(BoyxGirl)
Agnes x Xavier
"Babe, malalate ako ng uwi. Pero huwag kang mag-alala, ako ng bahala sa dinner natin, okay?"
Pag-uwi ko ng bahay, meron nang nakahain na pagkain. Habang naghihintay siya sa akin. Habang mayroong matatamis na mga ngiti sa kanyang mga labi.
"Babe, I miss you. Pauwi ka na ba? Lumamig na 'yung niluto ko eh. Ingat ka ha? Wait lang kita."
Pero hindi ako umuwi noong gabi na iyon. Mas pinili ko ang makasama ang mga barkada ko, kaysa sa kanya.
"Sorry na babe. Eh hindi ko naman kasi alam na susuotin mo parin pala 'yung pants mong 'yun. 'Wag ka ng magalit. Please."
Dahil mataas ang pride ko, kaya galit pa rin ako. Iniwan ko siya sa gitna ng aming date. Habang luhaan.
"Babe, pwede bang huwag ka ng umalis? Tayo nalang ang mag-date. Okay lang ba sa'yo?"
Pero umalis parin ako. Buong maghapon akong wala, walang paramdam at hindi man lamang nag-abala na kumustahin siya, kahit na isang chat o text man lamang.
"Babe, nagtatampo na ako. Suyuin mo naman ako oh! Palagi ka nalang sa mga kaibigan mo eh."
Pero never ko siyang sinuyo. Never akong nagsorry. Never akong nakinig sa kanya dahil iniisip ko lamang palagi na nag-iinarte lamang siya.
Hanggang isang gabi, pag-uwi ko, nakita ko siyang nakahiga sa sofa sa sala. Nakatulog na naman siya sa kahihintay sa akin. Palagi nalang siyang ganoon. Kahit na hindi naman dapat niya gawin, ginagawa pa rin niya para sa akin.
Hindi ko muna siya ginising. Sandaling pinagmasdan ko muna ang mukha nito. Iyong maganda niyang mukha habang tulog siya.
At doon, nakita ko ang namumugto niyang mga mata kahit na nakapikit siya. Iyong maitim na bahagi sa ilalim ng kanyang mga mata at nanlalalim pa. Iyong pagod niyang mukha. Napansin ko rin na parang pumayat na siya. Hindi na rin niya naaalagaan ang mahaba niyang buhok na dati-rati ay alagang-alaga niya.
Noon din, napagtanto ko kung anong klaseng boyfriend ako sa kanya.
"Napaka pabaya ko. Ang gago ko." Iyon lamang ang bagay na nasabi ko sa sarili. Mga katagang nababagay sa isang tulad ko.
Gumalaw siya sandali. Hahawakan ko na sana ito sa kanyang balikat para gisingin, nang mapansin ko ang dalawang maleta sa may pinto ng kuwarto namin.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ewan ko rin kung bakit bigla na lamang nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko.
Siguro dahil alam kong mawawala na siya sa akin. At iiwanan na niya ako.
"Xavier, I'm sorry. Pero hindi ko na kaya." Naluluha na sabi nito sa akin.
Gising na pala siya.
Napailing ako at lumapit sa kanya. Napaluhod din ako upang magkasing-level ang mga mukha naming dalawa. Marahan kong inabot ang mga kamay nito bago iyon hinalikan.
"Pwede bang pag-usapan muna natin ito?" Nagsusumamo na pakiusap ko sa kanya.
"Agnes, sorry kong napabayaan kita. 'Yung tayo. Pangako magbabago na ako." Buong puso na sabi ko sa kanya.
Isa pa, alam ko rin naman kasi na hindi niya ako matitiis. Alam kong papayag pa rin siya at mananatili. Kasi ganoon naman siya palagi.
Pero hindi. Dahil ang inaasahan at nakasanayan kong Agnes na bawat sabihin ko ay sinusunod niya, ay bigla na lamang naging malamig ang mga tingin sa akin.
Binigyan niya ako ng isang mabagal na ngiti, bago marahan na inabot ang pisngi ko at hinaplos iyon.
"Binigay ko na lahat, babe." Patuloy sa pag-agos ang mga luha na sabi nito sa akin.
"Ubos na ako. Sorry kung...sorry kung may hangganan din pala ako. Akala ko kasi kaya ko pang magtiis. Pero hindi na." Napasinghot ito bago pinunasan ang sarili niyang luha, atsaka napatawa ng mahina ngunit alam mong pilit.
"Hindi pa tayo kasal nito ha? Paano nalang kung naikasal na ako sa iyo?"
"Edi magpakasal tayo." Awtomatiko na lumabas na lamang iyon sa mga labi ko. Pero muli ay napailing siya.
"Xavier, hinintay lang talaga kitang makauwi. For the last time, gusto kong hintayin kita sa pag-uwi, hindi para tabihan ka pa sa pagtulog, kundi para magpaalam na ng tuluyan."
Napalunok ako ng maramings beses at mariin. Napapailing na niyakap ko siya ng mahigpit. Baka kasi dahil nakainom lang ako at bigla akong magising. Ngunit pwersahan niyang itinulak ang katawan ko palayo mula sa kanya.
"Hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi na ako mananatili pa, babe." Sabay ngiti nito sa akin. Iyong ngiti na madalas kong makita sa kanya noon pero binabalewala ko.
At noon din, nakita ko sa mga mata niya na sumuko na nga siya, na ayaw na niya. Wala na 'yung mga nakakapaso na tingin nito sa akin. Unti-unti na siyang naglaho. Nakita ko rin na kahit na anong gawin ko pang pakiusap sa kanya, wala ng makapagbabago pa sa desisyon niya.
Pagkatapos ng ilang sandali ay tumayo na ito at kinuha ang dalawang maleta.
"Agnes..."
Lalapitan ko pa sana siyang muli, ngunit pinigilan niya ako.
"Please, don't." Sabi nito sa tipid na tono. "Kaya ko na. Kaya ko ng wala ka, Xavier. At ikaw mismo ang nagturo sa akin, kung paano ang mabuhay sa araw-araw na wala ka." Sinasabi niya iyon habang naka tingin ng diresto sa mga mata ko. Ngunit ngayon ay wala ng pumapatak pang mga luha mula rito.
"Mag-iingat ka palagi."
Iyon na ang huling salita na narinig ko mula sa kanya. Iyon na rin yata ang pinakamasakit na salitang narinig ko dahil sanay akong siya ang gumagawa noon sa akin. Sanay akong siya ang nag-aalaga sa akin.
Pagkatapos 'non. Wala na. Wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya.
Hanggang isang araw, narinig ko na lamang ang balita na ikakasal na siya. At ang masaklap, ikakasal siya sa best friend ko pa.
Walang kasing pait at sakit ang nararamdaman ko. Ngunit alam ko rin naman sa sarili kong mas maaalagaan siya nito ng tama. Hindi kagaya kong pinabayaan lamang siya.
Kahit na tumatangis ang puso ko, ako pa rin ang nag-insist na maging best man ng best friend ko.
Gusto ko lamang kasi talagang masilayan ang Agnes ko, kahit sa huling sandali, habang naglalakad ito sa altar, kahit na hindi na sa akin nakapako ang mga mata nito, gaya ng pinapangarap ko.
Habang nakasukbit ang kanang kamay nito sa braso ng kanyang ama, na minsan na ring pinangakuan ko na aalagaan ko ang kanyang anak, ngunit binigo ko.
Kung siguro iningatan ko lamang siya noon pa, baka hindi siya napagod. Baka masaya parin kami ngayon, baka ako ang nagsusuot ngayon ng singsing sa kanya. Baka sa akin siya naka ngiti ng ubod ng saya at walang kasing kinang ang kanyang nga mata. Baka ako ang hahalik sa kanya at ang mangangako ng panghabambuhay sa harap ng altar.
Pero sinayang ko lamang ang pagkakataon na ibinigay sa akin, dahil hindi ko siya inalagaan ng tama. Kaya ngayon, hanggang tingin na lang ako, habang ikinakasal siya sa iba.
Saan ko pa hahanapin ang katulad ni Agnes? Mahal ko kasing talaga siya. At hindi ko kaya na tuluyan siyang mawala. Pero kahit naman na makahanap pa ako ng katulad niya, hinding-hindi na matutumbasan nino man ang lahat ng nagawa niya para sa akin.
Kasi hindi siya mismo si Agnes ko.
Hindi siya ang misnong Agnes na habambuhay ko na yatang hahanap-hanapin pero sinayang ko.