CHAPTER THREE

2581 Words
“WHY WOULD I LIE TO YOU? That’s ridiculous!” she said defensively. “You’re right.” Naging mas mataman ang pagtitig ni Dylan sa kanya. “What are you doing?” “You know, there may be something different about you now, but you look just as you are in the picture I have. With all the makep up and fancy dress.” “I don’t think so.  I’m not wearing any make up right now. So mas maganda ako sa picture.” “I beg to disagree. As I said, I like you better without make up. You’re much prettier.” “I don’t look as feminine as I always do,” she added. “True. But I think looking boyish is quite sexy, too,” he countered. “You don’t like the smell of my shampoo,” giit niya. “I didn’t say that,” natatawang sagot nito. “I could smell your hair all day!” “You couldn’t possibly do that!” “I could if you would let me,” mapanghamong tugon nito. “Stop that, Dylan.” “Stop what?” “You’re flattering me too much…” “Masama na bang i-compliment ang girlfriend ko?” Tila nalilibang na tanong nito. “No. But somehow, it feels like…you’re flirting with me.” “So? Nobody can stop me from flirting with you. Besides, naglalambing lang ako. “Bawal mag-PDA dito.” Mas lalong naging mapanudyo ang ngiti ng binata. “What PDA? Tinititigan lang naman kita. I’m not even kissing you yet…” he bluntly said.             “Don’t you dare kiss me in public!” “What’s wrong with me kissing you in public?” “T-That’s s-so… inappropriate!” s**t! Mapapasubo pa ata ako rito! Wala sa usapan ang halikan! Biglang napayuko si Dylan. Mukhang nadisappoint ito dahil sa naging reaction niya.  Kaya nagulat si Rika nang bigla nalang itong nagpakawala ng malakas na tawa. “B-Bakit ka tumatawa?” “That’s one thing that didn’t change about you, babe! You’re being conservative! Sa limang taon nating magboyfriend-girlfriend, ni minsan di pa ako nakalagpas sa second base…” Ano ba `yong second base?! Humalukipkip siya upang hindi nito mahalata na wala siyang ideya sa sinabi nito. “Disappointed?” “I could liquidate a company stock in a snap of my fingers if I’m not satisfied with its profit, but holding your hand so tight and kissing you as much would never disappoint me.” “And why is that?” “Because it’s not money I’ve invested in this relationship…” Pagkuwan ay yumuko ito saka bumulong sa tenga niya. “It’s my heart.”  Kung may sariling buhay lang siguro ang mga internal organs ni Rika, kanina pa iyon nagsipaglabasan sa katawan niya at nagsasayaw ng Samba! Kinikilig siya ng sobra! Kahit pa nga sabihing para kay Riza ang mga katagang binitawan ni Dylan sa kanya! God! Saan Po niya napulot ang mga pickup lines na `yon?!             “Now, you’re blushing. Nice.” Nakangiting pinisil ni Dylan ang pisngi niya. “You’re so cute, I want to kiss you right now!”             “I said no kissing!” “Kahit smack lang?” Pinatalim niya ang kanyang mga mata. He chuckled and let go of her cheek. “I get it! Well then, we better get going.”             Nauna nang nagtungo si Dylan sa elevator. Samantalang sinundan lang ito ng tingin ni Rika habang kipkip ang kanyang lumalagabog na dibdib. Getting physical to Dylan is a big no-no! Out of the question! Period! Ilang beses pa niyang kinatok ang noo niya upang tumimo iyon sa kukote niya, bago niya sinundan ang boyfriend niyang hilaw.    “HMM, NOT BAD…” naisaisip ni Dylan habang pinapasadahan ng tingin ang interior ng suite na nakuha niya.   Few months ago, may dinaluhan siyang business conference sampu ng iba pang mga CEOs at may-ari ng naglalaking kompanya na may kinalaman sa real estate, trading, textile, conglomerate at iba pa sa Melbourne. Doon niya nakilala ang kapwa may dugong Pinoy at panganay sa tatlong tagapagmana ng EMERALD chains of Leisure Hotel na si Riordan Ventura. Nang sabihin niya kay Riordan na uuwi siya sa Pilipinas ay ito mismo ang nag-offer na patuluyin siya sa ipinagmamalaki nitong hotel, na hindi na rin niya tinanggihan dahil liban sa accommodation ay may business dealings din silang kailangang pag-usapan. “So these are the perks of being rich!” Napalingon si Dylan sa gawi ni Riza nang marinig niya ang pagbulalas nito. Humalukipkip siya at sumandal sa hamba ng connecting door kung saan siya nakatayo at malayang pinanood ang babae. He can’t help but smile as he watched her appreciating the beauty of her sorroundings. Unti-unting nakita ni Dylan ang paghulas ng pagiging timid nito. She seemed genuinely amazed on the luxury of that room, as if it was her first time to see one.  But nevertheless, he found himself being captured by her innocence and sincere reactions. Nakikikita mo yan, Dylan? Namiss mo ang isang taon na makita ang magandang tanawing iyan. Ikaw naman kasi, bakit ka pumayag na i-eche-pwera ka niya ng isang taon? Sa totoo lang? Hindi niya rin alam. Pero ngayon na magkasama na uli sila, sisiguruhin niyang hindi na siya nito basta maisasantabi.   HINDI MAGKANDA-UGAGA si Rika sa pamumuri ng mga nakikita niya sa loob ng kwartong ino-okupa ni Dylan. Tila hindi pa sapat na sa eight-star hotel na kagaya ng EMERALD PALACE ito tumuloy, talagang sa hotel’s prime suite pa ito mamamalagi!  May living at bedroom area iyon na nahahati sa pamamagitan ng floor-to-ceiling glass wall. Ang mga kasangkapan sa paligid ay pawang mga mamahalin at sopistikado. She’s starting to understand now how wealthy Dylan came to be for the past years. “Amazing…” bulong niya.             “You’re doing it again,” wika ni Dylan. Nakapamulsa ang isang kamay nito, habang nakasandal ito sa connecting door.             “Doing what?”             “If you continue showing me that cute facial expression of yours, I might not be able to control myself.”             Nagsimulang maglakad si Dylan palapit sa kanya. Bigla siyang naging aware sa katotohanang sila lamang dalawa ng lalaki sa loob ng kwartong iyon. At kahit pa nagbibiro o tinutudyo lang siya ng lalaki, hindi pa rin maiwasan ni Rika na mag-isip ng hindi maganda.             “Jetlag lang `yan,” wika niya habang pasimpleng humahakbang palayo kay Dylan. “Ang mabuti pa, maiwan na muna kita para makapagpahinga ka na…”             Mabilis niya itong tinalikuran saka nagtungo sa may pinto. Ngunit hindi pa niya iyon nabubuksan ng husto ay kaagad din iyong lumapat sa pintuan dahil itinulak iyon ni Dylan.             “Where are you going?” tanong nito na nakatayo na sa likod niya. Hindi nagtangka si Rika na lingunin ito dahil alam niyang hindi ‘safe’ ang distansyang nakapagitan sa kanila ngayon ng lalaki.             “L-Lalabas na.” “Isang taon tayong hindi nagkita, pagkatapos iiwan mo lang ako dito mag-isa? You’re killing me with your coldness, babe…”             And you’re killing me with your utter hotness! Bakit baa ng hilig mong bumulong?! Pakiramdam ni Rika ay nagtayuan ang  mga balahibo niya sa likod matapos maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang punong-tenga. “You’re tired, Dylan. You need to rest.” “I don’t need to rest, babe. I just need you…” His voice became sultry and enticing as he started caressing her waist. Napalunok si Rika kasabay ng pagbundol ng kaba sa dibdib niya. Para ring may sirena ng ambulansya na umalingawngaw sa isip niya. Hindi siya naïve para hindi maintindihan ang ipinapahiwatig nito! SPG Alert! SPG Alert! Hindi niya na-anticipate ang ganitong eksena! Palibhasa sa kanyang isip, ang binatilyong si Dylan pa rin ang naiimagine niya—the gentle young Dylan. But the Dylan behind her right now is not a teenager anymore. He is a full grown-man, oozing with too much testosterone! A man with needs! And there’s no way she would go that far with her twin’s boyfriend!  Sorry sis! This isn’t what I signed for!   “Dylan. Ang totoo kasi niyan…” “Gotcha!” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rika nang marinig niya ang pagtawa ni Dylan sa kanyang likuran.  “H-Huh?” Maang na napalingon siya rito at nakita nga niya kung paanong halos mamaluktot na ito sa kakatawa.  “I told you, I won’t go beyond the second base. I’m just teasing you, babe.” Teasing? So meaning joke lang?  Talaga?!  Napabuga siya ng hangin. Doon niya napagtantong kanina pa pala niya pinipigilan ang kanyang paghinga. Nanghihinang napasandig siya sa pinto saka maang ding natawa. Hoo! Kamuntik na `kong mapaamin `don ah!   “I thought I will have a heart attack!” He turned to her with his eyes still shouting with amusement. “You don’t really think that I would force you into ‘that’, right?” “You sounded so damn serious! Please lang! Huwag mo na uulitin `yon! I know you’re a gentleman and you know my stand regarding ‘that’ matter, right?” “Of course. I respect you more than you can ever imagine, babe.” Kahit anong pilit ni Rika na iwasan ang matamang pagtitig nito ay hindi niya magawa dahil parang magnet na pinananatili nito ang mga tingin niya rito.  Aware siya sa kakaibang atmosphere na unti-unting bumabalot sa pagitan nila ni Dylan at alam niyang kaylangan siyang gumawa ng paraan upang pigilan iyon. “I think we had enough laugh for today. I better leave, para makapagpahinga ka…” Dagling nawala ang kapilyuhan sa mukha ni Dylan. And with that, he looks even more endearing to her eyes. “Can’t you just stay? I promise, I’ll behave. We just got together. It’s a torture to get separated with you again…”  “Arte! Kala mo naman isang dekada akong mawawala. Babalik din ako bukas.” “Bukas pa?!” He dramatically clasped his hand on his chest. “Oh, you’re really torturing me!” “Because I want you take a day’s rest. Alam kong hindi ka lang sa biyahe napagod kundi sa mga trabahong iniwan mo sa Australia.” Hindi na maipinta ang mukha ni Dylan dahil sa pagsimangot. Para itong batang nagmamaktol.   Pero in fairness, gwapo pa rin siya! Nilapitan niya ito upang amuhin just like what a real girlfriend would do. “I’ll come back tomorrow to help you with your luggages.” “You mean, babalik ka para lang sa mga ‘luggages’ ko? You’re my girlfriend. Not my attendant.”  What he said caught Rika by surprise and somehow made her realized his point. Siya ngayon si Riza, ang girlfriend nito na isang taon nitong hindi nakita. Kalabisan ba kung hihilingin ni Dylan na manatili siya kasama nito? Nope. Definitely not. Remember, ikaw si Riza… So start acting like Riza…   Pagkuwan ay lakas-loob na sinalubong ni Rika ang nangungusap na mga mata ng binata, saka itinaas ang isang kamay upang marahang haplusin ang nakasimangot nitong mukha. Yes, that’s what Riza would do at this moment. To be gentle and pleasing. “Fine, I’ll stay. I don’t want to leave you just yet anyway….”  “You do?”  “Yeah.” Agad kuminang ang mga mata ni Dylan. “I missed you so much, babe.” Ngumiti siya ng matamis. “I missed you… more.” She knew that that would be Riza’s standard answer. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang si ‘Rika’ ang sumagot at hindi si ‘Riza’.   NAMALAYAN NALANG NI RIKA na nakatulog siya nang magising siya.  Ngunit ayaw pa rin niyang idilat ang kanyang mga mata. Hindi na niya maalala kung kelan ang huling beses na nakatulog siya ng ganoon kakomportable. Siguro dahil di gaya ng nakasanayan niya, sa isang malabot at mabangong kama siya ngayon nakasandig imbis na sa napakatigas at amoy pinturang sahig ng studio niya. Madalas kasi siyang abutan ng antok sa pagpipinta, kaya sa huli’y sa sahig na siya nakakatulog.             Mayamaya’y naramdaman ni Rika ang bahagyang paggalaw ng kanyang kama, particularly ng unan niyang mahigpit niyang yakap. Na sinundan ng mahinang pag-ungol. Wait. Kelan pa natutong umungol ang kama’t unan niya?             Mabilis siyang nagdilat ng mga mata and she was instantly greeted by the most handsome face she has ever seen in her entire life! Nasa harapan niya si Dylan, or rather, nasa tabi niya ito. With her head resting on his broad chest that is! “Hi.” He smiled. “Did I wake you?” “N-No. Did I wake you?” “I’ve been awake for awhile now.” Rika felt more comfortable talking with him now. Nang magpasya siyang mananatili kasama ang lalaki ay naging busy sila sa pagku-kwentuhan. Ikinuwento nito sa kanya ang lahat ng mga naging business dealings and achievements nito sa nagdaang taon. Kasama na ang balitang may pinag-aaralan itong business venture sa Pilipinas na tinitingnan nitong malaking oportunidad upang mas mapadalas ang pag-uwi nito sa bansa. Nagkwento rin naman si Rika ng mga happenings sa buhay ni ‘Riza’ sa nagdaang taon. And to her surprise, alam na pala iyon ni Dylan! In fact, may pagkakataong mas alam pa nito ang detalye kesa sa kanya! He really is indeed updated to his girlfriend that much kaya sa huli’y pinili nalang niyang tapusin na ang kanilang ‘catching-up’. Mahirap na, baka mabuking pa siya dahil `don. Nang anyayahan siya nitong tumabi rito ay nagdalawang-isip siya. “What? I told you, I’ll behave…” sabi ni Dylan saka marahang tinapik ang espasyo sa tabi nito. “Come here.” Nameywang siya. “Siguraduhin mo lang ha?” “All I want is to share my bed and rest with the girlfriend I haven’t seen for a year. Is that too much to ask?” Hindi alam ni Rika kung nakokonsensya lang siya o sadyang magaling lang talagang magpaawa ang binata. Either way, she just found herself yielding to his charming and tempting way of ‘sharing his bed’ with her. Dahan-dahan siyang nahiga sa bahagi ng kamang in-offer ni Dylan sa kanya. “Comfy?” tanong ni Dylan matapos nitong ayusin ang unan niya. “Yep. Thanks!” Ito ang kauna-unahang beses na may nakatabi siyang lalaki maliban sa daddy niya. Surprisingly, Rika felt completely relaxed, not to mention, secured with Dylan lying beside her. Tinotoo kasi nito ang sinabi nitong magbe-behave ito. At bilang hindi naman siya naiilang, hindi niya namalayan na tuluyan na pala siyang napadikit at  napa-unan pa rito nang makatulog siya! “Sorry… hindi ka na ata nakatulog ng maayos dahil sa akin.” Aktong babangon na siya nang bigla siyang pinigilan ni Dylan. “Stay,” anito habang nakahawak sa kamay niya. Hindi niya alam na nakadantay na pala iyon sa dibdib ng binata! Erika Martinez, `yang kamay mo! Kung saan-saan gumagapang!  “Aayos lang ako ng higa. Baka nabibigatan ka na sa ulo ko.” “Do you hear me complaining? I love cuddling you, you know?” Pagkuwan ay naramdaman ni Rika na hinawakan ni Dylan ang ulo niya at ibinalik sa pagkakahiga sa dibdib nito. Hindi na siya nakataggi dahil ulo at kamay  na niya ang hawak nito. Besides, ano namang masama? Siya ngayon si Riza. Okay lang naman kung tatabihan at makipag-cuddle siya sa ‘boyfriend’ niya, diba? “Kanina ka pa ba gising?” Tanong ni Rika upang basagin ang katahimikan. “Actually, I didn’t sleep.” “What?!” gilalas na napatingin siya rito, careful to maintain enough space between their faces. “Bakit hindi ka natulog? Sabi mo, pagod ka?!”  “I  am tired. But watching you sleep made me feel recharged. Mapanood lang kitang matulog, napawi na ang pagod ko.” “Sigurado ka bang sa Australia ka galing?” “Yep. Why?” “Dito lang naman sa Pinas uso `yang ganyang klaseng pick-up lines eh!” “You don’t believe me?” nakakunot-noong tanong nito. “Bakit mo naman ako panonooring matulog? Ano ako, baby?” “A snoring baby, for that matter.” Nanlaki ang mga mata ni Rika. “I snore?!” “And salivate like a dog.” Tuluyan nang napabangon si Rika upang i-check ang damit ni Dylan!  Mabilis niyang kinapa ang damit ng binata. Medyo may lukot ang tela noon dahil sa kanyang pagkakahiga ngunit wala namang anumang bahid ng laway siyang nakikita! Pagkuwan ay  narinig niyang impit na tumawa si Dylan. “Just kidding!” Hinampas niya ang dibdib nito. “Haven’t you heard the saying, ‘Magibiro ka na sa lasiing, huwag lang sa bagong gising’?!” “One of the many Filipino lines. Yeah, I know…But what can I do? You’re so cute while you are soundlessly asleep on my chest. I need to do something…” “At naisip mong pag-tripan ako, ganon?” she snorted. Bumangon siya mula sa kama. Sinilip niya ang oras sa kanyang relos. It’s almost past five in the afternoon. Ala-una sila ng hapon nakarating sa hotel kanina. Napahaba pala ang tulog ko… “Mabuti na `yon kesa naman…” “Kesa naman ano?” “You have no idea how many times I’ve tried to kiss you.” “You’re kidding again, right?” “I’m not. I really tried to kiss you while you’re asleep. Pero pinipigilan ko. Because God knows that kissing isn’t just what I wanted to do.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD