Hindi ko pinapansin si De Lara dahil sa ginawa nya kanina! Kinausap nya talaga ng Landlady! Nagkagulo tuloy sa boarding house kanina!
Tumawag nga agad si Kuya pero gaya ni De Lara galit rin sya dahil bakit doon kami sa poso maliligo! Kababae naming tao! May mga lalaking tenants rin.
Though rational naman ang galit nila! Sumang-ayon pa nga ang mga babaeng tenants sa galit nya eh pero iwan! Inis ako kay De Lara. Bahala sya sa buhay nya.
"So ganito, Salvador, Papa De Lara and me, kami ang mag m-make ng script! E t-theater way natin ang pag present para maganda" Ani ng bakla.
Tumango na lang ako sa suggestion nya. Though, next next week pa namin e p-present yong place na napili namin, prepare na prepare sila para raw makabawi sila sa quizz nilang bagsak. Agree naman ako dahil bagsak rin ako.
"Hey..." Tawag pansin sa akin ni De Lara. Hindi ko sya pinansin. Bahala sya!
Actually kanina pa sya ganyan ng ganyan! Binabaliwala ko lang talaga.
Nakakainis kasi sya eh! Baka palayasin ako bigla sa boarding house ko! Napamahal na ako ako sa lugar na yon eh.
He sigh heavily.
"Tapos...si Ateng maldita! Ikaw ang committee! Sa mga sasali sa theater, you can freely insult them kung pangit okay?" Instruct na naman ng bakla na para bang sya ang leader.
"And about our custome...Mag m-malong lang tayo, then black t-shirt...okay ba?" Tanong ni Santiago. We nod.
"And add on...dapat nakapaa lang ang lahat during our theater play" Ani ng bakla.
After our meeting, nagsilabasan kaagad kami ng classroom dahil sa 4th floor ang sunod na klase namin.
Hindi ko hinintay si De Lara. Pumunta na lang ako ng cateen para bumili ng bananaque...Mamayang 10:00 pa naman ang sunod kong klase at 9:30 pa lang.
"Aloha" tawag sa akin ni De Lara.
First name basis na pala kami ngayon! Hindi ako na inform! Kakainis talaga.
"Hey" aniya at humarang sa dinadaanan ko. I sigh at maglakad sana pakaliwa nang humarang din sya.
"Hey, I'm sorry, is just that...I did that for your safety" mahinahon nyang paliwanag.
"Thank you" malamig kong sabi. Naghahanap pa rin ng madadaanan pero palagi nya akong hinaharangan.
"Hey, why are you mad?...Okay, I'm sorry for the scene earlier..."
"Okay lang" Ani ko. Cutting him off.
He sigh heavily. Pipihit na sana ako patalikod ng bigla nya akong hinatak sa kung saan.
"Hoy! Ano ba!" Inis kong sabi pero hinila nya pa rin ako. Nagpupumiglas pa ako pero hindi nya ako pinakawalan.
When we arrived at the Garden na ginawa nang mga biologist club. Tyaka nya ako binatawan! Bubulyawan ko na sana nang bigla nya akong niyakap.
Nabigla naman ako sa inasta nya! My heart is beating so fast! Hindi ko alam ang gagawin! Kung itutulak ko ba sya o hindi!
"I'm sorry...I'm sorry kung nagkagulo kanina...I just really don't like...shit! I'm sorry...I'm so sorry...Pansinin mo na ako please...Ang hirap...please" he pleaded.
Hindi ako nakapagsalita! Na mental block ang isip ko dahil sa ginawa nya!
Wala naman syang kasalanan, even Kuya agree on what he did! Nainis lang talaga ako sa kanya dahil sya ang dahilan kung bakit nagkagulo.
Hindi nya ako pinakawalan sa yakap nya! I composed myself and gather all myself!
"O-okay...okay lang talaga" mahina at nauutal ko pang sabi.
Naramdaman kong umiling sya at humigpit ang yakap sa akin kaya napalunok ako.
"I'm really sorry" He sincerely said. I sigh heavily!
Parang nagsisi na ako sa inasta ko kanina! What did I do para magkaganito sya?
"Hmmm...Okay lang talaga" Ani ko. Seryoso na ngayon at hinaplos ang likod nya.
Unti-unti, pinakawalan nya ako sa yakap nya. Namumungay pa nya akong tinignan kaya umiwas ako ng tingin!
Oh my goodness! Sisingsisi na tuloy ako sa hindi pagpansin sa kanya.
"Hey, Papansinin mo na ako?" May lambing nyang sabi. I cleared my throat and look at him. I smile a little.
"Nakakainis ka kasi eh!" Parang bata kong sabi. His eyes glisten.
"Hmmm?" Malambing nyang respond kaya parang may humaplos sa puso ko.
Lord! Ayoko na!
"Alam mo yon? Nakakahiya kaya!" Reklamo ko.
"I'm sorry...I just find it-"
"Pag ako pinalayas doon dahil sa ginawa mo! Lagot ka talaga sa akin!" Banta ko. He laughed.
"Then will find another or...Doon ka na sa pad ko?" May lambing talaga sa boses nya kaya hindi ako maka diritso ng tingin sa kanya.
"Asa ka! Anyway! Bakit dito mo ako dinala! Alam mo naman yong mga biologist club mga war freak yon! Pag may namatay ditong tanim tayo pa sisihin!" Lintaya ko. He laughed.
"Hmmm...Want to go somewhere?" Nakangiti nyang sabi. Napasimangot naman ako.
"Malapit na mag 10:00! class na natin!" Ani ko at nagmartsa na dahil hindi ko na talaga kaya.
"She's back" bulong nya. Lihim naman akong napangiti.
Ang sarap pala...Ang sarap pala sa pakiramdam na may susuyo sayo kahit mali ang pagtatampo mo!
I am glad that I meet someone like him!
Wala kasing nakakatagal sa ganon kong ugali! Kahit ang parents ko, si Kuya, mga kaibigan ko, magagalit talaga sa akin at kung anu-anong lumabas sa bibig nila na masasakit na salita dahil sa ugali kong yon.
But his different, sya pa ang nagsorry, sya pa ang nag effort para maayos kami.
"Papunta ka na sana ng cafeteria kanina right?" He asked and held the small of my back to guide me.
Nasanay na ako na ganya sya! Nakikita siguro nyang tatanga-tanga ako kaya palagi syang naka-guide sa likod ko.
"Oo! Bibili ng bananaque tapos hinarang-harangan mo" nakanguso kong sabi. He laughed.
"Let's buy your bananaque then" may tuwa sa boses nya.
"Pero ako magbabayad!" Ani ko. 10 pesos lang naman.
Simula nong palagi na syang sumasabay sa akin? Hindi na nagagalaw ang allowance ko dahil sya ang magbabayad ng lahat.
"No-"
"Ako na!" Ani ko. He stared at me a little longer before he nod.
Masaya tuloy akong bumili ng bananaque! Nga lang bumili pa sya ng softdrinks, makikipagtalo pa sana ako pero sabi nya ako na daw nagbayad ng bananaque.
"Baka e band ka don sa boarding house ko" ani ko na naman. Hindi talaga naka move on kanina.
He laughed.
"Then I will buy that boarding house..." Mayabang nyang sabi. Kinurot ko tuloy ang braso dahil sa kahanginan nya. He laughed.
Tuwang-tuwa talaga.
"Ang yabang!" Ani ko.
"I have my own money...Anyway...Gusto mong mag invest?" Offer nya. Napasimangot naman ako.
Wala nga akong ka pera-pera tapos invest? Akala siguro ng lalaking to ang dami-dami kong pera.
"Ayoko! Wala akong pera..." tanggi ko.
"Papahiramin kita then-"
"Ayokong my utang" putol ko.
"Then bibigyan kita-"
"Ayoko rin! Ang pangit sa pakiramdam na hindi ko pinaghirapan ang perang ginamit ko...Ayoko!" Ani ko at umiling-iling.
"Wow, so I offer you a..." Ani nya. Napataas tuloy ako ng kilay.
"Ano?" I asked.
"Part time job-"
"Hindi ako papayagan ni Kuya sa mga ganyan" pagputol ko sa kanya. Napataas sya ng kilay.
"You have a Kuya?" Tanong nya. Proud akong tumango.
"Yup! Alam mo ba! Nakakainis yong Kuya kong yon!" Pagkukwento ko.
"Ah-huh...Watch you step" aniya nang papaakyat na kami. I nod.
"Hmmm...Kasi dahil sa kanya, hindi ako nagka boyfriend!" Nakasimangot kong sabi. He laughed.
"I should say thank you to your kuya then" natatawa nyang sabi kaya hinampas ko sa braso.
"Ang sama ng ugali mo!" Nakanguso kong sabi.
"When can I meet your kuya?" He said teasingly. Taka ko naman syang tinignan.
"Gusto mong maupakan?" I asked. He smirked.
"I'm good at fighting-...aw!" Inda nya dahil kinurot ko ulit. Ang yabang-yabang kasi.
"Bakit ang kulit mo ngayon?" Kunot noo kong tanong.
"I am always like this" Nakangisi nyang sabi. Inismiran ko sya.
"Hindi ah! Ang seryoso mo kaya tapos ang tahimik!" Ani ko. He raised his brow.
"So you see me?" Nakangisi nyang sabi. Napakunot naman ang noo ko.
"Ano ako bulag?" I asked. He laughed.
Nang nakapasok na kami sa classroom. Tumahimik na ang tokmol, walang emosyon nang umuupo sa upuan nya.
"Your always like that daw" Ani ko sa kanya habang umuupo. He just laughed.
Seryoso akong nakikinig sa klase kahit wala akong naiintindihan, sabi kasi ng Prof. Namin na mag q-quizz raw.
"Get 1/4 sheet of paper" The professor said as soon as he indeed his lessoned.
"Wala akong naintindihan" bulong ko talaga sa sarili.
Yong isang kaibigan ni De Lara tumawa kaya napatingin ako sa kanya.
"Same bruh" natatawa nyang sabi sa akin. Napangiwi ako.
"Same! Same! Ang laki nga ng score nyo nong nakaraan!" Hinanakit kong sabi.
"Dude! Wala sa talino yan! Nasa diskarte" mayabang nyang sabi.
"Anong dude!? Mukha ba akong lalaki?..."
"Aloha..."agaw ni De Lara sa atensyon ko kaya napabaling ako sa kanya.
"Hmmm?" Ani ko.
"You have paper?" Seryoso nyang tanong.
"Yup! 1/4 lang naman, Hati na lang tayo...pakopya!" Nakangiti kong sabi. He chuckled.
"No problem" mayabang nyang sabi. Namilog ang mata ko sa narinig.
"Ang hangin mo ngayong araw" Ani ko. He just laughed.
Truth to be told, sya ang source ng mga answer namin, ang gugulo nga ng mga kaibigan nya! Dahil kapag hindi ko papansinin, maninipa ng upuan o di kaya kukunin ang papel ko kaya pagkatapos ng quizz, putak talaga ng putak ang bibig ko.
"Your so slow!" Reklamo ni Anderwon na bestfriend ni De Lara.
"Anong so slow, so slow! Hello! Baka makita tayo ni ma'am!" Inis ko ring sabi.
"Hindi yan! Don't you trust me?"
"Wala!..."
"You..."
"That's enough" saway sa amin ni De Lara.
Natahimik naman kaming dalawa pero masama pa rin ang tingin namin sa isat-isa!
"Bruh!" Saway ni De Lara.
"Tss"
"Hmpt!"
"Let's go" ani ni De Lara.
Sya pa ang nag bitbit ng bag ko at hinawakan pa ang siko ko dahil hindi talaga ako tumayo.
We decided to eat in Aling Selya Karenderya! Gusto ko sanang doon sa boarding house pero fresh pa yong nangyari kaninang umaga.
"Mag bestfriend nga kayo! Ang sasama ng ugali!" Lintaya ko talaga.
Kanina pa ako putak ng putak dahil sa kaibigan nya. Sya naman sagot ng sagot sa akin! Na kesho pagpsensyahan mo na lang daw dahil sira daw ang ulo non.
"Hmmm...what do you want to eat?" Aniya. I sigh heavily.
"Kahit ano!" Ani ko nang nakasimangot. "Ayoko ng katabi yong bestfriend mo! Baka magka world war talaga!" Lintaya ko na naman.
He laughed.
"This is new..." iling-iling nyang sabi at nag order ng kakainin namin. Naghanap na lang ako ng mesa.
Ang feeling naman nong bestfriend nya! Mukha na ngang pinaglihi sa espasol! Ang sama sama pa ng ugali.
Gwapo din naman yon! Pero mas gwapo si De Lara!
"You really mad at him?" Natatawa nyang sabi.
"Sinipa-sipa ang chair ko tapos hinahablot ang paper ko! Hirap na hirap na nga akong mangopya sayo dahil ang pangit ng penmanship mo tapos estorbo pa sya ng estorbo" reklamo ko.
Buong kain! Putak pa rin ako ng putak. Tawa rin ng tawa si De Lara.
Kung hindi pa ako dinala sa Mall ni De Lara dahil 4:00 pa class namin. Hindi ako tatahimik.
"We will just watch" hikayat nya. I shook my head.
Paano ba naman kasi! Yong panonoorin namin sa senilehan! Horror! Napakamatatakutin ko kaya!
"Ito na lang oh! Power!power! Wag lang yang horror! Ako lang mag isa sa boarding house ko!" Naiiyak kong sabi.
Actually excited na akong makapasok sa loob dahil first time kong manood ng sene! Pero nawala lahat ng excitement ko nang tinuro nya ang horror movie.
"Okay...I will just pay then you? You want to eat something?" Aniya.
"Ako na bibili!" Ani ko agad. He smile and nod.Masaya naman akong bumili ng pop corn at coke!
Pagkapasok namin sa loob, agad akong nilamig kaya pinili namin umupo malayo sa aircon.
Manghang-mangha ako sa lahat! This is my first time! Gusto kong mag selfie pero nakakahiya kay De Lara!
Nang mag simula ang movie. Napakunot ang noo ko dahil parang may mali pero hindi ako kumibo, kain lang ako ng kain ng pop corn.
"In Jesus name!" Tili ko nang biglang namatay ang isang lalaki, ginilitan ng ulo.
I looked at De Lara sharply pero ang tokmol focus na focus lang.
Gusto ko syang bulyawan dahil yong horror talaga ang pinanood namin pero dahil takot na takot ako. Nagtatago na lang ako sa braso ni De Lara, hindi na nakakain ng pop corn.
"Your cold?" Casual nyang sabi habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa biceps nya.
Hindi ako sumagot dahil nakasilip ako sa screen! Baka lalabas na naman yong nagmumulto.
De Lara sigh at pina-ikot ang kamay nya sa balikat ko at hinahaplos yon...dahil sa init ng kamay nya, na bawas-bawasan ang lamig ko. At dahil sa takot, yong awkwardness at kalabog nang puso ko, hindi ko maramdaman.
Pagkalabas namin ng scenehan. Pinaghahampas ko si De Lara. Tawa lang sya ng tawa.
Ang bully talaga!
"Pag ako hindi makatulog mamaya! Papatulugin mo talaga ako!" Inis kong sabi. He smirked.
"My pleasure...aw!" Inda nya sa hampas ko na para bang nasaktan sya dahil parang iba ang nasa isip dahil sa way ng pagkasabi nya.
Dahil 3:00 pa lang. Kumain na lang muna kami ng ice cream at naglibot-libot! Tuloy nakabili sya ng shirt! Terno kami!
Ayoko sanang taggapin dahil ang mahal pero mapilit sya eh!
"No class tomorrow!wants to be with us?" Tanong nya nang pabalik na kami sa school.
"Us?" I asked.
"My friends..." Aniya.
"Saan?"
"Bar...Ughmm...No Nevermind.."
"Sasama ako!" Putol ko sa kanya.
Gustong-gusto kong maka experience pumasok sa club! Hindi kasi ako pinapayagan before dahil ayaw ni mama.
"No Bab-...I mean, No Aloha...You better stay at your boarding house" seryoso nyang sabi. I pursued my lips.
"Siguro kaya ayaw mo akong dalhin kasi may babae ka dadalhin no?" I accused.
May karapatan Aloha?May karapatan? Ang kapal kapal talaga ng mukha kong mag accused ng ganyan.
"Ofcourse not..." Aniya.
"Sasama ako! Kaya ko namang uminom then na miss ko na ring sumayaw-sayaw" Excited kong sabi.
Thanks to my friends na tinuruan akong uminom at pumunta sa disco! Nga lang! Bantay sarado kay Kuya dahil sasamahan talaga ako.
"You what?" Kunot noo nyang sabi.
Matinding pilitan pa ang naganap but in the end! Nakasama pa rin ako kinabukasan. Nga lang nagtanong pa ako kina Jenia, Arsina at Rehena kung anong susuotin!
Buti na lang may malapit na nagbibinta ng dress! Spaghetti strap lang sya tapos all black then heels! Yon kasi ang instructions ng tatlo.
They even guided me to my make up.
Tuloy! Na f-feel ko na dalaga na ako.
"Hi!" Masaya kong bati pagka sundo sa akin ni Zioniel.
Laglag ang panga nya akong tinignan kaya nag-init ang pisngi ko and ofcourse him, as always so handsome pero ngayon naka long sleeve sya, naka bukas ang tatlong butones kaya makikita mo talaga ang dibdib nyang halatang ang sarap higaan.
"H-hey...pangit ba?" Kabago kong sabi. He gulped and shook his head.
"Damn, I will keep my eyes to you for tonight" aniya.
De Lara as one word person, he acted so possessive on me nang pumasok na kami sa bar.
Nong una naiingayan at nababahuan ako pero habang tumatagal nasasanay na ako lalo pa nong hinamon ako ng bestfriend ni De Larang uminom.
"f**k! Lasing na atah ako" I heard him mumbled when the clock strike 10:00. I smirked.
Ako rin naman nahihilo na dahil kung anu-ano na lang ang iniinom naming dalawa. Sinusuway nga kami ni De Larang iritado na pero makulit pa rin kami.
"Ano? Ang yabang...yabang mo kasi! Akala mo uurungan kita?" Mayabang kong sabi.
"f**k! I need to breathe" ani ng tokmol. Pipigilan ko na sana pero hinila ako ni De Lara sa tabi nya.
"Let's go home!" Madiin nyang sabi. I shook my head and smile at tinuro ang dance floor.
"Pleasee...Dance tayo...t-tapos uwi na tayo..." Parang bata kong sabi.
"No!" Matigas nyang sabi. I pouted and give him a puppy eyes. He sigh heavily at wala ng magawa.
We dance. Hindi ko na alam ang mga ginagawa ko o anong move ang sinayaw ko! Basta masaya ako.
This is the freedom I am talking about! This is life.
"Aloha...We better go home" I shook my head at pinalibot ang kamay ko sa leeg nya at nilapit pa ang sarili sa kanya.
"No...tinakot mo ako kahapon...ayoko" Lasing kong sabi. He sigh at bumaba ang mata sa labi ko.
I smile! At dahil wala na sa sarili. Pinagdikit ko ang labi naming dalawa.
Naramdaman ko namang natigilan sya at lumuwag kunti ang pagkakahawak sa baywang ko. I smile.
Dinampi ko lang naman! Hindi ako marunong humalik!
"Sowey!" Lasing kong sabi at lalayo na sana para sumayaw ulit nang hinatak nya ako pabalik. And this time, he is the one kissing me so passionately.
Napapikit ako dahil sa halik nya but when something is building up in my tummy, ako na ang lumayo at hinawakan ang bibig ko.
"I'm sorry..."
"Nasusuka..." yon lang ang nasabi ko at tinakpan uli ang bibig. He's eyes widen in fraction ay hinatak ako kung saan.
Suka ako ng suka habang si De Lara ay hinahaplos ang likod ko. Gusto kong mahiya pero sa naramdaman ko ngayon? Wala na akong pakialam.
Naiyak na lang ako dahil parang nililipad ang kaluluwa ko! At pakiramdam ko, nakalutang ako at umiikot-ikot.
"Z-zioniel..." mahina kong tawag kahit naramdaman kong pinunasan nya bibig ko.
"Hmmm?" Mahinahon nyang ani at buhok ko na naman ang inayos.
"Nahihilo ako...Gusto kong...mahiga" mahina kong sabi at hinawakan ang ulo ko.
"Hmmm...Yeah baby, I will just clean you up"
Lasing na lasing talaga ako dahil kung anu-ano na lang ang narinig ko!
Ako? Baby nya?
Wow!
"Baby mo ko?" Lasing kong tanong at yumakap sa kanya, sinandal ang ulo sa dibdib nya dahil hilong-hilo na ako
"Ofcourse...My stubborn baby" He said huskily. Naramdaman ko pang humalik sya sa noo ko bago ako binuhay.
I smile on what he did.