi na nararamdan ko ngayon ay higit pa sa anumang ilusyon.
"Hay! Nagugutom na ako. Wala naman akong pera tsaka bawal din akong lumabas sabi ni ate," nakabusangot na saad ni Al bago siya nagsimulang maglakad papunta sa harapan ng aming maliit na pridyer.
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang bawat galaw ni Sam.
"Wala namang paketeng bihon," nakabusangot na sabi niya sa kanyang sarili.
Habang pinanonood ko siya at hindi ko maiwasang hindi mangulila sa aking bunsong kapatid. Miss ko na ang aking Lune.
Noon kasi ay nakasanayan ko siyang tawaging Lune bilang pang-asar dahil ang pangalan ng kanyang nililigawan ay Buwan. Eh sakto ng araw na 'yon nakabasa ako sa French na aming libro ng kasingkahulugan no'n. Kaya ayon na nga.
"Ito na nga lang. Madali lang naman siguro ito," sabi pa ni Al habang nilalabas 'yong tusino sa pridyer.
"Huwag! Arlo huwag! Hindi ka marunong magluto hindi ba! Al bitawan mo 'yan!" nagmamakaawang saad ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig.
Unti-unti na siyang tumungo sa kusina at kumuha ng kawali at binuksan ang kalan. Pagkatapos ay naglagay ng napakaraming mantika bago agad na isinalang ang nagyeyelo pang tusino.
Napatawa naman ako sa ginawa niya at saglit na nakalimutan ang sunod na mga mangyayari. Halatang wala siyang alam sa ginagawa niya. Nakita ko pa ang pag-aray niya nang matalsikan siya ng mantika.
Kaya kumuha siya ng kawali at ipinangharang niya iyon sa kanya na ikinatawa ko.
Kahit kailan talaga.
Natapos siyang magluto ng tusino at iba ah. Hindi ko inaasahan na medyo matino ang kalalabasan.
Pinatay niya na 'yong apoy at nilagay niya na iyong tusino niya sa plato at dumeretso na sa lamesa.
"Arlo! Iyong kalan! Iyong kalan patayin mo!" sigaw ko kay Al habang sinusundan siya papunta sa hapag kainan
Pero hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy lang sa paghahain. Nahintakutan ako nang makaamoy ako ng gasolina kasabay ng pagsiklab ng apoy sa aming tahanan.
"Arlo!"
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Misty
It started to play and I can't help but brace myself from watching it myself.
"Sa tingin niyo, makayanan kaya nila?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Matapos naming ilapat ang aming kamay kanina sa pinto o tinatawag na Vales Realm ay agad kami nitong tineleport sa awditoryum. Habang silang lima naman ay tineleport sa lugar na lubos nilang kinakatakutan at mga alaalang pilit nilang tinatakasan. Nakikita namin ang mga nangyayari sa kanilang lima sa loob ng Vales Realm kasama ang mga estudyante ng Gravellea.
"I think so," kalmadong sagot ni Leo sa tanong ko.
Hindi basta basta ang makapasok dito. Awtomatikong dadalhin ka ng gintong pintuan papunta sa Vales Realm na isang ilusyon kapag naramdaman niya ang hindi pamilyar na enerhiyang nakatago sa isang magong katulad nila. Dito ay dadalhin sila sa lugar na lubos nilang kinakatakutan. This is done in order for their secret mystique to awaken and for us to see if their intentions and hearts are pure. If they have an unpure heart, then they will die together with their fear.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆