KABANATA VII

2640 Words
" ANONG DAHILAN AT NAGSISIGAW KA DIYAN? '' pagsulpot bigla ni Mary at naupo sa tabi nito habang kumakain ng candy. " Puwedi ba wag ka ding basta bastang sumusulpot aatakihin ako sayo! " asar ritong sigaw ni Felipe saka lumingon sa paligid para hanapin ang Bakunawa at hindi naman niya ito maramdaman. " Naku! duwag ka naman talaga kaya talagang aatakihin ka kahit sa malilit na bagay " ganon naman ang asar ni Felipe kaya sinapak niya ito sa ulo dahilan para malunok nito ang kinakain niyang candy. " Ano na namang kaartehan yan? " tawa niya rito habang nahihirapan itong huminga habang gumagapang na sa bench. " Ca-candy..ca-can-candy " putol putol nitong sabi habang pinipilit itong ilabas mula sa lalamunan niya kaya naman mabilis itong binuhat ni Felipe at pinush ang tiyan nito kaya natapon agad ang candy na kinakain nito at napalingon ito rito ng umiyak ito ng malakas. " Teka! wag mong sabihing para sa tulad mong halimaw ay iiyak dahil lang sa candy na muntik mo ng ikamatay na hindi mo naman ikinamatay talaga kaya wag ka ngang umarte diyan " pagbalewala niya rito saka nito sinuot ang bag niya. " Tara na at sa labas na lang natin nang school hintayin ang bubwit na si Elias " paglalakad nito at natigilan siya ng lumakas pa ang iyak ni Mary. " Mary Christmas ano ba?! ang pangit mo umiyak " " E kasi yon lang natitira kong pera tapos natapon lang dahil sayo " iyak pa nito. " Ang alin ang pipisong candy na yon? " " Hindi yon piso! singko yon " sigaw nito. " Naku! candy lang yan " tamad pa nitong sabi " At saka hindi kana bata kaya dapat hindi kana nagcacandy " paglalakad pa niya pero natigilan siya sa sinabi niya saka nilingon itong nakaupo sa may damohan na Mary habang nakatingin sa candy nitong natapon sa may lupa na ngayon nilalanggam na. " Sa bagay bata pa nga pala ang pangit na ito " dahil G8 pa naman si Mary at 16 yrs old pa lang ito " sige na, bibilhan kitang bago " agad naman itong lumingon sa kanya. " Sigurado ka?! Talaga?! bawal mo ng bawiin yan!!! " mabilis nitong pagtayo saka pinunas ang mga luha niya. " Oo, kaya dalhin mo ako saan yan nabibili at saka hindi lang isa kundi___ " " LIMA!!! " sigaw agad nito at tumango naman si Felipe kaya kitang kita nito ang mga ngiti ni Mary at napakacute ng maliliit nitong ngipin na bumagay sa maliit din nitong mukha na napakinis kaya lumalabas ang kagandahan nito. " Basta lima ah!! " mabilis nitong paglalakad " Tara na!!! " pagbalik nito rito saka hinila at tumakbo. *** " PAMBIHIRA!!! MAUUBOSAN BA TAYO PARA HILAIN MO AKONG PARANG KAMBING " ani Felipe paano kasi napakabilis tumakbo ni Mary at halos hila hila na nga lang nito si Felipe. " NA-EEXCITE AKO EH!! " masaya pa nitong sabi " Manang lima nga po nito " masigla nitong sabi pa saka pinalo ang balikat ni Felipe habang nakayuko pa rin at hinahabol ang hininga. " Oo na at tumigil ka sa excitement mo dahil mapapatay mo ako " asar nitong pagkuha sa wallet niya. " Lima din akin rito " pagkuha ni Elias sa cloud 9 kaya naman ganon na lang ang gulat ni Felipe. " At papaanong nandito ka rin? " " Sa lahat ng may pinakamalakas na amoy rito sa loob ng paaralan ay ang canteen dahil madaming masasarap na pagkain kaya nalaman ko agad na nandito kayo " " Grabe namang pang-amoy yan tas kapag napapahamak ako lagi kang late dumadating " " At least ako palagi ang unang nakakakita sayo " ani Mary. " Sus! ako ang unang nakakahanap sa kanya at nauuna ka lang dahil mas mabilis ka saakin " bangayan pa nila ni Mary. " Naku! magsitigil na nga kayo mamaya magbago pa ang isipan ko at dalian niyong kumuha para makauwi na tayo dahil gusto ko ng matulog " awat nito sa dalawa. " Ito ang akin dahil masarap nong bigyan mo ako " " Bakit first time mo ba nun makakain ng ganyan? " natigilan naman si Felipe ng tumango ito. " Mahal naman kasi ito at dahil hindi ko naman nalalasahan anong klaseng pagkain ito kaya hindi ako nagkaka-interest bumili pero ngayon gusto ko ng matikman ulit " " Haist! nagpapaawa ka pa " kuha ni Felipe sa card nito. " Kumuha na kayo " agad naman silang sumunod rito na akala mo mga batang ipapasok sa Jollibee sa excitement nila. " E wala naman kaming ganyan rito at pera ang tinatanggap namin " masungit ritong sabi ng tindera. " Aba! parang kasalanan ko pa at mahirap kayo para hindi magkaroon ng machine para sa card " asar niyang pagtago rito at nagbigay ng isang daan at agad naman itong inabot ng tindera saka kinuha ang candy na hawak hawak ni Mary kaya agad nag-iba ang awra nito na sa ano mang oras ay makakapatay ito. " Ano namang problema para bawiin yan? Bibili nga kami hindi ba? " ani Felipe habang hila hila ang damit nitong si Mary na gustong gusto ng kagatin ang tindera sa asar. " E kulang naman ang pera mo " " Bakit isang daan naman ang pera ko " " Isang daan yang hawak niya lahat " at natigilan naman si Felipe dahil ang sunod sa maliliit naman na cloud 9 chocolates ang hawak ni Elias. " 20 pesos yan bawat isa " " Bakit ikaw ba mismo ang gumawa niyan para magkahalaga ng ganyan kamahal? sampong pesos lang yan! '' asar nitong sabi " Gawin mo pa akong ignorante tssst! pagdating sa paborito kong pagkain hindi mo ako maluluko puwera na lang kung magolang kayo para ganyan ang presyo " " Magulang nga kami kaya 20 bawat isa diyan! " labas ng napakatabang babae pagkatapos ng malalakas na pagsasalita ni Felipe kaya naman marahan nitong nilabas ang pera niya para sa candy ni Mary saka sila lumabas habang naglalakad ng mabilis. " Hindi lang ako pumapatol ng babae kaya maswerti siya " sabi nito ng makalabas silang canteen. " Sa tingin ko wala ka ding laban sa kanya kaya mabuti na lang hindi ka pumapatol " paglalakad nila at nanahimik naman siya pagkatapos maasar sa sinabi nitong si Elias. Pero naalis din iyon at napangiti ng paglingon niya masayang kinakain ng dalawa ang mga kinababaliwan nilang pagkain. NGUNIT ganon na lang ang gulat nila Mary ng biglang sumalpok sa may Puno si Felipe habang naglalakad sila pagkatapos makalabas sa canteen. " Dito lang pala kita makikita " ngisi rito ng nakalaban niya kanina. " Bakit namiss mo ba ako agad? " suplado nitong sabi saka humawak sa sinipa rito ng lalaki " Ang sakit nun ah! " bulong pa nito saka pilit na tumayo habang nakahawak sa tiyan niya pagkatapos itong sipain nitong lalaki sa harapan nang hindi man lang nila napapansin ang pag-atake nito dahilan para sumalpok ito sa may puno sa sobrang lakas nun habang si Mary at Elias ay hawak hawak ng dalawa para hindi matulongan si Felipe. " Ang pinaka ayaw ko ay ang mga tulad mong mahangin pero wala namang sinasabi " at mabilis na umilag si Felipe sa mga suntok nitong lalaki at nanlaki ang mata nito ng makita niya ang paghulma ng kamao nito sa puno pagkatapos ritong tumama. " Siguradong matutuloyan ako kung tumama yon saakin " atras nito saka pumosisyon ng maayos para maghanda sa ano mang pag-atakeng gagawin ng lalaki. " Mahina ka naman pala eh " pagstretch ng lalaki sa kamao niya para sa muli nitong pag-atake. " Isang beses ka nga lang tumama tas hindi ko pa alam tapos ganyan kana magyabang " ngisi niya rin rito. " Pambihira namang Pilipi ito alam naman niyang wala siyang laban nagagawa pa niyang asarin ang mga ito " nag-aalala ritong tingin ni Elias habang hawak hawak ng kasamahan ng nakalaban nito kanina. " Mahina ka naman kaya wag kana magyabang at tumakbo ka na lang " sigaw pa ni Mary habang nag-aalala kaya ganon naman ang tawanan ng tatlo. " Bitiwan niyo nga ako mga bayot kayo!!! " pagpupumiglas nito pero mas hinawakan pa ito ng isa nang mahigpit. " Ang sabi mo nga may laban din ako sa mga tulad nito kaya bakit naman ako aatras " paghubad ni Felipe sa bag niya kaya napabuntong hininga na lang ang dalawa. " Malakas naman yan eh! Ang sabi ko yong mahina " sigaw pa ni Mary. " Tssst! Kung mahina ang kalaban ko paniguradong mananalo ako at kung malakas naman pipilitin kong pantayan iyon dahil hindi ako papayag na matalo lang at mamatay!! " at napaatras naman ang lalaki ng makita nito ang nag-aapoy na mga mata ni Felipe sa tindi ng dedekasyon nito. " Masyado naman pala mataas ang kompeyansa mo " ngisi nito saka nito inatake si Felipe at kagaya ng sabi ni Elias sobrang lakas nito pero kung bilis ang pag-uusapan mas mabilis ang mga kilos ni Felipe kaya naiiwasan nito ang bawat atake ng lalaki. " Bakit naman puro ka iwas? " pagtigil nito. " Ano namang gusto mo magpatama ako sayo?! Kung ganon ka kabobo mag-isip puwes wag mo akong idamay!!! " at ganon naman ang asar niya sa sinabi ni Felipe. " Sige, isang suntok mula sayo at mula saakin kung gusto mong matigil na ang araw na ito mula sa pagitan natin " pagbulsa nito sa kamay niya saka tumitig kay Felipe. " Imposible namang pumayag siya dahil kagaya ng sabi niya hindi siya ganon kabobo sa lalaking yan " ani Elias. " Oo, mabuti na lang " ani Mary habang nakangiti at natanggal ito agad ng bumuka ang bibig ni Elias. " NABABALIW NABA SIYA PARA PUMAYAG?! " ani Mary pagkatapos pumayag ni Felipe. " Sa tingin ko baliw talaga siya para mahulaan natin ang ano mang tumatakbo sa isip niya " ani Elias kung saan wala naman silang magawa sa desisyon nito. " Jack and Poy " lahad ng lalaki sa kamay niya " Kapag nanalo ka ikaw ang unang aatake at kapag ako naman, syempre ako ang mauuna " ngiti pa nito pero makikita mo sa mga mata nito ang kagustohan niyang durogin si Felipe. " Kung mananalo siya paniguradong kataposan ko na kapag tumama saakin ang mga kamao niya pero kung mauuna ako may tsansa pa akong mabuhay " pag-iisip nito " Kung hindi man ako manalo at least mabigyan ko siya ng pinsala sa kanang braso niya kung saan iyon ang may pinakamalakas na suntok sa dalawang braso niya.. kung masasaktan ko siya paniguradong hihina ang mga suntok niya pero paniguradong masasaktan pa rin ako " tingin nito sa punong tinamaan ng kamao nito " Pambihira! Wala man lang tumutulong saamin nasaan ba ang Principal ng school na ito o kaya mga teacher " pag-iisip pa niya " Pero sa bagay mukhang wala namang pakialam ang lahat sa nangyayari dahil kahit isa wala man lang may nanonood kung sa dating pinapasokan ko ito kanina pa ako nasa desciplinary office at pinagpipistahan sa campus pero rito parang walang nakikita ang mga tao.. umiiwas ba sila sa away o talagang wala silang pakialam sa puweding mangyari saakin o saamin " pag-iisip pa niya " Sa tingin ko.. ang tanging pag-asa para umabot pa ang buhay ko bukas ay ang matalo ko ang pangit na ito dahil kahit si Mary walang magagawa " lingon niya pa rito habang hawak hawak ng lalaki " Ngayon masasabi kong may kwenta rin ang kapasawayan o pagiging basagolero ko dahil kahit papaano nagagamit ko rtio pero sa bagay yon naman talaga ang dahilan bakit ako tinapon rito.. Oh! Felipe " buntong hininga pa nito. " Di bale na basta kailangan manalo ako! " paglahad din nito sa kamay niya habang nakakuyom para sa kanilang bato bato pick. " Masyado ka namang nagmamadali.. hayaan mong magpakilala ako " tingin nito kay Felipe. " I am the SSG President of this school kaya lahat ng nandito ay pinapakialaman ko lalo na ang gate kaya dapat sumunod saakin ang lahat " mayabang nitong sabi " I'm Marcos Lopus " ngisi nito. " Felipe Fernandez at hindi ako natutuwang nakilala ka " ganon naman ang pagtabingi ng bagang nito sa pagputol ni Felipe sa pagyayabang niya " Tara at simulan na natin dahil kanina pa nag-iinit ng kamao ko " " Naiiba ka talaga " natutuwa nitong tingin kay Felipe " Sa lahat ng nandito ikaw pa lang ang hindi nagbigay galang saakin at hinamon sa laban " pag-alala nito sa kaninang umaga at ngayon sa mga nangyayari naman. " Tssst! akala ko kasi siya ang pinakamahina kaya hinamon ko " asar pang pag-iisip ni Felipe at sabay nilang tinaas ang kamao nila para sa jack and poy kaya mabilis na pumikit si Mary at Elias dahil katulad ng iniisip ni Felipe ganon din ang naiisip nila kaya hinihiling nila na manalo ito at mauna. NANLAKI naman ang mata ni Felipe pagkatapos ng jack and Poy nila habang si Marcos ay nakangisi rito pagkatapos matuwa. " Sa wakas makikita ko rin ang totoong lakas mo " pagbulsa ni Marcos sa kamay niya at napangiti naman siya ng marinig niya ang masayang sigaw nila Elias. " Ubosin mo na ang lahat ng lakas mo dahil yan lang ang tsansa mo " Ani Elias. " Hindi ka puweding mamatay dahil walang bibili saakin ng candy kapag nangyari yon " ani Mary at natawa na lang siya tungkol rito. " O sige, wag mo kaming bigoin " tingin rito ni Marcos kaya naman agad pumwesto si Felipe sa may tabi ng puno at nagstretch ng katawan mula ulo hanggang paa saka nito kinuyom ang kamao niya para ipunin rito ang lakas niya at dahil wala namang maramdaman rito si Marcos kaya naupo siya at minamaliit na tumingin kay Felipe. " Kainis.. kapag siya na ang sumuntok saakin baka mabali ang ano mang tamaan niya saakin kahit mabigyan ko siya ng pinsala sa gagawin ko " pag-iisip nito " Sandali.. ang Bakunawa bakit kung siya na lang ang lumaban imbis na ako total magkamukha naman kami pero totoo bang malakas yon? at saka paano kami makapagpapalit paniguradong hindi sila papayag na maalis ako sa mga mata nila " sa isip nito " Saan ka naba bakit hindi mo ako tulongan...? " tingin pa nito sa paligid. " Ano matagal pa ba yan? " tanong rito ni Marcos kaya natigilan naman siya sa paghahanap sa Bakunawa. " Maghintay ka.. "paghinga nito ng malalim at tinitigan si Marcos para sa paghahanda nitong atake pagkwan naglakad ito sa direksyon ni Marcos at ganon na lang ang gulat niya ng madmatisod ito sa sarili niyang mga paa kaya mabilis itong naging alisto kung saan sa puno diretso ang tumba nito kaya naman pinangharang nito ang mga kamay niya para hindi rito sumubsub at ganon na lang ang gulat ng lahat sa sunod na nangyari. Kung saan bago pa tumama ang mga palad niya sa puno para itukod rito para hindi siya tumama ay natumba ang puno kaya ganon na lang ang takot ni Marcos dahil kung sa kanya ay bumakat lang ang kamao niya rito. Itong si Felipe ay natumba niya mismo kaya ganon na lang ang takot nila saka binitawan ng dalawa si Mary at Elias at nagtungo kay Marcos. " Sa tingin ko malakas talaga siya " bulong nila rito at dahil sa nasaksihan ni Marcos ay hindi na nito magawang magsalita. " Pe-pero paanong natumba e hindi ko naman natamaan " sa isip ni Felipe pero pagkatapos nitong makita ang takot ni Marcos ay nagpanggap na lang siyang malakas kaya naman hindi na natuloy ang laban pagkatapos umatras ni Marcos at nagdahilan na kailangan nilang ayosin ang puno pagkatapos matumba sa canteen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD