Chapter 2

2260 Words
Ilang ulit kong tiningnan ang sarili sa salamin. Suot ko ang itim na fitted sports bra, pinatungan ko ito ng puting loose na sando na 'yong pa ekis ang strap sa likod. Kaya kita pa rin ang sports bra kong suot. Kapares nito sa baba ay ang itim na leggings saka lumang running shoes. Karamihan sa sinusuot ko araw-araw eh galing sa patahian ni Tiyang. “Magja-jogging ka?” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Red sa likod ko. Tiningnan niya ang oras sa wall clock naming maya't-maya namamatay. Kailangan pang kalampagin para gumana ulit. “Eh mag-aalas otso na. Makakasalubong mo 'yong iba, pauwi na.” “Sshh! Tumahimik ka nga Pula! Parte 'to ng pinatatrabaho ni Tiyang,” sabi ko habang inaayos ang strap sa likod na nagkabaliktaran. “Ayusin mo nga' tong strap ng bra ko,” utos ko sa kanya. Nakikita kasi. Walang pag-alinlangan niya naman itong inayos. Wala naman akong problema kay Redson eh. Mabait, walang malisya sa katawan, palabiro nga lang at mapang-asar. Nang ayos na ang sarili ay nagpaalam na ako sa kanila. Outfit lang ito, hindi ako tatakbo. Pumara ako ng pedicab sa kanto. Para makagawa ng sariling daan, kailangan ko pa ring sumakay ng pedicab. Ang laki naman ng role ng pedicab sa buhay ko. Kung pinasa ko lang ang itong buhay ko sa MMK, episode title nito pedicab eh. Bumaba ako sa coffee shop kung saan dumadaan si Lourd pagkatapos mag-jogging at bumibili ng kape. Hindi rin ako bibili, pang-pedicab lang dala kong pera. Sa ilang araw namang pagsunud-sunuran ko kay Lourd e alam ko na ang routine niya araw-araw. Papasok n asana ako ng coffee shop nang mabasa ko ang nakapaskil sa standee ng shop nila sa harap. Naghahanap sila ng cashier. Matagal ko iyong tinitigan. Minsan gusto ko ring pasukin ang mga trabahong ganito. Nakapag-apply naman ako ng trabaho dati, ‘yong mga tumatanggap ng high school graduate. Naging saleslady ako sa isang bookstore, pero mga isang buwan lang ang itinagal ko. Parang nahihilo ako kapag napapalibutan ng libro. Naging taga-bantay rin ako ng internet café dati, doon nakatagal ako ng isang taon. Okay naman sana ang trabaho ko roon kaso may mga grupo ng kabataan na masyadong maangas, sinaway ko lang dahil sa sobrang ingay hanggang sa magkainitan na. At ako namang hindi nagpapaapi ay pinatulan ko, kaya ayun tanggal sa trabaho. Hindi man lang ako binigyan ng may-ari ng isa pang pagkakataon. Hindi rin talaga ako nagtatagal sa mga matitinong trabaho, ang tagal ng sahuran. Kailangan ko pang maghintay ng kinsenas at katapusan. Okay na rin itong gawain namin, bilis at lakas ng loob lang ang kailangan. Pumasok na ako sa loob ng coffee shop. Nilibot ko ang mata, wala pa siya. Napagpasyahan kong magtanong muna tungkol sa hiring nila kaya lumapit ako sa cashier. “Miss, may nakuha na ba kayong cashier?” “Wala pa po eh, interesado po kayo? Magpasa lang po kayo ng resume.” “Kailan ang sahuran niyo?” “Every 15 days po.” “Pwede bang malaman kung magkano?” “8,000 po per month, bale 4,000 natatanggap namin bi-weekly.” “Ah okay okay, salamat.” “Sige, magpasa ka lang ah kung interesado ka. Nangangailangan talaga kami eh, wala akong ka-shift sa duty.” Nakangiting tumango-tango na lamang ako. Okay rin naman siya kasi kinsenas at saka malaki na rin ang apat na libo. Pero kasi ang apat na libong ‘yon, kaya ko ‘yong madilihensya sa isang araw. Sobra-sobra pa. Naghanap na lamang ako ng bakanteng mauupuan. May tumayong babae at lumabas na, agad akong umupo sa mesang inalisan niya. Dumekwatro pa ako at hinawakan ang cup na iniwan ng babae. Kunwari, ako ‘yong nag-order. Akala ko isang storya na naman ito ng boring na paghihintay ngunit hindi pa man umiinit ang puwit ko kakaupo eh nakita ko ng pumasok ang isang Lourd Patriarda. Umupo siya sa high stool, nakaharap siya sa labas, malapit lang sa entrance. Iyong bodyguard niya na ang um-order sa kanya. 'Bakit ka nandiyan, nyeta paano kita eeksenahan mamaya? Lumipat ka! Lumipat ka, mainit diyan! Hindi na 'yan Vitamin D!' Mainit naman talaga sa kinauupuan niya, doon tumatama ang araw. Masakit na sa balat 'yong init, wala ng vitamins sa ganitong oras. Hindi nakatulong 'yong kurtinang parang kawayan na maliliit. Parang narinig niya yata ang hiling ko sa isipan. Lumipat siya sa isa sa mga ordinaryo at mababang mesa. Dalawang mesa nalang ang pagitan namin. Hinintay kong dumating ang order niya. Nag-uusap usap lang sila ng bodyguard niya. Ano pa kayang pinag-uusapan nila kung araw-araw oras-oras silang magkasama? Sa susunod niyan, magkakapalit na sila ng mukha o mas malala nagka-inlove-an na sila dahil sa lalim ng relasyon at pagkilala nila sa isa't-isa. Kung titingnan naman itong si Lourd. Napakamasayahing tao. Never ko pa nakitang seryoso ito eh. Palaging nakangiting kita-gilagid. Minsan na ngang kinukutya na ng mga kasosyo ng ama sa harap din ng ama dahil sa pagiging sunud-sunuran, todo ngiti pa rin. Parang walang problema sa buhay. Walang problema sa buhay pero parang sa pag-iisip mayroon. Kung hindi lang siya gwapo at mayaman, mukha na siyang tanga. Pakiramdam ko siya 'yong taong aasarin mo pero ngingiti pa rin. Sa huli, ikaw na 'yong badtrip dahil 'di man lang siya tinablan ng asar mo. Napakafree-spirited. Naks, English' yon. Noong isang araw sinalubong niya ang ama niya sa labas ng building ng Patriarch Homes. 'Nandito lang ako sa gilid ng entrance ng Patriarch Homes building. Nasa mismong entrance din si Lourd at hinihintay ang tatay niyang makababa sa sasakyan. Pero base sa magkasalubong na kilay ni Mr. Patriarda ay galit ito. May sinasabi ito sa nasa likuran niyang assistant secretary. Nakayuko lang ang sekretarya habang pinagsasalitaan. Baka iyon ang dahilan ng kabadtripan ng tatay niya. Nakita kong nakabusangot siyang binalingan ng ama ngunit sinalubong niya na pa rin ito ng ngiti at binati. Tinanguan lang siya ng ama. Nang mag-umpisa nang maglakad si Mr. Patriarda papasok, ang sekretarya naman ang kinausap niya. “Good morning, did you have breakfast?” dinig ko sa pagtanong niya. Kanya-kanyang umiwas ng tingin ang mga bodyguard sa kanya. Ang sekretarya nama'y pilit siyang nginitian at pumasok na sa loob kasunod kay Mr. Patriarda. Napailing-iling ako rito sa gilid. Ramdam ko ang bigat ng pagkailang sa kanila kahit nasa malayo lang ako. Kitang napagalitan 'yong tao. Tsk. Tsk. Walang pakiramdam.' Ayun, balik sa kape. Sa tantya ko'y hindi na masyadong mainit ang kape niya kaya tumayo na ako at hinawakan ang puting tuwalyang nakasabit sa leeg ko. Props. Hindi naman ako pinawisan sa pagsakay sa pedicab. Pinaglaruan ko ang tuwalya. Hinihimas-himas ko ang tuwalya mula sa gitna hanggang sa dulo saka itatapon ito sa ere. Simadya kong ilakas ang paghampas ng dulo nito nang papalapit na ako sa kanila. Pero imbis na sa ere, ang kape niya ang lumipad sa ere. “What the!” Agad siyang tumayo, umatras kaya naapakan niya ang paa ko. Ampucha! Ang sakit ng paa ko! Anak ng! Tangina naman oh. “Sir!” Napatayo na rin ang bodyguard. Nabuhos sa shorts niya ang kaunting kape. Puti pa naman. Humihingi ako ng pasensya sa labandera niyo. Pero sigurado akong itatapon mo rin naman ito. Itinakip ko ang dalawang kamay sa bibig, tila nagulat. “Hala, sorry! Pasensya na, hindi ko sinasadya.” Sa ganitong sitwasyong naapakan niya rin ang paa ko, hindi na dapat ako magso-sorry. Pero tuloy ang plano, Zamora. Mamaya mo na alalahanin kung maayos pa ba ang kuko mo o baog na. Inagaw ko ang tissue na itinakbo kanina ng bodyguard sa counter. Akmang ipupunas niya ito pero ako na ang gumawa. “Ow ow it's okay Miss, let me wipe it.” Dahil sa shorts niya nabuhos, itinigil ko na. Baka may sensitibong parte pa akong masagi na magiging sanhi ng pagka-rated SPG nitong storya. Imagine, kung 'yong bodyguard ang nagpunas. Aw, ang awkward niyon. Baka rito pa mabuo ang lovestory nila. “Pasensya na talaga. Kasalanan ko,'di ako nag-iisip,” pagsusumamo ko pa. Pinag-isipan ko ang lahat ng 'to, di ko lang naisali sa plano ang pamimilipit sa sakit ng hinlalaki sa paa ko ngayon. “It's okay. It's just an accident.” Pero okay na rin. Napangiti ako sa isipan. Unang pagkikita, accidentally, checked. Umuwi ako sa bahay na pasipol-sipol. “Hanep, pasipol-sipol. Okay ba lakad natin, ha?” salubong ni Red. Ginalaw-galaw niya pa ang kilay. “Ayos na ayos. Nakapagkape na ba kayo? Penge ngang kape. Ginutom ako roon sa amoy sa coffee shop.” “Zenon, bigyan ng kape ang 'yong mahal na kapatid,” utos niya sa kapatid ko. Tahimik namang nagtimpla si Zenon. “Nasaan si Gracia? Isa talaga siyang grasya. Salamat sa kanya, nagkaroon ako ng plano at umayon naman ang lahat.” Umupo ako sa mahabang kahoy na upuan. Itinaas ko ang kaliwang paa at hinubad ang sapatos. Namumula 'yong hinlalaki ko. Tangina Lourd. Ito pa, kada magmumura ako kasama ng pangalan niya. Pakiramdam ko minus points ako sa langit. “Umayon nga sa plano, pero parang baog naman itong kuko ko,” sabi ko at hinimas-himas ito. “Bakit napano 'yan?” tanong ni Red. “Naapakan ni Lourd. Ang sakit nga eh.” “Ano ba nangyari?” “Ah basta, nakagawa na ako ng hakbang,” sabi ko na lamang dahil tinatamad na akong magkwento. “Bakit? Naglabas na ba ng kayamanan sa'yo si Lourd Patriarda?” Umiling-iling ako. “Hindi pa, pero sigurado ako once makilala niya na ako madali nalang 'to.” Tinuro niya ang utak. “Mahina ba?” Nagkibit-balikat ako. “Hmm, basta magiging madali nalang 'to.” “Ikaw pa ba.” Tumayo na siya at tinapik ako sa balikat.  “Sige, alis muna ako.” “Sige —” “Ah, may gusto ka ba?” Palabas na sana siya ng pinto pero bumalik pa. “Gusto? Gusto kong magkapera, meron ka na ba? 'Yong kaya ng buhayin pati apo ko sa tuhod. Pero kung hanggang anak lang 'yan, no thanks.” “Ito naman, ibig kong sabihin. May gusto ka bang ipabili, pagkain o ano?” Unti-unting namuo ang ngiti sa labi niya. “Pinadalhan na ako ni mommy ng pera.” “Mommy? Nakilala mo na mommy mo?” “Mommy Bebs,” aniya at kinindatan ako. “Hinay-hinay ka Redson, baka sa susunod na araw, aayain ka na sa hotel niyan,” ako naman ang nang-asar sa kanya. “Mahaba pa ang listahan ko ng rason.” Umiiling akong natatawa. “Sige, uwian mo nalang ako ng pizza sa Bobs, tagal ko ng hindi nakakain niyon.” “Request granted, madam. Sige, alis na ako,” aniya saka tuluyan ng lumabas ng pinto. Pagkatapos ko magkape at mag-agahan, bumuo na naman ako ng plano para sa ikalawang pagkikita na tatawagin niyang coincidence. Bago ito, aalamin ko muna ang destinasyon niya mamayang gabi. Suot ang itim na leggings at sapatos ko kaninang umaga, pinalitan ko lang ang pang-itaas ko. Bago pa makababa si Lourd sa sasakyan ay nauna na akong pumasok dito sa Smart and Healthy Lifestyle Fitness Center. Gym session ang ganap niya ngayong gabi, base sa pagsunud-sunuran ko sa kanya kanina. Kanya-kanyang pagpapawis ang mga tao. Walang pakialam kung sino ang mga lumalabas at pumapasok. Karamihan lalaki, may iilang babae. Pagkapasok ay iba-ibang mukha na agad ang nakita ko. May mga determinado at seryoso. May ibang pa-cool, pa-suave, masyadong pa-show off. May iba namang nagmi-mirror selfie lang. Pagkatapos kargahin 'yong weights at pigilan ang hininga, eh ibabagsak din at saka magse-cellphone na. At ako na ang lakas ng loob na pumasok dito. First time ko rito. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko bang mag-weightlifting dito kahit magkabilang 2 pounds lang ang bigat. Kakayanin ko pa sa treadmill, eh takbo-takbo lang naman 'yan, pero' di ko alam paano pagaganahin 'yon eh. Baka unang paandar ko, mabilis ang takbo, mapahiya pa ako. Inisa-isa kong muli ang iba-ibang klase ng tao rito sa gym. Iniisip ko pa sa aling klase ako makikisali. Pwede naman do'n sa mga nagfe-feeling lang at selfie lang ang punta dito. 'Yon lang naman ang kaya kong gawin. Nakarinig ako ng tikhim sa likod ko. “Uhm, excuse me miss.” “Ay.” Tumabi ako. Kanina pa pala ako nakaharang sa entrance kakatingin sa loob at kakaisip kung anong gagawin. Nilingon ko ang nagsalita para sana humingi ng sorry. “Sorry —” “Miss...” Tinuro niya ako tila inaalala. “You're the woman in the coffee shop kaninang umaga. Am I right?” Nilingon niya pa ang bodyguard niya. “Diba siya 'yon?” “Oo sir, siya nga.” “Bago ka ba rito? Ngayon lang kita nakita rito,” tanong niya habang nilampasan ako para makaalis sa pagkakaharang din sa entrance. Napakamot ako sa batok. “Ah oo, ni-recommend sa akin 'to ng kaibigan ko eh.” “What a coincidence. That's good. Did your friend recommend a trainer too?” Kailangan bang may trainer dito? “Wala, wala. Subok pa lang naman itong akin, titingnan ko pa kung mapapangatawanan ko 'tong pagwo-work out.” 'Galingan mo ang linyahan, Zamora.' Hindi ito 'yong pinaplano kong coincidence, pero go with the flow nalang. “I assume you are alone. I can accompany you.” “T-talaga?” Putek, may pautal-utal pa. Hoo! Ang galing ko talaga. “Yes.” Naglakad na siya kaya sumunod na lamang ako. “I'm Lourd by the way, you are?” “Sam,” sagot ko at tinanggap ang pakikipagkamay niya. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD