"Ikaw na ang leader!" Baklang Steven said. I glared at him.
"Ayoko nga! Hindi ko kaya! Ikaw na lang" inis kong sabi.
"Ikaw na lang dahil sumusunod sayo lahat dahil officer ka, pwede mong dalhin sa DSA office agad kapag nagmaldita"
"Ayoko nga" Pakikipagtalo ko talaga.
My grouping kasi kami sa History. We need to represent a certain place! Like their beliefs, the way they dress, their culture, their language.
Dahil kailangan ng maraming tao, hinati na lang kami. Sa left side, sila ang group one, then since sa right side kami, kami ang group 2.
"Ako na lang!" Presenta ni Santiago. Agad naman akong nag agree.
"Hindi pwede! Ayoko sa mga unfair na tao!" Inis na sabi ng bakla.
"Ano ba kayo! Pati leader pinag-aawayan nyo! We consume so much time choosing our leader than to discuss which place we will going to present!" Madiing sabi ng kaklase naming mukhang naiiritah na.
"Duh! Ang arte kasi ni Salvador eh" pansisi sa akin ng bakla. Napaayos tuloy ako ng tayo
"Eh kasi-"
"She cannot manage, she still have duties in the office after class" biglang salita ni De Lara na kanina pa tahimik sa tabi ko. Well tahimik naman talaga to kapag nandito sa classroom o public places, pa mysterious effect to eh.
"Here comes the night in shining hotdog" I heard Baklang Steven said.
"Your so immature! Tama ang sinabi ni De Lara, nagpapatunay lang talaga na selfish ka" Ani ng isa na naman naming kaklase.
"Whatever bitch...sige ako na lang ang leader" annonsyo nya.
"No! It's better kung si Santiago na lang" our other classmate pointed Santiago.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakaligtas ako sa responsibilidad!
Habang nagtatalo sila, hinanap ko ang phone kong kanina ko pa hinahanap! Hindi ko alam kong saan ko nilagay.
"Nakita mo phone ko?" I asked De Lara. He looked at me.
"Nasa kotse. Your so paranoid kanina dahil akala mo late na, nakalimutan mo tuloy ang ibang gamit mo" aniya. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Sige tangahan mo pa Aloha.
Sinundo nya kasi ako sa boarding house kanina. Nakakahiya nga dahil bumaba akong sabog! Kakagising lang...nakalimutan ko kasing mag alarm kaya hindi ako maagang nagising and thanks to him, hindi ako na late.
"Bakit hindi mo dinala?" Ani ko.
"Muntik ka ng madapa kaya nagmadali rin ako" aniya. Napatango-tango na lang ako.
Simula nong kumain kami sa Street food at kumain ng sabay sa dinner parang yong walls na nasa pagitan namin, nagiba!
Were genuine to each other, wala ng awkwardness, nga lang, Matatahimik ako kapag bumabanat sya na nakakapagpabilis ng t***k ng puso ko.
"Nakakatamad naman" I mumbled at humahalukipkip. Tinitignan ang mga ka grupo kong nagkakagulo kong anong place ang pipiliin namin.
"You can use my phone" aniya at nilahad sa akin. I glance at him and shook my head.
"Maglalaro lang naman, pampawala ng boredom" Ani ko.
"You can download" aniya.
Dahil wala naman akong ambag sa grupo. Kinuha ko na lang ang phone nya at nag download ng Mobile legend...maraming load ang mokong...Rich kid thing.
"My account still in that game...trust me" aniya na nakadungaw pala sa akin.
"Naglalaro ka rin pala nito?" I asked. He nod.
"Yeah...I deleted that a long time ago in my phone. Sa MAC ako naglalaro nyan" aniya. Tumango naman ako.
Yaman-yaman talaga! Ang daming gadgets! Ang mamahalin pa. Sana all.
"Log out ko na lang" Ani ko. He nod.
"You play online games huh?" Aniya habang tinitignan ang mga tinitipa ko. I laughed.
"Yan lang libangan ko nong bakasyon" Ani ko. He laughed na para bang may nakakatawa.
"Hoy! Tulong tulong naman rito! May sariling mundo eh!" Saway sa amin ng bakla. I just laughed. Wala naman akong ma suggest dahil hindi ko bet ang history kahit nong high school pa.
"Taray nito! Iwan ko sayong babae ka!" Masungit nyang sabi.
De Lara cooperate them habang ako naglalaro ng ML.
Ang gandang laruin dito sa phone ni De Lara! Hindi loading, at hindi hang! Hindi kagaya ng phone kong nakakainis! Kung kailang mag C-Clash na! Mag l-loading!
Nang mag dismiss, hindi pa ako natapos kakalaro kaya umupo muna ako saglit.
"Aren't you done?" Mahinahong sabi ni De Lara at tumabi sa akin. Tinitignan ang phone.
"Malapit na" Ani ko. He laughed.
"Malapit ng ma defeat" pang-aasar nya.
"Hindi yan! Tignan mo pag full na ang item ko!" Confident kong sabi.
"Bruh! Una na lang kami?"
"As if naman sasama sa atin yan"
"Paano yong tryout natin sa basketball? Gago! Kailangan yan don!"
Napatingin naman ako kay De Lara sa narinig but he just looking at my phone. Ang isang kamay nasa likod ng upuan ko habang ang isa nakatukod sa mesa.
"Hey, mag t-try out ka?" Tanong ko.
"Later" aniya. Kumunot naman ang noo ko.
"Anong later? Ano ka VIP? Go na! Tatapusin ko lang to tapos susunod ako!" Pangtataboy ko sa kanya.
"I won't, I know your just using a reverse card" aniya. I shook my head.
"Hindi ah! Baka hindi ka makasali, magsisi ka pa! Go na okay lang ako rito" Ani ko.
"Yon naman pala bossing eh!"
"Dude! Traumatized?"
"f**k you!"
"f**k you too!...Anyway, Salvador-"
"Gago yon ah!" Bigla kong nasabi dahil namatay ang hero ko.
They laughed kaya taka ko silang inagatan ng tingin. Laglag ang panga ng isang kaibigan ni De Lara! Ang iba naman ay nagtatawanan.
I looked De Lara, confused. He laugh and stood up, tinapik nya pa yong kaibigan nyang hindi makapaniwala na nakatingin sa akin.
"She's playing bro!" Natatawa nyang sabi. Lito ko naman silang tinignan.
"Bakit?" Inosente ko pang sabi. They laughed kaya kumunot ang noo ko.
"Bruh, she's...She's..."
"Don't say it loud, I might punch you!" Nakangiting sabi ni De Lara pero maramdaman mo talagang seryoso.
"Tss"
"Let's go! We're late"
"I can..."
"No"
"But..."
"Umalis na kayo, late na kayo" Ani ko. Nabaling tuloy ang atensyon ni De Lara sa akin.
"I will not..."
"Susunod ako. Go na" Ani ko.
Nagpilitan pa kaming dalawa but in the end, sumama na rin sya specially may tumawag na sa kanila na taga kabilang department.
"Bruh, she's different"
"Don't compare!"
"Yeah but I see that if it well, maybe healty relationship that you wish for, might come to you, she's so understandable though minura nya ako"
"That's amusing cause before his girl flirted you"
"Damn you bro! Naghiwalay nga kami ng girlfriend ko dahil doon but gladly binalikan ako"
"Well, I like her for you man...She's not toxic"
"She will never be"
"Damn! Proud na proud pa!"
Napangiwi na lang ako sa mga naririnig sa kanila.
Pagkatapos kong maglaro. Pinuno ko ng selfie ko ang phone ni De Lara! Balak ko nga e full storage pero hindi nagtagumpay ang plano ko dahil mukhang ang daming storage ng phone nya.
"Ang mamahalin pala nitong phone nya" I mumbled.
Selfie pa rin ako ng selfie, hoping na ma full storage talaga! Pero hindi eh. Ako na lang ang napagod.
Dahil sa pagkaaliw ko sa phone ni De Lara specially ang ganda ng camera at ang ganda na ng filter hindi na ako nakasunod sa kanya sa gym! Nanatili lang ako sa classroom!
Napatalon ako bigla ng biglang nag vibrate ang phone nya at nag pop up ang isang pangalan...
David's Calling
Nalilito pa ako kung sasagutin ko o hindi pero in the end, hindi ko sinagot, hindi sa akin tong phone baka magalit si De Lara.
David:
Hey, It's me Zioniel...
He messaged. Napa ahh! Naman ako at mag r-replay sana ng tumawag ulit.
[ Where are you? I didn't see you here...We're done ]
"Nasa classroom pa rin...ano...tinatamad akong pumunta dyan eh" Ani ko at pagak na tumawa.
Napakasinungaling ko! Pinuno ko lang naman ang gallery nya ng mukha ko.
[ What?...Alright, ako na ang pupunta dyan ] aniya.
"Nakuha ba kayo?" I asked.
[ Tomorrow pa ang result ]
[ Bruh! Tumatagal ka na sa phone ko! ]
[ just wait ]
[ May phone ka naman! Yon gamitin mo! ]
[ She's using my phone ]
[ Wow! May label bro? ]
[ f**k you!]
And then I heard laughing. Napakagat na lang ako ng labi at pinatay ang tawag.
Ang gugulo nilang magkakaibigan! Kung anu-ano pang lumalabas sa bibig.
Naghintay lang ako kay De Lara sa classroom. Nagkunwari na lang akong naglalaro. Sa brawl lang naman para ma end ko kaagad pagkarating nya.
Maya-Maya pa. I heard a foot step kaya napaangat ako ng tingin.
Napakurap-kurap pa ako ng nakita si De Larang naka jersey, naka sapatos, at pinagpapawisan.
He's so hot! Kung gwapo sya sa officer naming uniform! Mas double ang ka gwapohan nya ngayon.
"Your just playing here?" He asked at pinasadahan ang buhok nya sa harap ko.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin at wala sa sarili kong kinuha ang panyo ko at binigay sa kanya.
"Mag punas ka...baka magkasakit ka" hindi tumitingin kong sabi. He chuckled at ramdam kong kinuha nya ang panyo ko.
Nagdaan ang ilang sigundo nang hindi sya nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin.
"I'm wiping my sweat" aniya. Napatango-tango naman ako at patagong bumuntong hininga.
"Tara na!" Ani ko at nilahad ang phone nya.
Ayoko na rito! Ang gwapo gwapo at hot nya ngayong naka basketball attire sya! Hindi ko kaya.
"Just hold that for me for awhile...Punta muna tayo sa locker...I'll change" aniya. Tumango na lang ako. Walang sinabi.
Tahimik ako nang naglakad kami patungo sa locker nya. Pinupuna nga nya pero sinabi ko na lang na ganito ako kapag gutom!
Sa totoo lang! Manghang-mangha ako sa kanya ngayon! Ang gwapo nya! Bagay na bagay sa kanya ang jersey nya! Pumuputok pa ang biceps at mga muscle nya! Jusko naman!
"I'll change...doon ka muna" aniya at tinuro ang bench. I nod. Kumunot ang noo nya at tinignan ako ng mabuti pero tumalikod na ako at umupo sa bench.
Shit! Ang gwapo nya ngayon! Sisingsisi tuloy ako kung bakit hindi ako pumunta kanina sa laro nila! Tuloy na bigla pa ako sa purmahan nya.
Para umayos ang systema ko. Pinikit ko ang mata ko at humahukipkip.
Umayos ka Aloha! Ikaw ang nagdala sa sarili mo sa ganitong sitwasyon tapos ganyan ang behavior mo ngayon? Ang kapal mo naman!
I breathe in and breathe out!
I really need to calm myself. Sure akong nagtataka na si De Lara sa pananahimik ko.
Dinadama ko lang ang paligid, hinahayaan ang hangin na pakalmahin ang systema ko.
"Hey" I heard De Laras voice kaya napamulat ang mata ko. I sigh heavily nang nakita ko ang promahan nyang sanay kong makita sa kanya.
"Are you okay?" Seryoso nyang tanong. I nod.
"Oo, ganito talaga ako kapag gutom na" pagsisinungaling ko.
"Right, sa Boarding house mo?" He asked. I nod.
Yon ang napag-usapan namin eh and he insisted na bibili sya ng letchon manok. Pinigilan ko nga pero ang kulit nya talagang nilalang.
"Phone mo" ani ko at binigay sa kanya.
Kumunot pa ang noo nya at nagtitipa ng kung ano.
"I didn't get any calls or message...What happen to her?" Mahinang sabi nya. Nakagat ko na lang ang labi ko.
"Tara na! Gutom na talaga ako" Ani ko na lang.
Bumili muna kami ng ulam bago kami umuwi sa boarding house ko. At kahit nakapagbihis na sya, tahimik pa rin ako, ina-absorb talaga ng systema ko ang nakita.
"Kukuha lang ako ng plates sa taas" Ani ko.
"Can I help?" He offer. I shook my head.
"Bawal eh...nasa rules yan dito...ako na lang" Ani ko. He nod.
"I understand" aniya.
Tinampal ko ang ulo ko pagkapasok ko sa kwarto ko!
Anong attitude yon Aloha!? Siraulo ka ba!?
Sya naman kasi! Ang gwapo-gwapo at hot nya tignan ng naka jersey! Nabibigla lang ako dahil first time ko syang nakitang ganon.
Nang makalma ko ang sarili ko, kinuha ko ang rice cooker, dalawang basa, dalang baso.
"Ay tanga!" Ani ko dahil hindi ko na pala madadala.
Una kong dinala ang rice cooker at mga Plato.
"De Lara, paki-kuha please" Ani ko. He looked up to me. Busy kasi sya sa kakatingin sa phone nya.
"Right" aniya at kinuha ang dala ko. Aga kong binalikan ang tubig at mga baso bago bumaba.
Sana lang talaga walang mag report kina Mama or Kuya nito kung hindi patay talaga ako.
"What did you do to my phone?" Aniya na may ngiti sa labi at pinakita ang gallery nya.
"Hindi ako yan" tanggi ko at nagsandok ng kanin.
"Three hundred and fifty eight new photos...Wow! So that's the reason why kaya hindi ka nakapunta kanina huh" he conclude kaya napanguso ako.
"Pasa mo na lang sa akin" Ani ko at ngumiti. Sinimangutan nya ako.
"I won't" aniya.
"Ang damot! Mukha mo? Mukha?" Pakikipagtalo ko.
"Your phone? Your phone?" Aniya rin, ginaya ako. I scoffed at kumain na lang dahil ang sarap ng ulam namin.
He continue teasing me about my pictures! E p-post nya raw sa social media account nya pero hindi ko sineryoso! Ang iiwan ng mga picture ko eh tapos dudumihan nya ng mukha ko? Tss...
Pero nang nagpapahinga na lang kami...Naghihintay na lang ng oras ng klase....nakita ko na lang ang latest post nya sa IG at f*******:! May caption pang 'she murdered my phone' ang kapal ng mukha.
"Hoy! Burahin mo toh!" Angal ko at pinakita ang phone ko pero hindi nya ako pinapansin, naglalaro lang ng ML gamit ang account ko.
"De Lara!" Inis kong sabi.
"Sayang. Marami ng reaction" aniya.
"Nakakahiya kaya! Ano ba yan!" Reklamo ko. He just laughed kaya niyogyog ko braso nya pero instead na magalit natawa na lang sya.
"Bahala ka sa buhay mo!" Ani ko at nagkunwaring nagtatampo pero wala ring effect dahil tinawanan nya lang ako.
Hindi ko na lang sya kinulit! Kalaunan naman siguro buburahin nya yon! Abnormal yan eh!
"Ang tagal mag 2:30...1:00 pa lang" humihikab kong sabi.
Nakaka bored kasi kapag walang klase, ang sarap umuwi sa bahay.
Antok na antok ako habang nilalaro ang phone ko. Napansin ako ni De Lara kaya nilagay nya ang ulo ko sa braso nya, pinasandal ako.
Dahil inaantok na talaga ako at ilang araw na akong puyat kaya nakatulog ako kalaunan.
Naalimpungatan pa ako nang gumalaw si De Lara. He whisper something na hindi ko alam kung nanaginip ba ako o totoo.
"Sleep baby" He said. Kumunot tuloy ang noo ko.
Sobrang baliw na siguro ako sa lalaking toh kaya pati panaginip dinadalaw nya na.
When the clock strike 2:20, ginising nya na ako at nagising pa akong sa lap na nya ako nakaunan.
"Sorry!..." Paos ko pang sabi. He look at me amusingly.
"It's nothing. Mag prepare ka na....class na natin" I nod wala pa sa sarili kaya papungas-pungas pa akong umakyat sa taas para mag-ayos.
Pagkarating namin sa school. Inaantok pa ako dahil parang five minutes lang sumarado ang mata ko kaya nong pag upo namin dumokdok agad ako.
"LQ Bro?"
"She's sleepy. Naputol ang tulog"
"Pad mo?"
"I am not like that"
"Ofcourse no one can get in to your pad"
Nang pumasok ang teacher namin, paulit-ulit kong sinampal ang sarili ko para magising!
Ayoko talagang matulog kapag umaga eh! Dahil mapuputol and ang result mawawalan ako ng lakas at antok na antok ang nararamdaman, para pa akong nahihilo.
"De Lara" tawag ko sa lalaki.
"Hmmm?"
"Hilutin mo nga kamay ko...wala talaga akong lakas" Mahina kong sabi dahil nagk-kaklase. Napabaling naman sya sa akin.
"You okay?" Tanong nya. I shook my head.
"Ganito talaga ako kapag kulang ang tulog" Ani ko. Kinuha nya ang kamay ko at hinilot hilot yon.
He keep on asking me kung kaya ko ba pero umiiling lang ako.
Lessoned learned! Hindi matulog kapag umaga!
Nang matapos ang klase. I motioned De Lara na dito na muna kami saglit.
"Anong nangyayari kay Salvador?" I heard my classmate asked pero wala akong narinig na sagot ni De Lara.
We stayed in the classroom hanggang gumaan gaan ang pakiramdam ko.
"Uuwi na ako sa boarding house" Ani ko sa lalaki. He nod.
"Better be...Ayos ka lang talaga?" Nag-aaalala nyang sabi. I nod.
Nakaalalay si De Lara sa akin habang lumalabas kami ng school, naiilang nga ako kaya pilit akong lumalayo pero hinahabol nya pa rin ako.
Wala akong imik hanggang nakarating kami sa boarding house ko. Naghabilin pa sya na uminom ako ng gamot at kumain bago matulog. Tanging tango lang ang sagot.
Pagkapasok ko pa lang sa kwarto, kinuha ko agad ang jacket ko at tinali sa ulo para mabawasan ang sakit ng ulo ko, nagbihis ng duster na may malaking mukha ni SpongeBob. bago sinalpak ang sarili sa higaan.
Kinabukasan, maayos na ang pakiramdam ko kaya inis kong kinuha ang nakatali sa ulo ko.
"Hindi na talaga ako matututog pag umaga!" Inis kong sabi.
Tumayo na ako at kinuha ang towel at sabon para maligo sa likod! Doon kasi ang poso! Ang arte kasi ng Land Lady dito, bawal maliguan ang CR!
Dahil lock pa ang pinto sa kusina, sa harap ako dumaan na sana hindi ko ginawa dahil nakita ko na si De Lara na naghihintay! May dalang paper bag.
Agad kong binalot ang towel sa mukha ko. Nakakahiya!
"Hey Good morning...Are you okay now?" Mahinahon nyang sabi. I nod!
"Where are you going?" Aniya at pinasadahan ako ng tingin.
Nailangang tuloy ako dahil sa hitsura ko! May underware naman ako but the mere fact na hindi ako mag short dahil duster naman toh! Naiilang ako.
"Maliligo" nahihiya kong sabi.
"What?...Maliligo?...Where?" He asked seriously. Nginuso ko naman ang likod. He frowned.
"What?" May bahid ng inis nyang sabi.
"Sa likod. My poso kasi don..."
"I saw boys here...Then...what the Hell Aloha" Iritado nyang sabi.
Nalaglag naman ang panga ko nang binaggit nya ang pangalan ko. Inis nya akong tinignan nang nakita ang reaksyon ko kaya napatikhim ako.
"Halos dalawang buwan na akong naliligo dyan...Hindi naman sila-"
"Boys are boys!" Madiin nyang sabi.
"Eh...sa yon ang rules eh! Hindi pwede ma ligo sa CR" Ani ko. He sigh heavily.
"I will talk to the land lady" aniya kaya nanlaki ang mata ko.
"Hoy!wag!".
"No!" Pigil nya sa akin.