Uky's pov.
Ang weird lang ng pakiramdam ko dahil medyo nalungkot ako nung sinabi ni harrisa na uuwi na sya.
Tumayo agad ako at nangunang pumunta sakanya sa pintuan para pagbuksan sya.
Nag prisinta ako na ihahatid ko sya sa gate dahil may itatanong din ako.
'Bakit di ko naman maalalang pinakilala sya ni kuya sakin?'
Nung nakalabas na sya ay sumunod na agad ako sakanya, tumalikod ako para isara yung pinto pero pag harap ko sakanya medyo malayo na sya sakin kaya tumakbo ako papalapit sakanya.
"Hey wait! May itatanong pa ko sayo!" Sigaw ko sa kanya.
Huminto naman sya at nakangiting humarap sakin.
"Ow, sorry!" Hinintay nya pa kong makalapit sakanya saka sya ulit nag salita. "Ano namang itatanong mo?" nakangiti paring tanong nya.
"Pinakilala ka ba talaga ni kuya sakin non? Di ko kase natatandaan e" Nagpatuloy naman sya sa paglalakad kaya sumunod naman agad ako.
"Pinakilala ka nya sakin. Kaya siguro hindi mo natatandaan dahil nga lasing ka na ata non haha!" Parang kabadong sagot nya sakin.
"Sobrang lasing na ata ako nun kaya hindi ko na maalala haha!" natatawang sabi ko.
"Sobrang lasing ka na talaga kaya hahaha!"
natigilan at napatitig ako sa muka nya nang tumawa siya.
Holy cow!
"Hey, okay ka lang?" Tanong sakin ni harrisa, napansin nya atang nawalan ako ng imik.
"A-ah ha-ha oo okay lang ako hehe." Pagsisinungaling ko sa kanya.
Fuck! ano bang nangyayari sakin?! s**t!
"Sige, uwi nako" Nakangiting paalam nya sa akin.
Di ko napansing nandito na pala kami sa gate.
"Ahmm, sige bye?" Patanong na paalam ko.
"Sige bye!" Kumaway pa sya at ngumiti saakin bago sya mag lakad papunta sa kotse nya.
Tumalikod na ako nang makalapit sya sa kotse nya. Babalik na sana ako sa loob ng bahay ng bigla syang bumusina, nilingon ko naman ang kotse nya at nakita kong nakabukas ang bintana nya.
"Bye! see you again" nakangiting palaam nya.
"S-sige bye!" Nakangiti ding paalam ko.
Hinawakan ko ang parte ng dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko, ang bilis bilis ng t***k ng puso ko parang nakipag habulan ako sa aso.
*****
Harrisa's POV
Nakikita ko si uky sa side mirror ng kotse ko nakatayo parin sya sa harap ng gate nila habang nakahawak sa dibdib nya.
Anyare dun?
Weird.
Nag tuloy nalang ako sa pag mamaneho para makauwi narin agad. Medyo napagod ako sa ginawa namin ni ghio kanina.
Agad din naman akong nakarating sa bahay bagondumilim. Nasa sasakyan palang ako nakita ko na agad ang pag mumuka ng pangit kong kapatid.
"Hey little sis!" Nakangising tawag nya sakin.
"Wag ngayon kuya pagod ako."
"Fine! Pumasok ka na oh! Kumain kana ba mahal kong kapatid?" Sakrastikong tanong sakin ni kuya. Binuksan nya ang pinto at yumuko nang dumaan ako sa harao nya.
Parang tanga.
"Oo, kumain na ako." Tangging sagot ko.
Hindi ko na pinansin ang iba pang sinabi sakin ni kuya. Umakyat na kaagad ako para pumunta sa kwarto ko.
Inaantok na ako! Haysss!
Pagkapasok ko sa kwarto ko agad akong humiga sa kama ko.
Hindi na muna ako mag papalit, mamaya nalang pag nagising ako.
Pagkapikit ko, mukha agad ni uky ang nakita ko, naalala ko yung itsura nya habang kumakain.
Haha! Ang cute nya.
Naalala ko din yung pag halik nya sakin at kung gano kalambot ang labi nya.
Ugh!
Napangiti ako sa mga naalala ko.
Nag isip-isip pa ko saglit, maya-maya lang nakatulog na din ako.
Uky's POV
11 pm na pero dilat padin ako, iniisip ko kase yung kanina.
Lumabas ako ng kwarto ko para uminom sana sa kusina. Pababa palang ako ng hagdan ng makita kong maliwanag sa sala, parang bukas yung TV. dumaan muna ko sa sala para tignan kung sino ang nandoon, nakita ko si kuya na nakahiga sa sofa, napatingin sya sa gawin ko, narinig nya ata ang mga yabag ko.
"Oh, bakit gising ka pa uky?" Tanong ni kuya sa akin.
"Di ako makatulog kuya."
"Bakit ka naman nandito?" Tanong nya sa akin.
"Nauhaw ako, e, kaya bumaba ako para uminom. Nakita kong parang nakabukas ang TV kaya tinignan ko." Mahabang sagot ko kay kuya.
"Ah sige na uminom ka na tapos umakyat ka na ulit."
"Sige kuya." Patalikod na sana ako ng mapansin kong nakapatong yung cellphone ni kuya sa center table.
"Ahm kuya pweding pahiram ng cp mo? May titignan lang ako, lowbat kase cp ko e." Paalam ko kay kuya.
Ang sinungaling ko wahhh!
Kinuha ni kuya ghio yung cellphone nya at inangat sa ere para iabot sa akin, nakangitingakong lumapit sakanya at kinuha ang cp nya.
"Thanks kuya!" Nakangiting pasalamat ko.
Nag punta na ako sa kusina para uminom at para makuha ko na din ang cellphone number ni harrisa.
Ano ba tong ginagawa ko? Hay bahala na.
Uminom lang ako saglit saka ko nilabas ko yung cellphone ko at hinanap sa phonebook ni kuya ang number ni harrisa para isave sa cp ko.
Nang makuha ko na, agad akong lumabas sa kusina at pumunta sa sala para ibalik kay kuya yung cellphone nya.
Nagpaalam na ako kay kuya na matutulog na ako. Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko.
Nilabas ko yung cellphone ko.
Ano kaya una kong itetext?
Tanong ko sa sarili ko.
To:Harrisa.
Hi!
Ang iksi naman pag hi lang.
Clear...
Kamusta? Uky to!
Baduy!
Clear...
Hey! Uky the cute to hihi gising ka pa ba?
Buburahin ko sana yung tinaype ko dahil kabaduyan lang naman pero imbis na mabura na send ko iyon.
Message send.
Holy cowwwww!!
"Nakakahiya!" Sinabunutan ko yung sarili ko dahil sa katangahang nagawa ko.
Lord help me!
Sana tulog na sya!
Pero kahit tulog na sya ngayon, mababasa nya parin bukas yun wahhhh!
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din tumutunog yung cellphone ko.
Medyo nakakahinga na ako ng maluwag dahil walang sumagot sa text ko pero biglang tumunog ang cellphone ko kaya nakibigla ko.
Malakas at sunod-sunod na tumutunog ang cellphone ko sinyales na may tumatawag sa akin.
Nakapikit ako habang inaabot ang cellphone ko, dahan -dahan kong minulat ang mga mata ko at tinignan ang screen kung sino ang tumatawag sakin.
Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong di si harrisa ang tumatawag sa akin kung di ang bestfriend ko.
Sinagot ko ang tawag at saka tinapat sa tenga ko.
"Oh hello?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Wrong call sorry hahaha!" Malakas na tawa ng beatfriend ko.
"Punyeta ka!" Agad kong pinatay ang tawag at mahinang binato ang cellphone sa tabi ko.
Bwisit!
*Beep* tumunog muli ang cellphone ko pero sa pagkakataong ito text lang yun.
Kinuha ko ang cellphone at tinignan sa screen kung sino ang nag text.
Holy cow!!
---
A/N:Sabihin nyo kung may mali please lang po HAHA