Harissa's Pov
•Flashback•
Party....
"Hey! risa, come here papakilala ko sayo kapatid ko." Nakangiting aya sakin ni ghio.
Nandito ako ngayon sa party ni ghio, nag paparty daw sya dahil dumating ako galing U.S. Nahiya pa nga ako nung pagpasok ko ang daming tao at ang daming nakatingin sakin at ayoko ng ganun.
Lumapit kami sa isang table at napansin ko agad yung magandang babae. Sa tingin ko yun yung kapatid ni ghio kase hawig sila,e, ang simple lang ng suot nya. Naka white t-shirt lang sya at black pans, naka ponytail lang yung buhok nya pero kahit na ganun ang ganda nya pa din. Bagay na bagay sakanya.
Napansin kong namumula sya at nangangalu mata na. Siguro lasing na.
"Hey, uky, may papakilala ako sayo. Ito yung dahilan kung bakit nagpaparty ako." Sabi nya dun sa babae, di ako nag kamali yun nga yung kapatid nya.
Tumayo naman yung babae at pasuray-suray na lumapit sakin. Inilahad nya yung kamay nya sa harap ko.
"Hi, i'm uky, kapatid ako ni ghio, ikaw pala yung dahilan nitong party? thank you." Medyo hirap nyang sabi. Lasing na nga.
"I'm Harrisa Dutch, nice to meet you." Binitawan nya kaagad ang kamay ko pag katapos namin mag kamay. Bumalik sya sa kinauupuan nya at dumukdok sa lamesa.
Inaya na ako ni ghio para makipag usap sa ibang bisita. Hindi ko alam, pero di ko maiwasan tignan yung kapatid ni ghio, walang minutong di ko sya nililingon. Ang weird.
Syempre dahil party nga to, napainom din ako. Hindi ko na din napansin si uky nung magsimula na kaming mag inom dahil panay nila ako kinakausap at nung naparami nga yung inom ko, medyo nahihilo na ako. Nagpaalam ako sa mga kasama ko na mag c-cr lang ako.
Pag labas ko ng banyo, may narinig akong parang umiiyak. Medyo madilim sa sala nila ghio. Kinabahan ako dahil sa labas yung party walang tao dito sa loob bukod sakin. medyo natakot pa ko sa iyak na nadinig ko.
"Sino yan?" Tanong ko sa kawalan.
Sinundan ko ang iyak na naririnig ko.
Nag lakad ako papunta sa likod ng sofa at nakita kong may nakahiga doon. Mas malakas na iyak na ang naririnig ko. Dahan dahan akong lumapit dun sa umiiyak, lumuhod ako sa harap nya saka ko sya tinapik sa may balikat nya.
"Hey! are you okay?" Tanong ko sa kanya.
Nawindang naman yung buong pagkatao ko nang bigla sya bumangon at yumakap sakin.
"B-bakit nya kase ako iniwan? okay naman kami ah? ayos naman huhu!" Sabi nya habang nakayakap sa leeg ko at umiiyak.
Nilayo ko naman sya nang bahagya sakin at hinawi ko yung mga buhok na nakasabog sa muka nya. Saka ko inaninag yung muka nya, kinilala kung sino iyon. Dun ko napagtantong si uky pala iyon. Iba na kasi yung suot nya. Naka black t-shirt na sya at naka maiksing short.
"it's okay, uky." Yun lang yung nasabi ko.
Medyo natawa pa nga ako kase para syang bata umiyak.
Ang cute!
"Bakit ka tumatawa?!" Nagulat ako nang bigla nya kong sigawan.
"Wala naman ang cute mo lang umiyak."
"Cute? Anong cute sa pag iyak?" Sigaw nya ulit sakin.
Inayos ko naman yung upo nya at pinasandal sa likod ng sofa. Lasing na lasing sya.
"Para ka kasing bata umiyak haha!" Natatawa talaga ako sa itsura nya kase para talaga syang bata.
Nagulat naman ako nang lalo syang umiyak.
"Hey! joke lang sorry!" Nag aalalang sabi ko.
Medyo kumalma naman sya sa pag iyak kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papano.
Nakayuko nyang pinunasan yung mga luha nya sa muka saka sya humarap sakin.
Nagulat ako nang bigla nya kong halikan sa labi, hindi ako nakagalaw sa ginawa nya.
Bakit ang tamis?
"Sorry." Sabi nya pagbitaw nya sa labi ko.
Natulala ako sa ginawa nya, di ko alam kung bakit kusang gumalaw yung dalawa kong kamay at hinawakan ko sya sa dalawang pisngin nya, then i kiss her. Inaasahan kong itutulak nya ko pero hindi, nagulat pa ko nang nilabanan nya yung halik ko, hinawakan nya pa ko sa batok at pinalalim yung halikan naming dalawa.
Ilang sigundo ang lumipas ng mapagtanto kong mali yung ginagawa naming dalawa. Inilayo ko ang muka ko sakanya at tinignan sya sa muka.
"I-im sorry uky." Paumanhin ko sa kanya.
Wala naman akong nadinig na sagot mula sa kanya kaya tinayo ko sya at inakbay yung isang braso nya sakin. Dinala ko sya sa isang mahabang sofa para ihiga ng ayos doon. Nung nasiguro kong ayos na yung higa nya, inayos ko lang saglit yung sarili ko saka ako lumabas ng bahay nila ghio na parang walang nangyari.
Di ko alam kung tulog na sya pero nahihiya na kase ako sakanya kaya lumabas nalang ako agad. Binalot ako ng hiya.
Bumalik ako sa table namin nila ghio, nag taka naman sila kung bakit daw ang tagal ko, sinabi ko nalang na sumakit yung tyan ko nung nasa cr ako kaya medyo natagalan ako. Naniwala naman sila sakin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
•End of flashback•
Hanggang ngayon nagtataka ako kung bakit nya ginawa yun, dala lang siguro ng imosyon nya yun o sobrang lasing lang talaga sya.
Medyo nakahinga ako ng maluwag kanina kase hindi na ako naaalala ni uky.
Hyssss!
Nandito kami sa sala nila ghio. Pinag-uusapan namin ni ghio yung gagawin namin computer shop na ipapatayo namin. Habang si uky at yung kasama nyang babae, nilalantakan na yung cup cakes na dala ko at yung pagkaing dala ata nung babae.
Hindi ko mapigilan lingunin si uky, ang cute nya kasing kumain, inaamoy nya muna kase yung pagkain bago nya isubo hahaha! Parang aso.
"Hey, risa, nakikinig kaba sakin?" Napalingon ako sa gulat ng biglang magsalita sa tabi ko ghio.
"Ahm, ano nga ulit yun?" Tanong ko sa kanya kasi wala akong nadinig sa sinabi nya kanina.
"Kung anong upuan kako yung okay sa shop." Mahinahong sabi nya.
"Hmm? depende sa budget." Tangging sagot ko sakanya dahil di ako makapag isip ng ayos ngayon lalo na't nandito si uky. Hindi ko alam kung bat nagkakaganto ako.
Nag focus ako sa pinag uusapan namin ni ghio nililingon ko pa din naman sila uky pero mabilis na sulyap lang.
Nang matapos namin ni ghio yung mga plano namin para sa shop, nag paalam nako agad kay ghio na uuwi na ako dahil medyo madilim na din.
Pinaalala nya lang sakin yung mga gagawin pa namin sa susunod na araw, pagkatapos kong mag paalam kay ghio saka ako lumapit kala uky na abala sa panonood ng Tv.
"Uky, uwi nako." Napalingon naman sila sakin ng bigla akong mag salita.
"Uuwi kana?" Tanong sakin ni uky.
"Oo e, pagabi na din kase baka mapagalitan ako." Paliwanag ko.
"Hatid na kita sa may gate." Medyo nabigla ako sa sinabi nya pero tumango parin ako.
Tumayo sya sa sofa at nagpatiunang sakin.
Hindi ko mapigilan titigan ang likod ni uky.
Ang sexy nya pala.
Sabi ko sa isip ko nang makita ko yung katawan nya mula sa likod.
Pigilan mo sarili mo harrisa!!
***
Pakisabi nalang yung mga mali ko.