KABANATA VI

3140 Words
HALOS kaposin na nang hininga si Felipe sa layo ng nilakad nila papasok sa sinasabi nilang school nito. " PAMBIHIRA KAILAN BA TAYO MAKAKARATING KANINA PA TAYO NAGLALAKAD AT SAKA PAGOD NA AKO " reklamo nito. " Ang bagal mo naman kasi maglakad " ani Mary habang tamad ritong nakatingin sa hingal na hingal na si Felipe. " Pambihira wala man lang tayong mahingian ng tubig o kaya sasakyan patungong school " reklamo pa nito habang ang lalayo ng mga kabahayan sa dinadaanan nila at puro malalaking puno ang nasa daan at nagtataasang d**o. " Bilisan mo na lang maglakad para makarating tayong school at makabili ka ng tubig doon " ani Mary kaya wala itong magawa kundi sumunod gayong wala na din siyang lakas para makipag-negotiate. At gaya ng sinasabi ni Mary dumating na din silang school at napanganga naman si Felipe dahil ang iniisip kasi nitong paaralan ay luma, nakakatakot, madamo, marupok na paaralan, o sa ibang salita hunted school ang naiisip nito pagkatapos ng mga nakakakilabot nilang kwento rito. Ngunit ayon sa nakikita niya maganda ito at civilize tingnan at hindi nalalayo sa mga paaralan na napasokan niya sa Luzon kaya naman agad itong napangiti. " Maganda naman pala ang paaralan niyo eh " paghinga pa nito ng malalim habang nakangiti. " Aba! ano namang akala mo " mayabang ding tugon rito ni Mary " Halika na bago pa tayo mapagsarhan ng gate " takbo nito pero natigilan sila ng harangan sila ng mga estudyante sa gate. " Sandali hindi pa naman kami late " ani Mary. " 3 seconds na kayong late " ganon naman ang asar ni Felipe sa sinabi nila. " Nang-aasar ba kayo?! " sigaw nito sa tatlong estudyante na nagbabantay ng gate " Alam niyo ba walang masakyan dito sa lugar niyong napag-iwanan ng panahon kaya kinailangan pa namin lakarin ang paaralan mula sa bahay tapos nalate lang kami ng tatlong segundo ay hindi niyo na kami papapasokin? Mga tarantado ba kayo?!! " asar na asar nitong tanong at napaatras siya ng ngumisi yong dalawa sa bantay ng gate na akala mo ano nang sinabi niya na para bang natutuwa sila rito pero dahil sa mga ngisi nila alam niyang may iba silang pakahulogan sa mga ikinilos nila. " Kung ganon bago ka rito? " at bago pa bumukas ang bibig ni Felipe na nag-iinit na din sa asar ay siniko ito ni Mary sa tagiliran at sa lakas nun ay napayuko siya at napayakap rito. " Mary!!! " " Gusto mo bang dito pa lang ay tuloyan na nilang sarhan ang buhay mo? Sinabi na sayong walang maaaring makaalam na bago ka rito dahil lahat ng pagkatao rito ay nakatago dahil maling kilos mo ay puwedi kang mapahamak " bulong niya rito kaya mabilis naman itong umayos ng tayo. " Dating gawi " ani Mary sa mga estudyanteng sa awrahan pa lang at mga tingin nila alam mong hindi ito normal na mga estudyante maliban sa isa o ikatlo nilang nasa likod nila habang tinititigan ito ni Felipe kung saan makikita mo rin ang takot sa mga mata niya kahit itago niya ito sa mga kilos niyang nagtatapang-tapangan. " Kapag nanalo kayo makakapasok kayo at kapag natalo bago mag-uwian lilinisan niyo ang lumang bodega " pakikipagkasundo ng dalawang estaudyante saka nila pinatong ang braso nila sa may mesa sa guard house sa gate. " Ano namang iniisip niyo? " ani Felipe. " Tumbang braso at kapag nanalo tayo makakapasok tayo " " Maganda yan " masayang sabi ni Felipe at minassage pa ang balikat ni Mary para palakasin ang loob nito at sa isang iglap nga natalo nito ang lalaking estudyante na kalaban niya kaya talon na talon naman ito. " Kung ganon makakapasok na tayo? " ngiti pa niya. " Kung matatalo mo ako makakapasok ka din " sabi ng isang estudyante na ngayon galit na galit pagkatapos matalo ni Mary ang kasamahan niya. " Te-teka! natalo ka naman niya ah " " Kaya nga kaya puwedi na siyang pumasok " at sa asar ni Felipe lumipad ang kamay nito sa ulo ni Mary pagkatapos batokan. " Akala ko ba itatago natin ang pagkatao ko pero dahil sa patumbang braso mo paniguradong malalaman na nila na mahina ako at walang wala ako sa lakas niyo " " Hindi lahat ay malakas at kumpara sa lakas mo base sa mga nakita ko nong makipaglaban ka sa grupo nila Gato kumpara sa mga mahihinang kauri ko ay puwedi ka ng lumaban " " Mahihina? " klaro pa rito ni Felipe. " Oo, sa pinakamahina ay may laban ka " at sa asar nito ay binatokan nitong muli si Mary pagkatapos marealize na 5% lang ang tsansa niyang manalo kung sakali. " Bahala na nga!! " pagstretch nito pagkwan tinuro nito yong tinutukoy niyang mahina sa pinakalikod " Base sa mga kilos niya malakas ang kutob kong hindi siya isang neto " pag-iisip pa nito " At kapag nagkataon mananalo ako " ngiti pa niya. " Siya ang gusto ko " ani Felipe at sabay namang lumingon ang dalawang estudyante sa tinutukoy niya at nagtaka siya ng bigyan nila ito ng daan patungo sa mesa kung saan sila maghaharap ni Felipe. " Pumili ka pa yong pinakamalakas " napalingon naman ito sa nagsalita at si Elias ito. " Nandito kana? " " Oo, malapit lang naman ang school " ani Elias dahil para sa tulad niyang sanay na sa lugar nila ay malapit lang sa kanya ang malayo kay Felipe kahit isa siyang tao at talagang ang kakayahan niya ay natutunan niya lang ito at walang kaugnayan sa mga kababalaghan sa mga tao rito sa lugar nila. " Tssst! sa bagay baka anak ka ni Tarzan " asar pang baling ni Felipe sa kalaban niya. " Pa-paano mo nalamang pinakamalakas siya? " mahina pa nitong tanong " Sa katunayan pakiramdam ko tao siya at tulad ko tinapon lang rito " ani Felipe. " Dahil nararamdaaman ko " ani Elias at natigilan si Felipe ng ipatong ng napili niyang kalaban ang braso nito sa mesa kaya naramdaman nito ang presensya niya agad na malakas nga talaga ito. " PAMBIHIRA MUKHANG MAGALING NGA MAGTAGO ANG MGA TAO RITO NG PAGKATAO " hinga nito ng malalim saka hinawakan ang kamay niya at napatingin siya rito ng maramdaman niyang sobrang lamig ng kamay nito at nakaramdam ito ng kunting takot pagkatapos siya nitong titigan. " Wala pang nananalo saakin sa ganito " ngisi nito. " Kung ganon maghanda ka ng matalo " mayabang nitong sabi at pinosisyon nito ang kamay niya saka inipon ang lakas niya at naramdaman agad nito ang lakas ng kalaban niya pagkatapos nitong pisilin ang kamay ni Felipe at pakiramdam niya madudurog ang mga boto nito sa kamay pero lumaban ito at pinatigas niya ang mga kamay niya at inipon ang enerhiya niya rito para labanan ito dahil hindi siya puweding matalo ng ganito lang kabilis kahit hindi pa tao ang kalaban niya at kahit ito pa ang pinakamalakas sa tatlo ayon kay Elias. " Simulan na " hudyat nila Mary at kagaya ng inaasahan natin makikita sa mukha ni Felipe ang pagpoporsigeng manalo habang ang kalaban nito ay 25% lang sa lakas niya ang binibigay nito. " Kaya mo pa ba? " pang-aasar rito ng kalaban niya. " Bakit yan lang ba ang kaya mo? " pagpapalakas pa ni Felipe kahit ramdam niyang puweding mabali ang kamay niya kung ipipilit niya pa ito at lalakasan pa ng kalaban niya. " Tingnan natin hanggang saan ang itatagal mo " at ganon na lang ang asar niya ng hindi pa rin nito maitumba ang kamay ni Felipe pagkatapos dagdagan ang lakas niya at para sa kanya ito ang pinakamatagal na laban niya tungkol sa bagay na ito. " Taposin mo na po at nang maisara na po natin ang gate " bulong rito ng mga kasama niya at kitang kita naman ni Felipe ang pag-itim bigla ng buong mata nito pero sobrang bilis lang nitong nawala. " Teka! alam naming ayaw mong natatalo pero magpatalo kana at baka mabali ang kamay mo " nag-aalala ritong lapit ni Mary at Elias. " Matatalo lang ako kung ang mesang ito mismo ang kusag bibigay " at kakatapos lang magsalita ni Felipe ng madurog ang mesa, hindi lang ito basta naputol kundi nadurog ito hindi naman naging pulbos pero nagkapirapiraso ito ng maliliit kaya hindi lang si Felipe ang nagulat kaya agad na tumingin ang lahat sa paligid pero wala namang kakaiba kahit si Elias ay wala siyang maramdaman pero alam ng lahat na hindi basta normal ang nangyari. Kaya naman pinapasok na sila pagkatapos maging palaisipan sa lahat ang nangyari. " Sa tingin niyo siya ang may kagagawan nun? " tanongan ng mga bantay sa gate habang sinusundan ng tingin si Felipe. " Akala ko pa naman bagohan siya sa lugar natin pagkatapos ng mga sinabi niya nong una pero pagkatapos ng ginawa niya marahil mas malakas pa siya saatin___ " at katatapos lang magsalita ng kasamahan nila ng tumama sa bibig nito ang palad ng nakalaban ni Felipe at sa lakas nito ay nagdugo agad ang bibig nito. " Pasensya na leader!! " " Ang lakas ng loob mong sabihin saakin na may mas malakas pa saakin " nanlilisik nitong tingin saka ito lumingon kay Felipe " Pero may kakaiba sa kanya base sa lakas niya alam kong doble pa ang lakas ko sa kanya pero papaanong nagawa niyang durogin ng ganon ganon lang ang mesa? " pag-iisip nito " Magmula ngayon ang mata niyo ay sa lalakeng yan at ipapakita ko sainyo na mas malakas ako sa kanya " makikita mo sa boses nito ang inis pagkatapos hindi matalo si Felipe dahil sa nangyari at gaya ng sabi niya wala pang nakakatalo sa kanya at palagi siyang nananalo kaya hindi niya basta matatanggap lang ang mga nangyari. ***** KAGAYA ng sinasabi nila Mary pumasok nga si Felipe na isang normal na estudyante sa school nila at hindi pinakilala kung sino ang transferee basta ang lahat ay bago sa mga mukhang nakikita nila dahil sa loob nga ng anim na buwan ay bagong pagsibol ang nangyayari sa lahat. Ang sino mang pumasok sa paaralan ay naaalis ang alalala nila patungkol sa mga totoong pagkatao ng mga taong nandito at ayon nga sa batas ng Pook Liwanag ang mga tao lang na puweding manakit sa mga taong nasa loob ng paaralan ay ang mga Neto rin na may koneksyon sa paaralan bilang kasunduan sa pinakamataas na tao sa labas upang hindi magtangkang lumabas pa sa pook Liwanag ang mga Neto. Sa madaling salita ang mga taong natatapon sa lugar na ito katulad ni Felipe ay nagiging bargain siya o pagkain ng mga Neto upang manatili ang kasunduang hindi na lumabas ang mga Neto sa pook Liwanag at hindi nila pagtangkaang pakialaman ang mga tao sa labas at ang kapalit naman nito sa mga tao ay nagiging matino ang lahat ng natatapon rito dahil sa ginagawang hunting ng mga Neto. Syempre, hindi mo na pipiliin pang bumalik rito kaya nagiging matino ang lahat nang nakakalabas rito ng buhay. At naging epektibo ang ganitong kalakaran pagkatapos ng mga naunang subject ng mga malalaking tao na nakipagkasundo sa mga Neto dahil parang sumusumpa ang mga taong makapunta rito sa hirap na dinadanas nila kaya tumitino ang mga ito sa takot na maibalik sa Pook Liwanag. At dahil sa nangyari sa gate pagkatapos ng maling hula ni Felipe hindi nito magawang makipag-usap sa kahit sino dahil natatakot siyang baka ngayong araw pa lang ay matapos na siya gayong hindi siya magaling magtago o magsinungaling. " Hindi ko alam kung anong papatay saakin ang mga taong nandito sa paaralan o ang mag-aral ng mabuti " Paghiga nito sa may bench habang nakatambay sa may math park pagkatapos magskip sa last subject nila nang iwan sila ng teacher nila dahil may meeting ito at dahil ayaw naman niyang makipagkaibigan sa kahit na sino man para ingatan ang pagkatao niya ay lumabas na lang ito pagkatapos ding sumakit ang ulo niya sa pakikinig maghapon at ang kamay nitong hindi niya maikilos pagkatapos ng tumbang braso nila ng mga nilalang sa gate. " Ibig sabihin kung mali-late pa ako bukas baka umuwi na lang ako saamin ng wala nang kamay pambihira mga halimaw talaga ang lakas nila, pambihira kasing Mary yon! " Nasasaktan pa nitong pakiramdam sa kamay niya saka pumikit pero mabilis itong bumangon ng maramdaman niyang may humawak sa kamay niya at ganon na lang ang gulat niya ng makita na naman nito ang sinasabi niyang kamukha niya. " Kung ganon totoo ka talaga? " Tanong ni Felipe at pinigil ang takot dahil ang gusto niya ay malinaw kung sino ba ito gayong wala namang gustong maniwala sa kanya tungkol sa pagkatao nitong kamukha niya. " Ang iyong mga kamay marahil mababali iyan ng tuloyan kung iyong hahayaang lumala " pagbalewala nito sa sinabi ni Felipe " Halina at aking pahihilomin " mabilis namang umatras si Felipe ng magtangka itong lumapit sa kanya. " Sino ka ba? Bakit kamukha kita at kung hindi ako nagkakamali alam mo din ang pangalan ko e si Elias, Mary at lolo lang naman ang nakakakilala saakin " at natigilan si Felipe ng tumitig ito sa kanya saka biglang pumuti lahat ng mata niya at sa isang iglap nakita nitong muli ang sinasabi niyang ahas na nakita niya sa may kakahoyan pero sa bilis nito ay parang kisap mata lang na bumalik ito sa sinasabi niyang kamukha niya. " Ako ay nandirito pagkatapos mo akong tulongan na makawala sa pagkakakulong saakin ng maraming taon na ang lumilipas.. ako ay hindi isang ahas ayon sa pagkakaalam mo sa pagkat ako ang Bakunawa... ang maraming taon ng binura ng mga tao sa pook Liwanag pagkatapos ako'y kanilang ikinulong subalit alam kong mayroong ding darating upang ako ay saklolohan at ikaw ang tao na yon kaya ako ay lubos na tumatanaw nang malaking utang na loob saiyo " " Nagpapatawa ka ba? marahil isa kang Neto at gusto mo lang akong lokohin " kuyom nito sa kamao niya at napa-aray ito pagkatapos masaktan. " Handa akong saklolohan ka mula sa kanila ngunit ang kapalit ay hahayaan mo akong makasama ka " nanlaki naman ang mata rito ni Felipe. " Katulad ng aking mga sinabi, ako ay hindi isang tao kundi ang Bakunawa at ako ay namumuhay sa ilalim ng tubig ngunit dahil sa libong taong pagkakakulong saakin ay naglaho ang aking tirahan at maging ang mga bagay na tungkol saakin ay hindi ko na rin maalala na para bang naglaho na rin, ang anyo ko, ang aking pangalan ngunit marahil ako ay walang pangalan maliban sa tawag ng lahat saakin... ang Bakunawa at bilang kasunduan natin ika'y aking ililigtas hanggang sa lisanin mo itong lugar at ako naman ay hahayaan mong mabuhay kasama ka hanggang sa bumalik lahat ng alaala ko at matuto akong mamuhay bilang isang tao " " At saakin mo talaga iaasa ang matuto kang mabuhay? E hindi ko nga maalagaan ang sarili ko tas dadagdag ka pa " pag-upo ni Felipe " At saka ano namang kaya mong gawin para protektahan ako at hanggang kailan mo kukunin ang hitsura ko? o baka ganyan kana talaga habambuhay? Naku! mas lalong hindi puweding makita ka ng mga kasama ko talagang magtataka sila pero sa bagay baka maniwala din sila kung makikita ka nila at isiping hindi ako nasisiraan ng bait " " Hindi ba at ikaw ay nawala nong ako ay iyong matagpuan sa kakahoyan.. iyong tinutukoy ni Mary na nasilayan niya at ito'y kaniyang sinundan sapagkat iniisip niyang ikaw ay ako yon at dinala ko sila mula sa iyo at ang kaninang nangyari sa mesa ako ang dahilan nun kung bakit nasira sapagkat kung tatagal kayo sa ganoong pangyayari ay marahil mababali ang iyong mga kamay " napatingin naman rito si Felipe. " Sus! wala ka naman sa pinangyarihan " sabi nito nang muntik ng maniwala. " Sapagkat kaya kong maglaho kaya hindi mo ako nakikita at mayron din akong kakayahan na gayahin ang anyo ng kahit na anong nilalang subalit ito'y dapat makita ko at malaman ang pangalan nito katulad ng mga nakikita mo ngayon kaya aking nagaya ang iyong anyo " hindi naman umimik pa si Felipe pagkatapos ritong makombinse at napatingin siya rito ng bigla itong lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niyang muli kaya mabilis niya itong binawi. " Aray.. puwedi ba wag kang lumalapit bigla " asar nitong sabi pagkatapos masaktan. " Ibig ko lamang gamotin ang nangyari sa iyong kamay.. paumanhin " marahan nitong muli kuha sa kamay ni Felipe at na-aawkwardan man ito dahil hinahawakan ng sarili niya ang kamay niya dahil sa kamukha niya nga ang bakunawa pero nagpaubaya siya dahil talagang nasasaktan siya at natigilan siya ng itapat nito sa bibig niya ang kamay ni Felipe saka nakita nito ang liwanag na lumabas sa bibig nito na may ano mang usok at napapikit siya ng maramdaman niyang para bang gumalaw ang boto niya sa kamay na pakiramdaam niya ay nabali ng kunti. " Sinasaktan mo naman ako " paghila niya rito saka ito tinulak at natigilan siya ng wala na siyang sakit na maramdaman rito. " Wag ka ngang ngumiti saakin tssst! ang awkward na makita kong ngumingiti saakin ang sarili ko kahit naman napaka gwapo ko pa " at gaya ng sinabi niya hindi na nga ito ngumiti. " Sige na nga! kapag nagawa mong magpalit ng anyo at hindi ko na mukha at tinigilan mong magsalita ng malalalim pag-iisipan ko ang mga sinabi mo saakin " pag-upo nito " Pero sa ngayon maglaho ka muna at wag dumagdag sa mga iniisip ko " at sa isang iglap naglaho nga ito kaya naman bahagyang nahiga muli si Felipe. " Kung ganito siya kabait baka maaaring siya na lang ang pumasok saakin sa paaralang ito at manatili na ako sa bahay total kamukha ko naman siya at hindi rin tao kaya paniguradong makakakuha siya ng diploma ng walang kahirap hirap " pag-iisip nito. " Hindi iyon maaari sapagkat gaya ng aking mga tinuran wala akong alam sa makabagong mundong ito kaya marahil hindi ako magtatagumpay " napabangon naman ito bigla sa narinig niyang tinig. " At paanong nandito ka pa at saka sa isip ko lang naman iyon ah papaanong nalaman mo? " " Ako ay hindi mo lang nakikita ayon sa ipinag-utos mo subalit ako ay nasa tabi mo lang sa katunayan magmula nong ako ay iyong tulongan ay nasa tabi mo lang ako at kapag nahawakan ko ang ano mang bagay na may buhay ay kaya kong basahin ang nasa isip nito subalit sa loob lamang ng limang metro " " Kung ganon lumayo ka ngayon ng sampong metro nakakatakot ka!! " sabi nito saka ito tinawag ngunit hindi na nga ito sumagot pang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD