CHAPTER FOUR

2683 Words
RIKA WAS TOTALLY DUMBFOUNDED by Dylan’s bluntness. Bagaman hindi nito direktang tinukoy ang ‘gusto’ nitong gawin, hindi siya ganoon kainosente upang hindi iyon mahinuha. An awkward atmosphere started to creep between them. Only this time, Rika knew there would be no punch line or pick-up lines that would comes next.  Dylan is dead serious to what he just said! At mabuti na rin na nakatulog siya dahil kahit papaano’y nakabawi siya ng sapat na lakas upang mapanatili ang kanyang konsentrasyon at maiwasan ang pagpapanic niya. “Thank you for not doing ‘it’, then. You’re a true gentleman, Dylan.” Isang kiming ngiti ang isinukli ni Dylan sa sinabi niya. Pagkuwan ay sumandal ito sa headrest ng kama. He gently raked his hand to his tousled hair, and the effect was too sexy she can’t help but stare. Tandaan mo: hanggang tingin ka lang Rika! Paalala niyang muli sa sarili niya. Napakibot si Rika nang bigla itong bumaling sa kanya. With those pair of sexy eyes while his fingers still raking his hair. “I think I have to let you leave now.” Translation: Go home or get laid.   Biglang pinanuyuan ng laway si Rika dahil sa kanyang naisip. It was just a wild guess, ngunit iyon ang nakikita niyang mensahe sa mga mata ng lalaki.   He’s giving her a warning! “Ahm… I think so too.” “I’ll walk you to the door.” “Hindi na. Magpahinga ka nalang dito.” “Are you sure?” “Positive.” “Okay.” Bago lumabas ng silid ay humakbang siya palapit sa lalaki. Dylan’s eyes follow her until he is looking up to her. Nang makatayo siya sa tabi nito ay walang sabi-sabing dumukwang siya upang dampian ng halik sa pisngi nito. The gesture was subtle and unmalicious. And yet, Dylan seemed to be caught in surprise. Wala itong imik hanggang sa mag-angat siyang muli ng tingin. Mabuti na rin `yon. Dahil ayaw niyang makarinig ng anomang salita na babasag sa kakapalan ng mukhang meron siya ngayon! Kelangan talaga may kiss sa cheek, teh?! Tanong ng konsensya niya. Bakit, anong masama sa ‘beso’? “I am really glad to see you again, Dylan. I really do.” Agad ding tumalikod si Rika upang magtungo sa pinto. Nahawakan na niya ang makintab na door knob at bahagya nang nabuksan iyon nang biglang may pwersang tumulak doon pabalik sa pinaglalapatan noon. She felt a warm presence behind her so she turned to look at it. Ngunit hindi niya inasahan ang kanyang nalingunan. Nakasunod pala sa kanya si Dylan ng hindi niya namamalayan! “Wait.” Dylan is standing very closely behind her. “I just remembered you saying, ‘no kissing in public’.” “That’s right.” His one hand is resting beside her head while pushing the door closed against her back. “Well, we’re not in a public place anymore. Your prohibition doesn’t apply here, since you broke it first…” She can see the shadow of desire lurking in those compelling bluish eyes of his. Yet, the anticipation on what he is about to do crawls on Rika’s nerves like a teasing current. “Dylan, what are you doing?” “I’m about to return the favour.” “What fav—” Sinakop ni Dylan ang kanyang mga labi bago pa man niya matapos ang kanyang tanong! His soft lips landed precisely on her parted lips and lingered there for a while as if to get enough snippets of her taste. The act itself is undeniably tempting and definitely intoxicating! And there’s no way she could oppose that! The sensation of Dylan’s kiss makes Rika feels like she’s a princess that needs infinite wooing. Marahan.  Masuyo.  Ngunit matagal! She completely lost track of the time the moment their lips met. Her mind is floating all of a sudden. At kahit pa tapos na ang halik ng binata ay tila lumulutang pa rin siya sa kawalan.      “Y-You… kissed…me…” Hindi niya malaman kung tono ng pang-uusig o pagkabigla ang kumawala sa kanyang bibig. “I have to do that. Kundi, hindi ako makakatulog ngayong gabi…”      “But Dylan—”      “Pagbigyan mo na `ko. This is the only thing I could do to appease the tension building inside me.” Ano raw? Nagkanda-loko-loko na naman ang takbo ng utak ni Rika. At tila kinuhang pagkakataon ni Dylan ang pagiging tuliro niya upang muling sakupin ang mga labi niya! Hinawakan na nito ang batok  niya at itinulak palapit ang ulo niya dahilan upang bahagya siyang mapatingala. Para siyang nalalasing sa halik na iginagawad sa kanya ng binata. Oh my God! What the heck am I doing?! Halos gumewang si Rika nang sa wakas ay lubayan nito ang mga labi niya. “Hmm, so this is what your lips taste like without lipstick…” “H-Huh?” “I like it…” He smiled and cupped her cheeks. Then he started dropping small and light kisses to her parted lips. “I…really…do…”   WALA ITO SA PLANO ni Dylan. Gusto lang naman niyang sagutin ang halik na ginawa ng nobya sa pisngi niya. Ngunit nagulo na ang takbo ng kukote niya nang lumapat ang bibig niya sa labi ng babae. Kakaibang pagkasabik ang biglang naramdaman ni Dylan lalo pa’t isang taon ring hindi niya ito nahagkan. It was obvious she was surprised on what he did that’s why she wasn’t able to respond to him just like she usually does. Sa halip na mabahagdan ay lalo lamang umigting ang kasabikan ni Dylan. He likes it taking the lead. Taunting her mouth with the right amout of passion and temptation. Her shyness and inhibition seemed to fuel his desire to kiss her… and more! Kapwa sila naghahabol nang hininga nang sa wakas ay pakawalan niya ang labi ng dalaga. She just stared at him with those pair of wide opened eyes of hers. “You…uhh…huuuh…” Hindi niya alam kung humihingal ba ito o sadyang hindi magawang makapagsalita. Pagkuwan ay bigla nitong binasa ang ibaba nitong labi gamit ang dila. Damn it! Is she really tempting me?! It was a total challenge on his self-control when he reached out and gently brushed his fingers on her still wet and now bulging lips. “Why do you have to tell me I’m a gentleman? Now I feel obliged to act that out,” he said hoarsely.  “You are really torturing me, do you know that?” Napalunok lang ang babae habang patuloy lang ang paghahabol ng hininga na tila nakipagkarera. Siya nama’y tila isang sundalong umuwing sugatan—ang masaklap, iyong pagkalalake pa niya ang nasaktan. Don’t be an asshole, Dylan Delavine! You know, she’s not the type of woman! Don’t you ever lure her to your world of lust! Thanks to his conscience, Dylan was finally able to let her go and set aside his body’s desire.  Unti-unti siyang lumayo sa babae saka marahang binuksan ang pinto. “I’ll see you tomorrow. Ingat ka pauwi…” Hinatid niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa elevator na nasa dulo ng hallway. When he made sure that she is not around anymore, mabilis siyang nagtungo sa kanyang silid at nagkulong sa loob ng banyo. Mukhang magdamag siyang lulublob sa malamig na tubig ng bathtub.   “ERIKA MARTINEZ! Ilang beses ko ba sasabihin sayong huwag mong gawing tulugan itong studio natin? Tumayo ka diyan!”       “Ohayou gozaimasu, Yuri-chan.” Pupungas-pungas na bati ni Rika sa Filipino-Japanese na Avante Garde artist at co-owner niya sa GALLERIA. Bumangon siya mula sa diyaryong inilatag niya sa sahig upang hindi iyon mamantsahan ng mga pinturang pinaglaruan niya kagabi. Doon na rin siya nakatulog at naabutan ni Yuri.      “Ohayou your face! Ang kulit mo talagang babae ka. Kapag napulmonya `yang baga mo dahil sa ginagawa mong pagtulog sa malamig na sahig, walang sisihan! Aiiish! Hontou ni baka!” “Ang sakit mo na man magsalita. Ang aga-aga…” halos pahikab na sabi niya. “Naintindihan mo ba ang sinabi ko?” “Hindi. Pero sa tono mo palang, alam kong minumura mo ako…” “I said ‘you’re so stupid’.” “See? Sakit ah!” “Arte mo!” Binalingan ni Yuri ang malaking canvass na nakasandig sa malawak na pader. Nilapitan nito iyon saka ininspeksyon. Streak of bright assorted colors were splashed in diffrent directions like it has been spilled there purposely.      “Another project of yours?” “Parang ganoon na nga. Kagabi ko lang siya naisip gawin.” “Artist din ako. Pero hanggang ngayon, hirap pa rin akong arukin ang meaning ng mga obra maestra mo. Specifically this one. Ngayon lang ako nakakita ng abstract na ginamitan ng neon colors. Magulo na ngang tingnan, ang sakit pa sa ulo!” “Kaya nga ‘abstract’ ang tawag diyan. Dahil wala `yang specific na kahulugan.”  “Or rather, itinatago mo lang sa magulo at halo-halong kulay na `to ang totoo mong nararamdaman,” giit naman ni Yuri. Natigilan si Rika. Being an artist, totoong ang mga artworks nila ang nagsisilbing reflection ng kanilang inner emotions—perhaps secret emotions. Doon nila ibinabaling ang mga damdaming hindi nila kaya o hindi nila maaring ipabatid sa iba. Binalingan ni Rika ang makulay na canvass. Magulo nga at masakit sa ulo ang dating noon. Kagaya nalang ng emosyong rumagasa sa kaniya kagabi matapos ang naging paghalik sa kanya ni Dylan—hindi lang ng isa o dalawa kundi apat na beses o mas higit pa! Hindi na rin niya nagawang bilangin ang mga mumunting halik na iginawad sa kanya ng lalaki dahil sa labis na pagkabigla. Rika was downright speechless. Kahit pa halukayin niya ang Mirriam Websters Dictionary ngayon, walang anumang salita ang makakapagdescribe sa nararamdaman niya dahil sa pagiging mapangahas ni Dylan! Her eyes keep on dilating everytime he places his quick enticing kisses on her lips! Hindi siya nito tinigilan hangga’t tila hindi ito kinapos ng hininga—lalo na siya! She should have done something—push him, slap him, bite him at any cost—anything! But she didn’t. Hinayaan niyang mamayani ang sensayong hatid ng mga halik na iyon ni Dylan sa kanyang buong katawan. She never thought kissing someone would give her this kind of rush! Kaya naman nang lumayo ito at bumuntong-hininga, pakiramdam niya ay kasamang naubos ang hangin sa katawan niya. The crazy part of her is protesting and wanted to remain close to the man’s enthralling warmth but the greater—and perhaps the saner— part of her tells her it is for the better! And so the wiser voice in her head prevailed as she let him break their distance apart.  “I’ll see you tomorrow. Ingat ka pauwi.” Tumatahip ang dibdib ni Rika hanggang sa makasakay siya sa elevator. Wala sa loob na napatingin siya sa kanyang repleksyon sa salaming nakapalibot sa loob noon. Her face is flushed down to her neck. A combination of panic and desire is present in her eyes while her rugged breathing escapes from her parted lips! Tinitigan niya ang kanyang mga labi. ‘Be careful not to step on a dangerous ground, Rika. Tandaan mo kung hanggang saan ka lang’,  pagkuwan ay paalala ng kanyang konsensya. Mabilis siyang lumulan sa taxi patungo sa kanilang art studio sa Makati. She’s been crowded with strange emotions and she has to find an outlet to release that. Napakurap si Rika nang muling luminaw sa kanyang paningin ang artwork na kanyang tinititigan. The exploding colors in the canvass resemble her emotions towards that kiss—shock, excitement and thrill! But the contrast of these colors also symbolizes her fear. Hindi tamang maramdaman ko `to! He doesn’t even know it’s me, he kissed last night! For crying out loud! Mabilis na ipinilig ni Rika ang kanyang ulo nang maramdaman niyang nag-iinit na naman ang pisngi niya. Kulang pa ata ang ginawa niyang paghithit sa pintura kagabi! Agad siyang nagtungo sa comfort room na nasa sulok ng malawak na working studio nila. Mabilis niyang hinilamusan ang kanyang mukha upang magising siya sa ‘katotohanan’. “Bakit nga pala nandito ka ng ganito kaaga? Anong nakain mo?” tanong ni Rika upang mabago ang usapan. Nang hindi umimik si Yuri ay niluwagan ni Rika ang pagbukas sa pinto ng banyo para masilip niya ito. Ngunit laking gulat niya nang makita ang dahilan ng pananahimik nito—may kausap pala ito sa cellphone… niya! “Hey! That’s mine!” “Di ko naman inaangkin `no!” “But you’re not supposed to take my call!” “Kanina pa kasi `to tumutunog kaya sinagot ko na. Hindi nakaregister ang number kaya tinanong ko kung sino. Si Dylan daw siya.” Halos liparin ni Rika ang distansya nila ni Yuri upang kunin dito ang cellphone niya. Binigay naman ito iyon agad sa kanya. Kayalang… “Ibinaba na niya. Tatawag nalang daw uli siya…” Nakahinga ng maluwag si Rika. Hindi pa rin kasi siya handang kausapin ang lalaki kahit sa cellphone lang. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang biglang paghalukipkip ni Yuri. She turned to her and met her scrutinizing gaze. “Hindi ko alam, ‘Riza’ na pala ang pangalan mo. At may ‘boyfriend’ ka na rin pala after ng break up niyo ng college-ex mo na sabi mo, siyang dahilan kaya hindi ka na ulit nag-jowa!” Napangiwi nalang si Rika. The latter part is not really true. Nasabi lang niya iyon noon upang tantanan na siya nito sa pangungulit tungkol sa bakante niyang lovelife. But it seems like, hindi niya madadaan sa pagpapalusot ang usaping ito ngayon. Mukhang mahabang paliwanagan ang aalmusalin nilang pareho dahil nasisiguro niyang hindi siya tatantanan ni Yuri hanggat hindi niya dito sinasabi ang totoo.   “PUMAYAG KANG MAGPANGGAP bilang kakambal mo at maging girlfriend ng college-crush mo for the entire weekend?!” gilalas na tanong ni Yuri sa kanya matapos niyang magkwento.      “Don’t make it sound like it’s a ridiculous matter, Yuri-chan.”      “I’m not making it sound like it’s a ridiculous matter. Because it really is! Do you honestly think that you could pull this off? You, being your twin?”      “Hanggang bukas lang naman eh. Besides, I survived it yesterday.” Almost!  “Don’t worry. Nagawa ko na `to dati. My twin and I used to ‘switch’ without anyone noticing it!”      “Bakit ba kailangan mong palaging pagbigyan ang mga pabor na hinihingi sayo ni Riza? Kahit `nung nasa Japan tayo, nagagawa kang bulabugin ng babaeng `yon para lang sa sarili niyang kapritso…”      Dalawang taon rin siyang nanatili sa Japan matapos niyang makapagtapos ng kolehiyo. Ipinadala siya doon, kasama ang ilang new-bred Filipino artists din na gaya niya upang doon mas hasain ang kakayahan nila sa sining. Doon niya nakilala si Yuri.      Masasabi niyang hindi naging maganda ang first impression ni Yuri kay Riza, dahil ito ang kasama niya noon nang bigla siyang kontakin ng kakambal niya para makipag-switch. Nasa Japan din noon si Riza dahil sa modelling stint nito.      “Huwag ka namang ganyan magsalita. Kapatid ko si Mariza, kakambal ko pa. Kung  mangangailangan siya ng tulong, responsibilidad kong ibigay iyon sa kanya. And vise versa.”      “Pati ba naman sa pagche-checkin niya sa hotel, responsibilidad mo rin?!”      Napangiwi si Rika. Karay-karay niya kasi si Yuri noong mag-check-in siya noon sa isang hotel bilang si ‘Riza’. Ito ang naging Japanese-translator niya.      “Matagal na `yon, Yuri-chan! Mag-move on ka na!”      Pumalatak ito. “I just don’t really understand what’s with that twin-obligation thing you have between each other. Kambal nga kayo, pero may kanya-kanya kayong buhay na dapat harapin mag-isa. I know for sure you could manage it by yourself. You’re too independent for your own good! But Riza? My God! When will she learn to stop depending on you? At ikaw naman, when will you stop prioritizing your sister?”      “I’m not prioritizing her.”      “Really? Kung ganoon, bakit sa tuwing bubulabugin ka niya dahil sa trabahong hindi niya kayang iwan, pinagbibigyan mo siya. As if naman wala kang sarili mong trabahong pinagkakaabalahan. Kailangan talaga palaging siya ang unahin? And her modelling career? Oo nga, sikat at pinagkakaguluhan siya. Pero sa mundo nating mga artist, isa ka rin naman sa hinahangaan ah! Mahalaga ka rin gaya niya! Can’t you see that?”      Kiming  natigilan si Rika. Hindi sa kinokontra niya ang assessment ng kaibigan, pero hindi din naman niya iyon sinasang-ayuan.      Ganoon nga ba? Am I prioritizing my sister that much, I’ve been blinded from my own worth?  But never did she resent doing her twin sister a favour. That’s what she used to do ever since they were young.      She automatically pushed away the hostility that starting to build up in her chest. Hindi tamang nag-iisip siya ng ganito para sa kay Riza. Magkapatid sila at magkakambal pa! Natural lang na magtulungan sila.  Or for this matter, siya ang tumulong dito.      “I know, you’re doubtful about this, Yuri. But really, you have nothing to worry about. I have everything under control.”      Yes, I have everything under control.  She mimicked herself. Relinquishing the tension she’s been having towards the thought of Dylan.  This is just a pretense. Nothing more. Nothing less.  At hanggang bukas lang naman ito…      Napabuntong-hininga si Yuri. “Fine. Sabi mo eh.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD