Isang linggo na ang nakalipas ngunit ni anino ni Reeve ay wala. Nanigas ang kanyang leeg sa kakahintay ng mga text nito. Sa halip ay mga larawan nito kasama ang ibat ibang babae ang nakikita niya sa mga society pages. Magdamag na naman siyang nag iiyak, nag aalala na ang kanyang ina at si Fiona sa kanya. Idagdag pa ang morning sickness niya na para siyang mamamatay na hindi niya maipaliwanag. Narinig niya ang mahihinang katok mula sa kanyang pintoan. Si Fiona ang kumakatok alam niya kasi ang estilo ng pagkatok ng mga ito. Bukas palagi ang kanyang pinto dahil unang una buntis siya kung sakali na may dinaramdam siya ay mabilis siyang madadalohan ng ibang kasama sa bahay. Pinalagyan na din ng buzzer ang kama niya. Ayaw kasi niyang na magpasama kay Fiona sa pagtulog dahil baka managinip siy

