KABANATA VIII

1836 Words
" Tayo na " takbo nila Elias kay Felipe para tulongan ito pagkatapos silang iwan nila Marcos. Saka nila ito inalalayan ni Mary sa magkabilang braso. " Okay ka lang ba? " " Puwedi na, mabuti na lang at nabuhay pa ako " hawak pa nito sa likod niyang tumama sa puno. " Bakit naman kasi hindi ka umiwas " ani Elias. " Wala naman akong ginagawa ah! sila nga itong sumulpot bigla mga pangit na yon! " " Napaka hilig mo ngang manghamon ng away o asarin ang sino man tas walang ginagawa? " " Totoo yon, ikaw pa nga lang ang nakakagawa ng away sa school at sa first day of school pa talaga paano na lang pagmas tumagal " ani Elias. " Naku! wag niyo na nga akong sirmonan dahil hindi maganda ang pakiramdam ko " nasasaktan pa nitong sabi kaya naman tumahimik na itong dalawa Saka sila tahimik na naglakad. " Nga pala yong humalik sayo nakita mo ba siya? Hindi kaya kakilala sila ni Marcos? " " Hindi ko alam hindi ko naman siya hinahanap at saka ano ngayon kung kakilala ni Marcos? tssst! di naman siguro nakakapagtaka kung sakali mang magkakilala sila dahil pareho silang mga halimaw " " Hindi ka talaga nag-iisip " ani Elias at magsasalita sana ito ng magsalita din itong muli " Kapag nagkataong magkakilala sila e marahil alam na rin nilang tao ka talaga kaya paniguradong hindi ka nila titigilan " napahinto naman sila ng huminto maglakad itong si Felipe sa paliwanag ni Elias. " E ano bang puwedi kong gawin para tigilan nila ako? " " Edi! patitigilin mo sila " ani Mary. " Tsk! akala mo naman manok lang itong bubugawin ko " asar ritong lingon ni Felipe saka naglakad muli. " Ang ibig sabihin ni Mary maglalaban kayo ng maglalaban hanggang may sumuko sainyo sa madaling salita hanggang sa sumuko sila kaso ang problema doon, imposibleng mangyari yon dahil lahat ng Neto ay nababaliw sa mga tulad niyo.. ang dugo niyo ang bumubuhay sa kanila " " Kung ganon sinasabi mo bang hanggang sa mapatay nila ako? Pambihira! ano namang laban ko sa kanila baka ako na lang ang sumuko at umiwas sa kanila " " Malabo yon dahil makakaiwas ka lang sa kanila hangga't nakatago ang pagkatao mo sa kanila dahil sa oras na malaman nila paniguradong hindi ka nila titigilan hanggang sa mapatay ka nila o kaya mapatay mo sila " napalingon naman si Felipe sa sinabi ni Mary. " Mapatay? " tumango naman ito sa kanya. " Wag kang mag-alala.. walang kaso ang p*****n sa lugar natin basta't ang taong magpapatayan ay may koneksyon sa paaralan " ani Elias " Estudyante sa estudyante, estudyante sa teacher, teacher sa kapwa teacher, magkaibigan sa magkaibigan basta sa oras na tumapak ka sa school paniguradong isinangla mo na ang buhay mo " " E kayo bakit ba nag-aaral pa kayo kung kamatayan naman pala naghihintay sainyo? " " Tao ako sadyang may kakayahan lang ako dahil dito ako lumaki.. may mga bagay na makukuha mo kapag inaral mo o kaya kusang ipagkakaloob sayo parang yong tinatawag na gifted at sa tingin ko ganon ako.. " ani Elias " Kapag nakaabot akong G10 ay puwedi ko na rin kunin ang diploma ko at pahihintulotan na akong lumabas rito at marahil wala na din nun si Lolo kaya wala na akong dahilan para manatili rito " seryosong pagsasalita ni Elias. " Grabe ka kay Lolo! " asar ritong tingin ni Felipe. " Totoo naman yon " " Palibhasa bubwit ka mag-isip " ani Felipe " Kung ganon nagagawa mo talagang maging ligtas sa mga Neto? " " Oo, dahil nong malakas si Lolo siya ang nagtatanggol saakin pero ngayong matanda na siya at malaki na ako ay kaya ko ng protektahan ang sarili ko at itago ang totoo kong pagkatao " inisnob naman ito ni Felipe sa mayabang niyang pagsasalita. " Ako naman nabobored lang ako at sa katunayan natutuwa ako kapag may mga nakikita akong away sa pagitan ng tao at Neto " ani Mary. " Napaka gandang dahilan dapat may tinataponan rin sa mga pasaway na tulad mo " ani Felipe saka nanahimik ng maalala muli ang sinabi nilang kailangan nitong pumatay kung gusto niyang layuan siya nang mga Neto at mabuhay siya. " Basagolero ako at pasaway pero hanggang hospital lang ang inaabot ng mga kalaban ko " pag-iisip pa niya " Kaya ko ba talagang pumatay? "bulong pa nito pagkwan naalala niya ang sinabi ng mga itong puwedi siyang tigilan ng mga ito kung mapapaalis niya ang mga ito. " Ano namang puwedi kong gawin gayong walang wala ang mga suntok ko para sa mga tulad nilang halimaw " nag-aalala pa niyang pag-iisip. " Nga pala papaanong nagawa mong patumabahin ang puno? " napalingon naman siya sa tanong ni Mary. " Sa palagay ko sinwerti ka lang at matutumba talaga yon " ani Elias. " O maaaring may tumulong sa kanya " ani Mary at naalala naman ni Felipe ang Bakunawa sa sinabi nito. " Imposible yon, wala akong naamoy na kakaiba kanina maliban saatin at grupo ni Marcos kaya alam kong nagkataon lang yon " ani Elias at bahagya namang napangiti si Felipe. " Kung ganon maaari ba talagang tinulongan niya ako? " paglingon nito sa paligid " Kung siya talaga ang may pakana nun puwedi ko nga siyang gamitin at makipagkasundo rito " pag-iisip pa niya. " Sandali.. alam niyo ba ang kwento ng Bakunawa? " at humangin naman ng malakas pagkatapos ng pagtatanong niya kaya ganon na lang ang takot nila Elias. " Walang nagkukwento sa Bakunawa maliban sa matatanda.. tulad ni Lolo dahil nakakatakot ito, isa siyang halimaw na gustong tumapos sa pook Liwanag at naging dahilan bakit naging punong puno ng kababalaghan ang lugar na ito " mararamdaman mo sa boses ni Elias ang galit " Kung hindi dahil sa kanya marahil hindi mabubuhay ang mga Neto " hindi naman nagsalita pa si Felipe pagkatapos maramdaman ang puot sa boses ni Elias. " Mabuti na lang talaga at hindi ko binanggit sa kanila ang Bakunawa pero kung talagang masama siya ayon sa sinasabi ni Elias baka manganib ang buhay ko kung makikipagkasundo ako rito " nag-aalala pa niyang sabi. " Basta ang Bakunawa ay nabubuhay lang ngayon sa kwento ng mga tao at ayon sa kwento napakalakas nito kaya talagang nakakamangha ito " masaya pang pag-iisip rito ni Mary. " Mali ka! Dahil ang Bakunawa na yon ang dahilan bakit pinagbabawalan tayong tumuntong sa labas ng pook Liwanag " ani Elias at nakarating naman sila kaya tumahimik na rin itong dalawa bago pa marinig ng matanda ang bangayan nila tungkol sa Bakunawa kaya naman tahimik na naupo si Felipe pagkatapos magulohan sa papayag ba itong makipagkasundo sa Bakunawa. " Kung ganon may bago ka na namang kaaway maliban sa grupo ni Gato " tabi rito ng matanda para gamotin pagkatapos ritong ikwento ni Elias lahat. " Sila naman nauna at gumanti lang ako " tamad pa nitong sabi pagkatapos padapain ng matanda para gamotin ang likod nitong tumama sa puno. " Itatapon ka ba naman rito kung mabait ka kaya wala ng nakakapagtaka kung nakakuha ka agad ng bagong kaaway at magpasalamat na lang tayo na buhay ka pa rin " " Hindi ko naman atang papayagan na mamatay lang ako rito basta basta tssst! papatunayan ko kay mama na kahit itapon ako rito ako ay ako! " may asar sa tono sa boses nitong maririnig mo " Aalis ako ritong ganon pa rin, walang nabago at walang kulang! " hindi naman sila umimik pa sa pasaway nitong iniisip. " Nga pala Lolo hindi po ba transferee ako e bakit po pakiramdaam ko lahat ng kaklase ko ay transferee rin? Ang ibig kong sabihin base sa obserbasyon ko nagkakilanlan lang ang lahat kaninang morning kaya naisip kong transferee kami lahat kaya ang ibig po bang sabihin nun ang mga kaklase ko ay maaaring katulad ko lang? " mahaba nitong paliwanag sa tanong niya. " Tuwing anim na buwan ang sino mang pumasok sa school na pinapasokan mo ay nabubura ang ilan sa ala-ala nila katulad ng kung sino ang mga tao o Neto sa school " " Bakit parang ang gulo naman nun? " " Nakipagkasundo ang mga taong nasa taas sa pinuno ng Neto para protektahan ang mga tao sa labas ng Pook Liwanag at yon ay magbigay sila ng supply o pagkain sa mga Neto tuwing anim na buwan para hindi na nila tangkain pang lumabas sa pook Liwanag pero ang ilan sa kasunduan ay hindi sila puweding pumatay ng wala silang kaugnayan sa loob ng school daahil bilang pagpayag ng mga tao o magulang na itinapon ang mga anak rito ay ang pagbabago nang kanilang anak " sabi ng matanda at hindi naman ito maitindihan ni Felipe. " Makinig ka ang Diploma ang susi para magbago ang mga pasaway na tulad mo... at nagtagumpay o nabuo ang ganitong impormasyon pagkatapos magtagumpay ang mga experimentong tinapon sa lugar na ito para tumino dahil bakit mo naman hihiligin pang bumalik sa lugar na punong puno ng katatakotan kaya para hindi na bumalik rito ay nagbabago sila.. mula sa mabangis na tigre ay aalis silang parang maamong tuta sa kanilang magulang kaya mula sa isang pain ay nasundan pa ito ng nasundan hanggang sa dumami kayo pero mas marami ang naiiwan at hindi na nakabalik sa labas ng pook Liwanag " ngayon ay naging malinaw naman kay Felipe ang lahat. " Kaya kung gusto mong mabuhay dapat maging matalino ka at iwasang ipaalam sa lahat ang totoo mong pagkatao upang makaalis pa ritong buhay " " Kaya pala kanina ay wala man lang may nagtangkang tumulong saamin dahil pinoprotektahan ng lahat ang pagkatao nila " ani Felipe. " Tama ka at maging ang mga Neto ay nagpapanggap na mahina at nakikipagkaibigan sa mga tulad niyo para alamin ang mga pagkatao niyo saka papatayin kaya hindi dapat nagtitiwala agad " " Kung ganon para sa lahat ng nanditong tao ako pa lang ang pinaka mahina para makakuha ng kaaway at halos ipagsigawan na tao ako " pagkuyom nito sa kamao niya " Kung ganon marami din akong kasama rito pero maiingat ang lahat " " Ang pagkasangkot sa gulo at pagiging maingay ang madalas sangay ng kapahamakan Felipe " ani matanda at hindi namn siya nagsalita pa dahil tama naman ito. " Kailangan mong mabuhay kaya dapat maging maingat ka pa lalo " hindi naman siya nagsalita pa pero nakikinig siya rito. " Nga pala k*****y ko na ang isang manok ni Elias kaya kumain kana ng magkalakas ka at maalis ang p*******t ng katawan mo " marahan naman itong luingon kay Elias dahil alam niyang ayaw nito. " Baka naman sumakit ang tiyan ko? " " tssst! ngayon lang kaya bukal sa puso ko pero una at huli na ito noh! " kain nito ng cloud 9 at tumayo naman si Felipe para kumuha ng pagkain pagkatapos tumayo ni Elias para maghanda ng pagkain niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD