Pakiramdam niya kasi ay buo na siya ngayong nasa harap na niya ang kanyang mga tunay na magulang. Kay tagal na panahon na nangulila sila gayong buhay pa ang mga ito at pareho silang nagdusa dahil sa kasakiman ng mga tao sa paligid nila. Ngunit ito ngayon at magkakasama na silang muli. Bagaman ay di lubos ang saya niya dahil sa kinakaharap nila ng asawa ay masaya parin siya dahil nasa harap niya ang kanyang mga magulang. "Anak!" bulong nito na nagpabalong sa kanyang mga luha. Tila ba ay kalakip ng salitang binigkas nito ay ang pagmamahal na kinimkim nito sa mga nakalipas na panahon. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at pinahid ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Di niya maintindihan ang sayang hatid ng haplos ng kanyang ama at ina. Niyakap siya nito sa una ay nanigas siya. Ngunit k

