Nasa parking lot na ako at naghihintay na daanan nina Lourd. Talagang walang naging problema sa kanya ang in-offer ko. Magiging bodyguard 2.0 ako sa kanya. Hindi naman naging matagal ang paghihintay ko dahil nandito na sila. Binuksan ko ang pinto sa passenger seat sa tabi ni Drac sa harap. “You’re sitting there?” aniya na nasa backseat. “Oo, bakit?” “Dito ka,” maawtoridad niyang wika tukoy sa tabi niya. Tiningnan ko si Drac at nakangiti lang ito. O-kay? Nagtataka man ay sinara ko ang pinto at binuksan ang nasa likod at sumakay. “How’s your sleep?” Kung sisimulan nya ako nang ganito sa araw-araw, hindi malabong mangyari ang kinakakatakutan ni Redson. Alanganin akong tumango. “Hmm…okay naman.” “Nakatulog ka nang maayos sa sala? Why don’t

